Chapter Three - The 'Real' Dos
Azreah
"Stephane!" Sigaw ni...
"Dos." Mahinang usal ko.
"Get off her!" Sigaw ni Dos.
Hindi ko alam kung paanong sa oras na yun. Yung nakakatakot na paraan ng pagsasalita ni Dos ay tila ba naging musika na nagpakalma saakin at tila nag-alis sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. I don't why or how, but the moment I hear his voice I feel safe. It was like am I really safe.
"Dos." Bakas ang pagkagulat sa boses ni Steph, ang pinakamagandang babae na nakita ko sa loob ng unibersidad.
"Ano na naman ba ito?" Walang ganang tanong ni Dos. Napalitan ang galit na boses niya ng kalmado pero makamandag na tinig. Napadako ang tingin niya saakin at hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'to, pero tinitigan ko siya ng diretso. Ngayon ko lang nakita ng malapitan at ganun kalinaw ang mukha niya.
He is goddess. Gwapo siya pero hindi siya yung gwapo lang na madalas naten makita sa labas, daig niya pa ang kagwapuhan ng mga artistang nakita ko sa tv. There is something on his face na nagsasabing "ako ang pinakangwapo sa lahat tao".
Matangkad siya, slim pero maskulado ang katawan, yung buhok niyang diretso na may kahabaan na halos tumakip sa mata niya, yung mga mata niyang nakakatakot tignan dahil parang pagtiningnan mo ito nasa bingit kana ng kamatayan, yung mga labi niyang pulang pula na daig pa ang babaeng naka-lipstic. Yung jawline niya na parang sobrang perpekto sa pagkagawa. Perpekto na siya kung maituturing.
Hindi ko namalayan na napapatitig na pala ako sakanya, napapalibutan pa rin kami ngayon ng maraming tao. Ngayon ay bumalik na namam ang lahat ng sakit na iniinda ko sa katawan ko kanina. Namamanhid ang mukha ko at ang ulo ko ay tila nabibiyak na dahil sa lakas ng pagsambunot nito.
Kinuha ko lahat ng lakas ko upang makatayo, kailangan ko nang makaalis dito. Tulad nga ng sabi nila Heena at Yeng ako na mismo ang dapat lumayo kay Dos, kaya yun ang gagawin ko para sa ikabubuti ko.
Nakatayo na ako, lumapit ako kila Heena at Yeng at inakay naman nila akong pareho sa magkabilang balikat nila. Sinulyapan ko pa muli si Dos bago kami tuluyang tumalikod sakanila at nagsimula ng maglakad ang kaso...
"Where do you think you're going low type."
Napahinto ako sa paglalakad, gayun din sila Yeng at Heena ng marinig namin ang nakakatakot na boses na iyon ni Dos.
Hindi ako humarap sakanya bagkus ay hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Bastos ka rin talaga e no. Tinalikuran mo na nga lang ako basta basta kanina tapos ngayon tatawagin kita tatalikuran mo lang rin ulit ako. Sino ka ba sa inaakala mo? Hindi mo ba ako kilala? O baka gusto mong magpakilala pa ako mismo sa harap mo." Mayabang na usal ni Dos.
Ewan ko ba kung bakit bumalik na naman lahat ng kaba at takot na nararamdaman ko kagabi sa paraan ng pagsasalita ni Dos ngayon.
Hindi ako nakasagot.
"Reah humarap kana sakanya. Huwag mo hintaying magalit pa siya ng tuluyan." Napipilitan at kinakabahang bulong saakin ni Heena. Tinignan ko muna silang dalawa ni Yeng bago dahan dahang humarap kay Dos. Kinakabahan man ay inipon ko lahat ng lakas ko para kayaning humarap sakanya. Tulad nga ng sabi nila hindi ko pwedeng galitin ang isang Dos.
Nang makaharap na ako ay dahan dahan kong tinignan ang paligid, andun parin si Steph na masama ang tingin saakin habang kasama parin ang dalawang alalay niya. Hindi ko na pinansin ang nakamamatay na tingin ni Steph at dahan dahan akong tumingin kay Dos. Nagulat ako ng nakatingin din pala saakin ito ng diretso, kaya naman ako na mismo ang nag-iwas ng paningin ko sakanya. Mas lalo akong nagulat ng maramdaman kong papalapit siya saakin. Nanginginig ang nga tuhod ko habang nararamdamam ko ang prisensya niya na palapit saakin. Parang anytime matutumba na ako dito sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...