Chapter Two - What rank am I?
Azreah
"Pssst."
'Ano ba yun? Inaantok pa ako eh'
"Pssst."
'Aissh! Panira naman eh'
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko, nagising ako sa mahinang uga saakin ng kung sino man. Pagkabukas ko ng mga mata ko ay dahan dahan kong ininda ang hapdi at sakit sa mukha at leeg ko.
Nilibot ko ang paningin ko, nasa kwarto na ako. Teka nga? Ang natatandaan ko kagabi ay nasa may kakahuyan pa ako? Ang natatandaan ko lang dahil sa sobrang sakit, takot at hirap na nararamdaman ko ay bumagsak na ang katawan ko sa may damuhan.
"Buti naman at nagising ka na. Alam mo ba kung anong oras na hah? Kanina ka pa namin ginigising ni Heena."
Pinagmasdan ko ang dalawang babaeng nasa may paanan ng kama ko at nakaupo. Pareho silang maganda. Ang isa ay mestisa at ang isa naman ay morena. Sila nga siguro ang dalawang ka-room mate ko.
"Teka, sino ang naghatid saakin dito?" Nagtatakang tanong ko.
Nagtinginan muna silang dalawa at tila nagkakapaan kung sinong sasagot.
"Hindi namin alam kung sino, ang alam lang namim biglang may kumatok sa pinto at pagkabukas namin nakita ka nalang namin bigla, walang malay at ang malala pa may pasa sa mukha. Napano ka ba? Sino ang gumawa niyan sayo?" Nag-aalang tanong ni Heena.
Muli kong inalala ang mga nangyari kagabi. Yung mga narinig ko. Yung pagsakal saakin. At ang pagsapak saakin ni Dos. 'Dos' hindi ko makakalimutan ang pangalan na yun. Biglang uminit ang dugo ko ng maalala ko ang pangalan nya. Yung mga mata niyang nakakatakot, yung paraan niya ng pagsasalita. Kung paano niya ako sakalin. At kung gaanong kalakas ang pagkakasapak niya saakin. Uminit ang dugo ko at naramdam ng kakaibang galit. Sino ba siya sa tingin niya at nagawa niyang manapak ng babae? Ganun naba kalaking kasalanan ang makinig sa usapan nila at nagawa niya akong sapakin?
"Si Dos." Bulalas ko.
Nagkatanginan na naman sila ulit at bakas ang paglaki ng mga mata nila at sabay na tumingin saakin.
"Ano?! Si Dos?!" Hindi makapaniwalang tanong ng mestisang babae na ito, na hindi ko alam ang pangalan. Ang alam ko lang ay Heena ang panagalan ng isang morenang babae sa tabi nito.
"Oo si Dos nga. Ang walang hiyang lalaki na iyon. Paano niya nagawag manapak ng babae! Ang angas niya, huwag lang siyang magpapakita saakin ulit dahil kung hindi..." Inis na usal ko.
"Kung hindi??" Sabay pa nilang tanong.
Tinignan ko muna silang dalawa bago sumagot.
"Sasapakin ko rin siya! Lintek lang ang walang ganti." Inis na usal ko pa.
Tumawa naman ang mestisang babae na ito na animo'y nababaliw na. Baliw ba 'to?
"Hoy ikaw babaeng walang pangalan." Bungad nito. Nakaramdam naman ako ng inis. Anong babaeng walang pangalan? Meron kaya ako no!
"Tss. Azreah Zin ang pangalan ko. Call me Reah." Mataray na sabi ko. Ini-snob naman ako nito. Mas preffered kong tawaging ng Reah dahil si daddy lang ang tumatawag sa akin ng Azi.
"Okay Reah. Uunahan na kita. Huwag mo na gawin ang plano mo dahil sinasabi ko sayo, wala kang laban sakanya." Seryosong saad nito.
"Sino ba siya sa akala niya hah? If I know, kapareho lang natin siyang estudyante."
"Tama si Yeng, Reah. Hindi mo pwedeng banggain ang isang Dos." Singit naman ni Heena.
So Yeng pala ang pangalan ng mestisang babae na ito?
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mistero / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...