Chapter Fifteen - Sudden
Azreah
Pakiramdam ko nasa langit ako habang nagsasayaw kaming dalawa ni Nygel. Hindi ako makapaniwala sa pagkakataong ito si Nygel lang ang nakikita ko na tila naglaho ang lagat n tao sa paligid. Ngayon alam ko nang ang pakiramdam ng langit na sinasabi ng iba kasi yun ang nararamdaman ko ngayon. Kakaibang saya na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.
Hindi ko alam paano pero hindi talaga ako marunong sumayaw pero hindi ko akalaing makakasayaw ako ng hindi natatapakan ang mga paa ni Nygel, mata niya lang pinagmamasdan ko sa oras na yun at tila sa pagtingin palang sakanyang mata ay nadadala na ako ng indayog ng katawan niya at masabayan ko ito.
Nagulat ako ng biglang malayo ako kay Nygel. Magpapalit pala ng mga partners dahil parte iyon ng pagsasayaw.
Kasabay ng pagkahawak saakin ng lalaking katabi ko ay siya namang pagsimula ng bagong kanta.
Tadhana by Up Dharma Down
♪Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito♪Napunta ako sa lalaking katabi namin kanina. Hawak-hawak na nito ang kamay ko at ramdam ko ang kalambutan ng kamay niya. Umaalingasaw din ang pabangong niyang napakasarap amuyin. Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito kakaibang kaba ang naramdaman ko. Mas lalong nakaramdam ako ng kaba ng ilagay niya ang kamay niya sa bewang ko, parang kinuryente ako doon ng maramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya doon at tila tumayo lahat ng aking balahibo. Nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak ngayon. Hindi ko inaangat ang tingin ko dahil baka tama ang hinala ko. 'Wag mo sabihing...
"Tss." Narinig ko ang singhal ng lalaking kasayaw ko ngayon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil sobrang pamilyar saakin ng boses na iyon. Ewan ko pero tila nag-slow motion ang paligid ng dahan dahan kong i-angat ang paningin ko at nagtama ang mga namin ni 'Dos'.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng mapagtanto ko na si Dos ang kasayaw ko. At mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng magtama ang mga mata namin ni Dos. Pero mas ikinagulat ko ng sa oras na yun parang hindi si Dos ang kaharap ko. Yung mga nakakatakot niya mata na sumisimbolo sa kamatayan, tila naglaho ito at naging malumanay. Napa-iwas ako ng tingin sakanya, nagkakamali lang ba ako ng tingin? O nawala talaga ang nakamamatay laging tingin ni Dos pag nakikita niya ako.
Nagsimula na kaming gumalaw ni Dos at magsayaw. Nabigla ako dahil gaya ni Nygel ay inaalalayan niya ako para makasabay ako sa indayog ng katawan niya.
Napadako ang tingin ko sa magkahawak na kamay namin ni Dos. Pinakiramdaman ko ito. Malambot ito. At yung paraan ng pagkahawak niya ay napakalumanay nito.
Biglang pumasok sa ala-ala ko yung unang beses na hinawakan ni Dos ang mga kamay ko.
"Oh I see. Kaya pala ganyan ka kabastos kasi wala kang alam at hindi mo kilala kung sino ang mga kinakabangga mo. Let's have a formal introduction then, I am Dos Sebastian the 'second highest rank' and you are?"
Ewan ko kung ako lang ba o yung paraan ng pagngiti niya ay kakaiba, hindi ko masabi pero parang tila bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ngiti niyang iyon.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...