Miyu's POV
Tangina pinupuyat ako ni Yoongi puta!
Masakit ba yung mga sinabi ko?
Inisip ko lahat ng sinabi ko...
Putangina! Ang sakit nga hehe, ayan tuloy ang cold na saakin.
Teka nga! Bakit ba ako concern kasalanan naman niya!
Ulul Miyu pakipot ka pa! IDOL na yan oh! Pinagmalaki ka na nga eh!
Tangina ka talaga konsesya!
Kinuha ko naman ang phone ko at bigla naman may tumawag.
Caller Yoongilagid...
Halaaaa puta tumatawaaaaag siyaaaa! Mukhang sisingilin ako sa damit niyang napunit.
Mukhang mahal din yung damit!
Siyeeet! Hindi ko afford!
Tumayo naman ako at lumabas sa balcony.
"H-hello?"
[Bakit gising ka pa?]
"Ah..hehe hindi ko alam eh! Kailangan ko na bang bayaran yung damit mong napunit?"
[No saka matulog ka na.] Cold niyang sabi.
"WAIT! wag mo muna ibaba! Hindi kasi ako makatulog eh."
[Sige. Ano ba gusto mong pag usapan? Yung news ba uli?]
"Wag na lang muna natin pagusapan yun pwede hehe."
[Hindi mo ba talaga ako maalala?] Bigla niyang tanong.
"Hindi eh."
[Miyu sabihin na natin na sobrang special ko sa'yo.]
"Talaga? Kaano ano ba kita? Kapatid? Bestfriend? Pinsan? Boyfriend?"
[soon to be my wife.] Hindi naman ako nakapagsalita.
"May Girlfriend ka! At hindi ako yun! Alam kong may Girlfirend ka! Sa gwapong yan wala kang girlfriend?"
[So gwapo pala ako sa paningin mo?]
"H-hindi."
[Bakit nauutal ka?]
"Oo na gwapo ka!" Narinig ko naman na medyo natawa siya sa kabilang linya.
[Ano na?]
"Y-yoongi pwede ba tayong magkita bukas? Kung free ka? Kung hindi sa susunod na araw na lang, kung hindi rin, wag na lang."
[Pagtapos namin mag practice pupuntahan kita sa Coffee shop sa Namsan Tower.]
"Bakit dun?"
[Magsisimula uli tayo.] Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang ibaba ang linya.
Bastusan tayo no?
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at nahiga.
Matutulog na sana ako nang bigla siyang nag text.
From: Yoongilagid.
Sleep tight! Love you! 😘
Luh! May love you pang nalalaman.
Pero kinikilig?
Hindi noh!
Aminin?
Hindi nga taena netong konsensya ko!
![Sweg..[Yoongi FF.]](https://img.wattpad.com/cover/88370366-64-k908636.jpg)