HR Seven - Her Savior

42 8 12
                                    

Chapter Seven - Her Savior

Azreah

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may maramdaman akong kakaiba. May nararamdaman akong presensya ng ibang tao sa loob ng kagubatan. Mas lako akong kinabahan ng makarinig ako ng bulungan, tila mga lalaking nag-uusap. Papalakas ng papalakas ang boses nila kaya sigurado akong papalapit sila sa gawi ko, kaya naman dali-dali akong tumago sa isang malaking puno. Nakarinig ako ng mahinang kaluskos sa may gawi ko, dahan dahan kong inilipat ang paningin ko sa madamong bahagi sa may likuran ko dahil dun nanggaling ang kaluskos. Halos atakihin ako sa puso nang makita kong....

May ahas!!!!

"Ahhh----" malakas na sigaw ko ngunit natigil ako sa kasisigaw ng biglang may nagtakip ng bibig ko. Mas lalo akong kinabahan!

Sino ito? Sino ang nagtatakip ngayon sa bibig ko, hindi ko makita ang mukha niya dahil nasa may likuran ko siya. Pero umaalingasaw ang mahalimuyak na amoy nang pabango niya. Lalaking lalaki ang amo'y nito, mabango.

Ngunit ikinagitla ko nang mas papalapit na ang ahas na hindi naman ganun kalakihan, kulay berde ito. Takte? Baka matuklaw kami nito.

"Huwag kang maingay baka may makarinig sayo. Huwag kang gagalaw diyan kung ayaw mong matuklaw, sige ka pag-nakagat ka niyan mamatay ka." Tinakot ako nito na animo'y bata ako. Ewan ko ba kung bakit imbis na makaramdam ako ng inis ay parang gumaan ang loob ko sa paraan ng pagsasalita niya. Malumanay ito at masarap sa tengang pakinggan, hindi gaya nang kaya Dos maangas at nakakatakot. Teka nga bakit ba laging ko nalang sinisingit si Dos? Aish!

Hindi ko alam ngunit napasunod niya ako ng sabihin niya iyon. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at ng matanggal niya iyon gaya ng utos niya ay hindi ako gumawa ng kahit na ano mang ingay.

Hindi ko alam kung anong ginawa niya dahil nakatutok ang mata ko sa ahas na konting-konti nalang ay malapit na saakin at pakiramdam ko ay tutuklawin na ako. Nagulat nalang ako ng mayroong lumipad na kutsilyo mula sa likuran ko at saktong sa ulo ng ahas ito tumama. Namangha ako sa lalaking nasa likuran ko dahil napatay niya ang ahas.

Dahan-dahan akong lumingon patungo sa likod ko upang makita ang lalaking tumulong saakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na may ganito palang lalaki -mukhang anghel ito.

Hindi gaya ng kay Dos na maangas ang dating ng kagwapuhan ito naman ay napakalumanay ng mukha. Gaya ni Dos ay maputi din ito at may katangkaran. Kumpara kay Dos ay mas may kalakihan ang katawan nito pero hindi masagwa tignan. Sakto lang ang laki ng katawan niya at sinasabi ko sobrang hot niya tignan. Hindi maipagkakaila na mas gwapo si Dos ngunit hindi rin magpapahuli ang kagwapuhan ng lalaking kaharap ko ngayon.

Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang titig ko sa lalaking iyon, natauhan nalang ako ng bigla ngumiti ito at lumabas ang mapuputing ngipin nito. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at tila may naglalaro sa loob ng sistema ko. Aminado akong nagsisimula na akong humanga sa lalaking kaharap ko ngayon.

Natigil ang pag-iisip ko ng makita ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap.

'Dos'

Naglalakad siya habang kausap ang isang lalaking kung hindi ako nagkakamali ay kasama niya kaninang umaga papasok sa dining hall. Sigurado akong kabilang din ito sa highest rank.

Lalabas na sana ako dahil balak kong kausapin si Dos ng bigla akong hawakan sa braso ng lalaking iyon. Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Hindi ka nila pwedeng makita na nandito. Ikapapahamak mo kapag nakita ka nilang pumasok sa kagubatan na ito." Seryosong usal ng lalaking ito. Tinignan ko muna siya at bakas sa mukha niya ang sinseridad. Tinanguan ko nalang siya bilang sagot sa sinabi niya.

iRisk University: Highest RankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon