Chapter Five - The Demon
Azreah
"Wow grabe ang laki pala ng dining hall ng iRisk University." Manghang manghang sabi ko habang nililibot ko ang paningin ko sa loob ng dining hall.
This is beyond my expectation, sobrang laki nito na talagang magkakasya ang lahat ng IU students. Mayroong mahabang lamesa na nakahilera na nilagyan ng black red na tema ng table cloth. Malakas din ang aircon kung kaya ay hindi ka makakadama ng kahit na konti mang init. Nahilera narin sa mesa ang mga plato, kutsara, tinidor at kutsilyo sa kaaya-ayang paraan. Mayroon naring nakahain na sobrang dami ng pagkain sa lamesa, mayroong bread, bacon at iba pang mga pagkain na pang-almusal talaga. No doubt, prestihiyoso nga ang paaralan na ito.
Magkakatabi kaming naka-upo ngayon nila Yeng at Heena sa isang table at katabi namin ang iba pang mga estudyante ng IU.
Ngunit isa ang nakaagad ng pansin ko. Ang isang table na hindi ganun kahabaan na nasa center area ng dining hall. Para kanino yun? At sino ang mga uupo dun?
"Teka bakit may isang table na nakalagay dun sa gitna? Sinong uupo dun?" Nagtatakang tanong ko. Nginitian lang ako ni Heena bago sumagot.
"Diyan uupo at kakain ang mga nasa highest rank."
'Tss. Kaya naman pala. May pa-special effect pa? Talagang nilagay pa sa center para agaw atensyon. Hanep! Kakaiba talaga ang mga highest rank na ito.' inis na usal ko sa isip ko.
As in sobrang dami nang estudyante ngayon sa loob ng dining hall ng IU. Napansin ko kanina na halos ka-edaran namin ang mga estudyante sa loob, ang sabi naman nila Yeng ay dahil by batch daw ang pagkain dito at ngayong oras na ito ay mga senior high school lang ang nandito.
"Hindi pa ba tayo pwedeng kumain?" Tanong ko sakanila.
"Hindi pa." Sagot naman ni Heena.
Bakit hindi pa pwede? Eh nakahain na naman ang mga pagkain at isa pa gutom na gutom na ako.
"Bakit?" Tanong ko pa habang naka-pout, wala lang trip ko lang magpacute hehe.
"Makakain lang tayo pag dumating na ang mga highest rank. Hayaan mo parating narin naman ang mga iyon." Kalmadong usal ni Heena.
Tss. Ano pa bang i-eexpect mo, mga pa-special! Akala mo naman kung sino.
Nagulat ako ng biglang tumahimik ang kaninang maingay na bulungan ng mga estudyante sa loob ng dining hall. Nakita ko ang mga ulo nila na nakatungo papunta sa pinto ng dining hall. Dali-dali kong tinignan yun, at nagulat ako ng makitang papasok sila Dos kasama si Steph?! At iba pang hindi ko kilala mga lalaki at babae.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako ng magtama ang mata namin ni Dos. Hindi ko inaasahan na titingin siya sa gawi ko. Gusto ko sanang labanan ang mga titig niya ang kaso ay hindi ko kaya, kaya ako na mismo ang umiwas sa nakamamatay na tingin niyang iyon.
'Malinaw na malinaw parin saakin ang nangyari kahapon. Ang pagkamatay ng babaeng transferee, at kung paano ako sinaktan nila Stephane at maging si Dos. Nandito parin ang mga pasa na ebidensya ng pagmamalupit nila saakin.
Kagabi ay halos hindi ako makatulog dahil sa mga impormasyon na nalalaman ko.
Flashback
"Sino ang may sala? Sino ang mga pumapatay." Seryoso at determinadong tanong ko.
Sana mali ako ng iniisip, sana mali ako ng akala. Pero malakas ang kutob ko na ang mga nasa highest rank ang may gawa nito.
"Hindi namin alam." Seryosong saad ni Heena.
"What the hell." Ang tanging naibulalas ko.
"Anong hindi niyo alam?" Nagtatakanag tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...