Chapter 4

4 0 0
                                    

Athena's POV

           Napakaaga ko pang naghanda para pumasok sa bago kong paaralan.Nakakakaba pero nakaka excite namang pumasok.

"Lola.Sino po ang sasama sa akin?"tanong ko sa kaniya na nanonood pa ng TV.

"I'm ready Athena."sagot ng nasa likod ko.

Napalingon ako at nakita kong nag aayos na ng bag ang Tita ko.

"Saan po kayo pupunta?"tanong ko sa kanya.

Naka dress siya ng mahana hanggang talampakan at naka heels ng mataas.

Magmomodel ba siya?

"Sa school mo.Bakit?"tanong niya sa akin.

Ako pa talaga  ang tinanong niya na siya nga yata ang may problema sa sarili.

"Kailan ka nga pala magbibihis?"tanong niya ulit.

Napatingin naman ako sa sarili ko.

"Eh Tita bihis na po ako."sagot ko sa kanya bago ko kinuha ang bag ko.

"Teka anak!I mean Athena...Uhmm...magpalit ka."utos niya.

Dali-dali siyang nagtungo sa kwarto niya at may kinuhang bagay.

Damit ng ang kinuha niya at ibinigay sa akin.

Tiningnan kong maigi ang damit.Isang pantalon na tingin ko ay pantay lang sa sukat ng baywang ko.

Isang T-shirt na parang hindi kasi labas ang pusod ko pag sinuot ko ito.

"Ay!Wag naman po ito.Kita na po ang kaluluwa ko dito!"sabay sampal sa sarili kong mukha.

Natutop ni Tita ang bibig niya para hindi tumawa at lumapit sa akin.

"Athena anak....ang magiging paaralan mo ay private kung saan ang nga nag aaral ay purong mayayaman.Kapag ang suot mo ay ganyan....baka sabihin nilang pambahay ang suot mo."paliwanag niya sa akin na napapaisip din ako.

Ano naman ang masama sa suot ko?Hindi kaya pambahay ito!

Sa halip ay sinunod ko ang utos niya at nagbihis kahit ako'y sobrang naasiwa na talaga.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng naka uniform.Iniisip nga siguro nilang nasa modeling agency kami galing.

"Oh my!Ilang kotse kaya meron siya?"bulong ng isang babaeng taas baba ang tingin sa akin.

"How many stores do they have?Do you know her?"tanong naman ng isa pang nadaanan namin.

Naiilang ako sa tuwing pinag uusapan nila ako.Napayuko na lang ako sa hiya.

"Ang tanong guys?Ilan ang IQ niya?Mukha yatang mabi beat niya ang geneus nating si Cellie."wika ng isang babaeng may hawak na aklat.

Ano ba'ng meron dito sa school na'to?Chismosa ang mga tao?

"Athena...from now on hindi mo na ibababa ang chin mo.Kailangan mo nang isanay ang sarili mo na maging confident."wika ni Tita habang naglalakad kami.

My Typhoon LoveWhere stories live. Discover now