Chapter Eleven - How to be a highest rank?
Azreah
Nandito kami ngayon nina Heena at Yeng sa loob ng kwarto mag-aalas otso na nang gabi at kakagaling lang namin sa dining hall upang kumain ng dinner. Tahimik at mapayapa naman ang naging pagkain namin dahil wala ang mga highest rank. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta at ano ang ginawa nila, pero laking pasasalamat ko na rin na wala sila doon. Matapos ko palang pumunta sa councilor office kanina ay dumiretso na ako dito sa kwarto namin at hindi na pumasok pa sa klase. Hindi ko pa kayang harapin si Dos sa oras na yun dahil baka kung ano pa ang masabi ko sakanya.
"Alam mo Reah nababaliw kana talaga. Bakit mo ba ginawa yun hah? Anong naisipan mo at nagawa mong sampalin si Dos!" Bakas ang inis sa paraan ng pagsasalita ni Yeng.
"Hindi ko na napigilan ang sarili ko e! Tyaka isa pa nabigla lang ako sa ginawa niyang paghagis sa akin ng kutsilyo. Kung hindi ako nakaiwas dun malamng patay na ako ngayon!" Depensa ko naman. Nakita ko ang pag-irap ng mata ni Yeng.
"Kahit na Reah dapat hindi mo nalang pinatulan. Mas lalo ka lamang pag-iinitan ni Dos dahil sa ginawa mong iyon." Dagdag ni Yeng.
"Oo nga Reah. Highest rank si Dos at marami pa siyang pwedeng ibang gawin na mas malala pa don kaya dapat hindi mo nalang sinampal at pinatulan pa." Pagsang-ayon ni Heena sa itinuran na iyon ni Yeng.
Naiintindihan ko naman sila at alam kong nag-aalala lang sila saakin. Pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kanina sa dining hall at nasampal ko siya.
"Pero teka nga Reah, saan ka pala nagpunta kanina at hindi ka namin nakita? Nalaman mo na ba ang section mo?" Bakas ang pagtataka sa mukha ni Heena nang tanungin niya iyon.
Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila ang mga nangyari kani-kanina lang. Hindi ko pa naikwekwento na kabilang na ako ngayon sa highest section at nagkaroon na naman kami ng pagtatalo ni Dos kanina at sa pangalawang pagkakataon ay nasampal ko na naman siya.
"Sabi ni dean ay kabilang daw ako sa highest section." Matapos kong sabihin iyon ay napaiwas nalang ako ng tingin sa kanila.
"Ano?!"
"Ano?!"
Sabay na singhal nila Heena at Yeng. Hindi naman ako nagtaka sa reaksyon nila dahil ako mismo kanina ay nabigka at hindi matanggap na kabilang ako.
"Nako Reah malaking problema yan! Bakit sa lahat-lahat nang section na pwedeng kabilangan bakit highest section pa?" Takang tanong ni Yeng.
"Yun na nga e. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. Hindi naman ako highest rank at bukod pa dun isa lamang akong low type kaya ngayon ay nagtataka ako kung bakit napabilang ako sa highest section." Nagugulahang turan ko sakanila.
"Oo nga bakit nga kaya?" Tila nag-iisip na usal ni Heena.
Nag-isip din ako ng mga posibleng dahilan. At isa lang ang pumasok sa isip ko. Hindi kaya binase nila dahil sa grado ko nung nakaraang taon? Hindi sa pagmamalaki pero ako ang una sa klase nung nakaraang taon.
"Hindi kaya binase nila iyon sa grado mo Reah?" Tila naba ni Yeng ang iniisip ko.
"Siguro." Alanganing sagot ko.
"Hindi rin." Sabay kaming napatingin ni Yeng kay Heena nang sabihin niya iyon.
"Paano mo nasabi Heena?" Tanong ni Yeng.
"Hindi mo ba napansin Yeng, si Reah ang kauna-unahang transferee na napasama sa highest section? Kadalasan sa mga transferee ay napupunta sa high section at pahirapan pa na mapasali sila sa higher section. Kaya nagtataka ako kung paano si Reah ay napasali sa highest section?" Paliwanag ni Heena.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Misterio / SuspensoGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...