Chapter Thirteen - Acquaintance Party
KINABUKASAN
Azreah
"Bagay ko ba talaga 'tong suot ko?" Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong naitanong kila Heena at Yeng. Inaayusan ako nila Yeng at Heena ngayon. Nag-suggest kasi sila na sila ng bahala sa make-up ko at sa pag-aayos ng buhok ko. Si Heena na ang nag-asikaso ng make-up ko at ang sa buhok ko naman ay si Yeng, pumayag nalang ako dahil wala akong alam sa ganitong mga bagay. Hindi naman kasi ako nag-aayos kung wala rin mang okasyon.
"Ano kaba Reah bagay mo kaya! Huwag ka ngang ano diyan!" Inis rin na sabi ni Yeng habang inaayos ang buhok ko.
Tinignan ko ulit ang suot ko, isang red na cocktail dress na pinahiram saakin ni Heena kagabi. Nung mapag-usapan kasi namin kagabi ang tungkol sa acquaintance party ay namomroblema ako sa kung anong susuotin ko, e hindi ko naman kasi napaghandaan ang ganitong event kaya nung pumasok ako dito sa IU ay hindi man lang ako nakadala ng mga dress ko.
Kaya naman nagpresinta si Heena na pahiramin ako at nagawa niya pang papiliin ako sa dami ng dress na nasa loob ng closet niya sa room namin, mayroong mga cocktail at long dress duon na iba't ibang kulay. May napili akong isang black na cocktail dress na hindi sobrang bongga nang disenyo bagkus ay simple lamang ito. Kaya ayun ang sinabi ko na pipiliin ko kay Heena. Pero nagulat ako ng bigla niya akong pagtawanan at nakisilip din si Yeng at ganun din ang ginawa niya matapos makita ang pinili kong dress.
"Ano ka ba naman Reah! Ang pangit naman ng taste mo!" Pang-aasar ni Yeng saakim at inirapan ko nalang nalamang siya. Wow? Ah! Maka-pangit naman agad 'to! hindi ba pwedeng gusto ko lang ng simple.
Sa huli sila Heena at Yeng parin ang namili ng susuotin ko kaya napaisip ako kung bakit in the first place pinapili pa nila ako! Tss!
Kaya ngayon eto nakasuot ako ng isang tube cocktail na red dress.
(Picture for imaginary purposes only.)
Ganyan ang itsura ng suot ko ngayon at ewan ko pero pakiramdam ko labas na ang kaluluwa ko dahil sa suot ko ngayon, sabihin niyo nang oa ako pero hindi talaga ako sanay na magsuot ng ganitong klase damit. Paano kung biglang malaglaga 'to bigla eh kasi tube style to! Walang strap. Huhu! Tss ewan ko kung bakit oa ako pero kasi hindi lang talaga sanay."Tara na at baka malate pa tayo. Excited na ako!" Aya ni Yeng saamin. Mas lalong gumanda at nahigh light ang sexy-ness nilang dalawa dahil gaya ko ay naka-dress din sila. Ang kay Heena ay naka-white cocktail dress din na bumagay sa morena niyang balat. Habang si Yeng ay gaya ko naka-red rin na dress ang pinagka-iba lang ay long gown iyong sakanya. Mas lalo ding nahighlight ang kaputian ni Yeng sa suot niyang iyon.
Sabay-sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa IU Event Hall na hindi lang kalayuan sa may building ng IU. Kaharap ito ng IU School building kung saan naroon ang mga dorm namin at mga rooms na pinapasukan namin.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Misterio / SuspensoGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...