Miyu's POV
Na trauma ako dun.
Hays! Okay na yun atleast hindi ako sinaktan naung holdarper, ang malungkot lang wala na akong phone. (ノへ ̄、)
Kaiyaq!
Pero hindi ko talaga maalis sa isip ko yung dadaanan lang ni Yoongi na parang hangin.
Nakakaiyaq talaga!
Nagpalit muna ako nang damit at saka bumaba para magluto nang pagkain na kakainin namin ni Alexa.
Pagkayari ko magluto ay inihain ko na yung pagkain at kumain na.
Habang kumakain ay tulala parin ako hindi dahil sa pang holdap saakin dahil talaga dun kay Yoongi.
"Ate okay ka lang? Kanina ka pa tulala eh!" Rinig kong tanong ni Alexa pero hindi ko siya pinansin.
May pake pa pala ito saakin?
Bumalik naman ako sa sarili ko nang bigla akong batukan ni Alexa.
"Tangina."
"Chill ka lang! Hehehe." Inirapan ko lang siya.
Nawalan na ako nang gana kumain kaya umakyat na ako sa kwarto ko.
Hay nako! Umiiyak nanaman ako!
Maybe he feels that i'm avoiding him that's why he avoids me too.
Hindi ko namamalayan na nakakatulog na pala ako.
|Morning|
Nagising ako dahil may liwanag na.
Bumangon na ako at ginawa ang ritwales ko tuwing papasok.
Friday na! Next week wala kaming pasok!
Paglabas ko nang bahay, boring wala tuloy akong sasalpakan sa tenga.
Nagsimula na akong maglakad papasok, medyo malapit lang naman eh! Medyo..
Ilang minuto rin ay nakarating na rin ako sa school at daily routine!
Didiretso ako locker ko para kumuha na mga kakailanganin ko sa mga subject teachers.
Pagbukas ko nang locker ko nakita ko ang bag ko pati phone ko at may sticky note pang nakalagay.
Ingat palagi.
-A.DA.D? Sinong A.D? Baka yung holdaper?
Kinuha ko na lang yung phone ko at tinignan mabuti, walang nagbago.
Kung sino ka man A.D ka thank you so much!
Bumalik na ako sa room at naabutan na sila Jin dun, ang aga nila.
Umupo na ako sa pwesto ko pero wala si Yoongi dun, nakita ko na lang siya sa pwesto ko sa likod natutulog nanaman.
Tinignan ko siyang mabuti at...bakit may bandage siya sa kamay?
Nilabas ko yung phone ko at nag swegbook na lang.
"Oh! Paano mo nakuha phone mo?" Tanong ni Kate.
"Hindi ko rin alam eh! Naktita ko lang sa locker ko at may nagiwan nang sulat galing kay A.D." Nagtinginan naman sila ni Krishna at Krystal mata sa mata at parang naguusap sila gamit ang mata.
Paano yun?
"Bakit?"
"H-huh? W-wala! Congrats ah! Hehe." Bati ni Krystal.