Chapter Fourteen - Moments
Azreah
Naabutan namin ang malakas ng tugtog na nagbibigay buhay sa venue, nagpaalam muna saakin si Nygel na pupunta lang doon sa may pwesto ng highest rank. Pumayag din naman ako dahil kung magkasama kami ay baka kung ano ang isipin ng ibang tao. Lumapit nalang ako pabalik kila Heena na preteng nakaupo sa kanilang mga upuan. Nang makita ako ni Yeng ay inismiran ako nito.
"Bakit ngayon ka lang? Akala namin nilamon kana ng inidoro e." Mataray na tanong ni Yeng. Hindi ko nalang siya pinansin at umupo ako sa tabi ni Heena.
"Gaano ako katagal nawala?" Tanong ko kay Heena, hindi ko na kasi namalayan ang oras.
"Mahigit isang oras na rin." Formal na sagot ni Heena.
What?!!! Ganun ako katagal sa loob ng banyo?! At baka ganun katagal ko ding pinaghintay si Nygel.
Tinignan ko muli si Nygel at katabi niya ngayon si Clark at nagtatawanan sila. Napangiti naman ako ng makita ang nakangiting mukha iyon ni Nygel. Kahit hindi ko pa siya lubos na nakikilala pero dahil sa pangungulit niya saakin at pagpapakita ng magandang kalooban ay para bang gumaan na ang loob ko sakanya.
Biglang napadako ang tingin ko kay Dos, seryoso lang tingin nito sa kung saan at tila walang paki-alam sa nangyayari sa paligid. Nagtaka din ako na lumipat siya ng upuan at tumabi kay Brint, malayo kay Stephane. Tss. Akala ko bang date sila ngayong gabi? E bakit hindi sila magkatabi! Sabi ko na nga ba at boring lang kasama ang Dos na iyon.
Nag-aya na muna akong kumain dahil nakaramdam ako ng gutom, kasama sila Heena at Yeng ay pumunta na kami sa buffet table at kumuha ng makakain doon. Sobrang daming masasarap na pagkain! Kinuha ko lahat ng gusto ko at nilagay sa plato ko, may nakita din akong chocolate fountain doon kaya kumuha ako ng isang pirasong chocolate at isinawsaw doon. Wow ang sarap! Grabe mukhang mapaparami ata ako ng kain ngayon dito! Matapos namin kumain ay bumalik na kami sa circle table namin at kumain.
Ilang oras pa ang nakalipas, kwentuhan, kamayan at malakas na tugtugan ang naganap sa ilang oras na iyon. Bumalik na ang dalawang emcee sa stage.
"Ladies and Gentlemen, It is now time for the most awaited moment of this event. Maari niyo nang makasayaw ang taong gusto niyo isayaw at malaya kayong makakapunta dito sa stage." Nag-ingay ang lahat matapos sabihin iyon, tila lahat ng tao sa loob ng venue ay masaya at yun ang pinakahihinta sa event na ito. Bigla akong napa-isip isasayaw kaya ako ni Nygel? Tss. Baka hindi kasi maraming tao dito at kapag ginawa niya yun ay baka mapahiya lang siya.
"But before that let me introduce to you our special visitor..." Biglang natahimik ang lahat ng i-anunsyo yun. Special visitor?! Sino?
"Cliff Ayen Montelino." Lahat ay tila nagulat ng i-anunsyo yun sa harap. Walang maski ingay na naganap sa loob ng venue. Tila pare-pareho ang bawat isa ng iniisip at ako lang ang walang alam sa nangyayari.
What is really happening right now? Bakit parang lahat sila nakakakila sa special guest na iyon at ako lang ang walang alam sa nangyayari. Tinignan ko sila Heena at Yeng at nakaawang ang kanilang bibig habang diretsong nakatingin sa Cliff na iyon.
"He is the one who will choose among the pairs to win for the Mr. and Ms. Acquaintance Party. Let's give him a round of applause." Masayang sabi ng emcee. At ang kaninang gulat na gulat na tao ay dahan-dahang pinag-dikit ang kamay at nagsimulang magpalakpakan. Umingay ang kaninang tahimik na paligid dahil sa palakpakan na iyon.
"Good evening. Nice to meet you all." Seryosong at maikling bati ni Cliff sa aming lahat gamit ang mikropono. Matapos noon ay umupo siya sa isang chair malapit sa stage kung saan kitang kita sa pwesto niyang iyon ang lahat ng sasayaw sa stage.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Misterio / SuspensoGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...