Yoongi's POV
Nakalipas ang mga araw at nakalabas na rin si Miyu sa hospital.
Hindi parin ako sumusuko.
Alam ko na maalala niya uli ako.
Naglalakad kami ngayon papuntang fast food bibiling pagkain namin.
Kasama ko ang maknae line, ewan ko ba kung bakit kasama ko 'tong mga 'to!
"Sir willing to wait po ba?" Sabi saakin nung cashier.
"Kaya ko maghintay kahit ilang taon pa man yan, siya nga nahintay ko sa apat na taon at sasabihin saakin 'sino ka?' " Sabi ko at umalis na sa harap ng cashier.
Naupo naman ako sa tabi ni Jimin at naghintay ng pagkain.
"Hyung! Si Miyu ba yun?" Sabi ni Taehyung at tinuro ang isang babae na naka dress.
Suot niya yung dress na binili ko sa kaniya dati.
"Alam mo hyung gumanda lalo si Miyu." Hindi ko pinansin si Jimin at tinitigan ko lang si Miyu.
Pagtapos niyang makuha ang order niya tumayo agad ako.
"Kayo na kumuha ng order natin ah? August D yun!" Lumabas agad ako ng fast food chain at sinundan si Miyu.
Tinignan ko siya mabuti at suot parin niya ang singsing na binigay ko.
Sinundan ko lang si Miyu kahit saan siya magpunta.
"Sinusundan mo ba ako?" Bigla niyang sabi.
"Holdaper ka no?" Sabi niya nilabas ang pepper spray.
"Hindi!" Inalis ko agad ang mask ko.
"I-ikaw pala yan."
"Kilala mo pala ako? Akala ko kinalimutan mo na talaga ako eh."
"Drama mo! Hehe joke! Oo ikaw yung Yo...Yo.." Nakangiti niyang sabi.
"Yoongi."
"Oo nga pala hehe sorry."
"Okay lang." Sabi ko.
"So? Mauna na ako?"
"Teka! Pwede bang mahingi number mo?" Kinuha naman niya ang phone niya at binigay ang number niya.
May number na pala niya ako hehe.
"Salamat." Sabi ko at tumalikod na siya.
"Last na." Humarap uli siya saakin.
"Pwede bang payakap?"
"Huh?"
"Kung okay lang sayo? Wala ka naman boyfriend diba?" Lumapit naman siya saakin at niyakap ako bigla.
Namiss ko ang yakap niya sobra, pinipigilan kong hindi maluha pero pumatak na eh.
"Sige aalis na ako." Nagtaka ako bakit nawala ang ngiti niya.
"Bye Miyu ko." Ngumiti lang ako habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo.
Miyu's POV
Ang weird naman ng lalaking yun!
Kumalas agad ako sa pagkayakap niya dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko.
May nakikita nanaman ako kaso ang labo.
Saka yung niyakap niya ako kanina bakit parang ang komportable saakin.