Miyu's POV
"ATE PAPASOK NA AKO TANGINA TULOG KA PA RIN!" Nagising ako dahil sa sigaw na pinakamamahal kong kapatid.
"PUMASOK KA! HINDI KO HAWAK PAA MO PAKYU!"
"ULUL BUMANGON KA NA DYAN MAY BISITA KA DITO!"
Napabangon naman ako at agad din akong naligo at dumiretso na sa baba kesa naman magpakita sa bisita ko na hindi pa ligo, gulo gulo ang buhok, baho hininga, may panis na lawat.
Eww.
Pagbaba ko nakita ko agad yung tatlong babae!
"Uyy! Anong ginagawa nyo dito? And paano nyo nalaman bahay ko?"
"Nagtanong tanong."
"Pero infires men! Famous ka dito! Dahil sa apelyido mong 'Min'!"
Lumabas na kami ng bahay at naglakad na lang.
"Kate alam mo na ba?" Umiling naman sya at humigop ng juice, na binili nya sa isang store malapit dito.
"Crush ka ni Jungkook." Nabuga naman nya yung iniinon nya kay Krystal, at si Krishna naman ayun nasa sahig nanaman kakatawa.
ANG BABAW.
"Ang baboy!" Reklamo ni Krystal.
"Sorry hehehe." Sabi ni Kate at nag Peace sign.
"Ikaw din Krishna, crush ka ni Taehyung wallpaper ka nga nya eh."
"Wallpaper lang Crush na? Hindi ba pwedeng maganda lang sa picture?" Sabi ni Krsytal.
"Inggit ka naman?" Sabi ni Krishna.
"Tss." Bigla naman siyang nauna maglakad.
"Crush nya kasi si Jimin since first year kami, kaso hindi sya pinapansin, kaya ayun bitter ang gaga." Paliwanag ni Kate.
"Malay mo mahal na pala ni Jimin si Krystal hindi lang sya umiimik." Sabi ko
"Ay Jimin!" Sabi bigla ni Krystal na natisod.
"Lampa ka talaga kahit kailan!"
Habang naghaharutan silang tatlo dun bigla naman nag vibrate yung phone ko.
From: Unknown
Good Morning Miss Ganda! ♥
HALA TANGINA SINO KA?!
Dahil wala akong load hindi ko sya nireplayan, saka na ako mag papaload kapag may number na ako ni Yoongi babes ko. (^-^)
Nilagay ko na sa bulsa ko yung cellphone ko hanggang sa nag vibrate uli ito, tinignan ko iyon at may nagpaload saakin! Naks naman!
From: Unknown
May load ka na? Reply naman dyan oh? (ಥ_ಥ)
From: Unknown
Huy! Sayang yung pinaload ko saiyo!
To: Unknown
Sino ba kasing sabi paloadan mo ako?! At sino ka ba? Paano mo nakuha number ko?!
-sent-
From: Unknown
Sungit! Pero nagreply din sya! Nakita ko sa banyo, need daw ng text mate. Hehe ako nga pala si Mingyu!
To: Unknown
WALA AKONG PAKE!
-sent-