Highest Rank

93 13 7
                                    

Highest Rank

"Tell me what's the reason why we should select you,  Azreah Zin."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit nga ba dapat nila akong piliin para makapasok sa unibersidad na ito?

"---Because.." nauutal na sagot ko hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Do you have any idea what you are going into? Do you know anything about this university?" Striktong tanong ng may katandaang babae. Nandito ako ngayon sa guidance office at ine-interview ako..

Sa totoo lang ay wala akong kaalam-alam sa iRisk University. Kung hindi lang dahil kay Daddy ay hindi ko gugustuhing mag-aral dito.

"I do not have any idea miss." Mahinang sagot ko.

"Then I'm sorry to tell you that, this univeristy is not what do you think it is. Sorry, but you are not qualified enough to enter this university."

Kasabay noon ang pagtunog ng timer, bumagsak ang balikat ko pagkarinig ko noon.  Binigyan lang kami ng 5 minutes para sa interview.

Ano nalang ang sasabihin ko kay daddy? I know he is expecting na makakapasok ako dito sa unibersidad na ito. This is his dream university, dito niya gustong mag-aral noon ang kaso nga lang ay walang sapat na pera, kaya ngayon ay gusto niyang dito ako mag-aral at magpatuloy sa pangarap niya.

Tumayo na ako at palabas na sana ng pinto.

'I should not let dad expectation be ruined.'

Bago ako tuluyang lumabas ay inipon ko lahat ng lakas ng loob ko. Inisip ko ang dahilan ko kung bakit gusto kong makapasok sa unibersidad na ito.

"Who are you to say I am not qualified enough miss? What qualification I do not have for you to say that. I have a good grades more than enough, in fact I am first in our class. At oo sabihin na nating wala akong kaalam-alam sa unibersidad na ito pero para sabihin ko sayo willing akong alamin kung anong mayroon dito. This is not my dream but my dad's dream, at hindi ko hahayaang madisappoint siya. Anong mayroon ang unibersidad na ito na wala sa iba? Hmmm.."

Nag-iisip kunwareng turan ko habang nakalagay ang hintuturo ko sa may baba ko. Diretso tingin ang binabato ko sa matandang babaeng nasa harap ko.

"Ano nga kaya? Hmmm. I'm curious." Pagpapatuloy ko pa.

Bigla siyang ngumiti. Yung mga ngiti niya parang may pagbabanta.

"Curiosity can kill you little girl." Mapanuksong sabi niya.

"Is that so? Then I am willing to die." Matapang na sagot ko. Nakita ko ang pagkawala ng ngiti sa mga labi niya.

"I am not what do you think I am, miss."

At tuluyan na akong lumabas ng pinto.

And that day, I never knew that my life will totally change. I don't know why and how it happened, but I passed the interview. And now I am officially an iRisk student.

Highest Rank
Written by: writerinmask

iRisk University: Highest RankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon