Chapter Nine - Regrets
Azreah
Kabang kaba man ay inipon ko ang buong lakas ko at dahan-dahang pinihit pabukas ang pinto ko. Naabutan ko pagkabukas ko ng pinto na nagtuturo ang isa guro sa harap at napatigil ito ng makita ang pagbukas ko ng pinto.
"G-ood morning po." Medyo alanganing sabi ko habang hindi makatingin ng diretso sa gurong babaeng kaharap ko.
"Azreah right?" Tanong nito. Tumango naman ako. Bakit ba parang lahat ng teacher ay alam ang pangalan ko.
"Yes po." Magalang na sagot ko. Ngumiti muna ito bago tumingin sa harapan, dahan-dahan ko rin pinihit ang ulo ko papunta sa harap kung saan nakatingin si miss.
Nagulat ako nang makita ko si Stephane at Ency sa loob. What the hell, ibig bang sabihih nito ay Highest rank din sila? Biglang bumalik sa ala-ala ko ang nangyari nung isang araw at kanina kanina lang. Nakaharap at nakabanggaan ko ang dalawang highest rank. Bakas ang gulat sa mukha nila Stephane at Ency at masamang tingin ang binabato nila saakin. Hindi ko yun pinansin at inilibot ko pa ang pangin ko sa loob ng klase. Hindi ko makita ang hinahanap ko.
'Wala si Dos'
Ang nakita ko lang ay ang kasama niya kaninang lalaki na nakita ko sa loob ng gubat, nahagip ng mata ko ang dalawang magandang babae na ngayon ko lang nakita, gayun din ang dalawang lalaki nanhindi maipagkakailang gwapo din.
Seryoso sabihin niyo nga saakin ang highest section ba ay ginawa upang pagsama-samahin ang mga gwapo at magagandang estudyante?
Biglang bumalik sa ala-ala ko si Nygel, bigla nalang kasi itong nawala kanina habang palabas kami ng gubat. Nasa may unahan kasi ako at nasa may likuran ko siya at naglaho nalang siya na tila isang bula.
Hindi rin mahagip ng paningin ko si Nygel, wala silang dalawa ni Dos sa loob ng klass. Saan nagpunta ang mga iyon? Tss. Ano nga bang pakialam ko?
"Class let me formally introduce to you Azreah Zin, simula ngayon ay mapapabilang na siya sa highest section ito ay desisyon mula sa taas." Formal na sabi ni miss sakanila. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat lalong lalo na si Stephane at Ency nguni hindi sila makapag-salita at tila walang magawa ng sabihin iyon ni miss.
"Magpakilala ka Azreah."
"Po?" Medyo nagulat pa ako ng sabihin iyon ni miss, ngunit agad din akong pumunta sa harapan ng klase.
Diretso lang akong nakatingin sa sa wall sa may gitna at hindi tumingin sa kanino mang highest rank na nasa loob ng room.
"Good morning. I am Azreah Zin transferee from East System University." Formal na pagpapakilala ko.
"Hindi kami interesado." Mataray na pagparinig ni Stephane.
"Tss." Singhal naman ni Ency.
"I hope you will treat her better class."
"As if. Don't you dare tell as what to do miss." Bastos na sagot ni Stephane sakanya. Tinignan ko si miss ngunit tila hindi man lang ito naapektuhan sa sinabi ni Stephane at hinayaan nalang ito.
Pati ba ang mga guro ay takot sa mga Highest Rank?
"Maupo kana Azreah."
Humanap ako ng pwestong maari kong upuan, at ang natatanging bakanteng upuan nalang ay ang nasa likod. Bali limang table ang mayroon sa loob ng room, at bawat table ay may dalawang upuan. At ang sa likod nalang ang bakanteng table. Dahan-dahan akong nagtungo don at umupo. Nasa may harap ko ngayon ang isang magandang babae at ang kasamang lalaki ni Dos kanina.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...