Chapter One - Welcome to iRisk Univeristy
Azreah
"This is it dad." Malungkot na sabi ko kay daddy habang pababa ng van na sinakyan namin. Hinatid niya ako papunta sa iRisk University. Sinabihan nga pala kami ng staff ng IU (iRisk University) na ang mga estudyante dito ay hindi hinahayaang lumabas ng univeristy. May mga room sa loob ng univeristy na parang mga dorm kung saan mag-iistay ang mga estudyante ng IU.
"Sigurado ka ba anak na gustong mong mag-aral dito?" Alanganing tanong ni daddy.
"Opo dad. Pangarap niyo po ito diba?" Nakangiting tanong ko sakanya.
"Hindi mo naman kailangan gawin ito anak e, pwede ka naman sa ibang university mag-aral kung gusto mo."
"Dad, napag-usapan na po natin to diba? Gusto ko po dito kasi ito po ang pangarap niyo. In fact excited pa po ako, tignan niyo po ang laki po ng IU grabe dad ngayon lang po ako nakakita ng ganito kalaking university." Manghang manghang sabi ko kay dad habang tinuro ang malaki unibersidad sa harap namin.
"Okay anak. Basta ingatan mo ang sarili mo dito hah? Matagal kitang hindi makikita at hindi kita maaalagaan kaya ikaw alagaan mo ang sarili mo. Ayokong nakikipag-away ka dito hah?" Nangingilid na luha pang habilin ni daddy. Bigla naman akong natawa.
"Dad naman, kailan ba ako nakipag-away. Model student ako ng class namin remember? Clear ang record ko dad and I promise you dad na hindi ako sasali sa kung ano mang gulo." Nakangiting sabi ko sakanya at niyakap siya.
"Promised mo yan Azi hah. Gusto ko kung ano ang itsura mo ngayon pag pasok dito ay ganun din ang itsura mo paglabas mo dito."
"Opo dad."
"So paano, may maghahatid na ng mga gamit mo sa loob at hindi na ako allowed pumasok. Bye baby." Ngayon ay naiiyak ng sabi ni dad at niyakap niya ako.
"D-ad naman eh hindi na po ako baby. Kainis ka naman dad eh, bakit mo ba ako pinapaiyak." Naiiyak na sabi ko.
"Yung mga sinabi ko hah tandaan mo yun. Ayokong mapahamak ka kaya alagaan mo ang sarili mo. Bye Azi, daddy will miss you. See you soon. I love you baby." Sabi ni dad at kiniss ako sa pisngi.
"I love you too dad." At hinalikan ko din siya sa pisngi.
Namalayan ko nalang na wala na ang van at umalis na si daddy. Pinunasan ko na ang mga luha ko. Muli kung pinagmasdan ang unibersidad sa harap ko. Mataas na gate. Limang beses na taas ng gate ng dating school na pinapasukan ko. Itim ang pintura nito, sobrang may class kung titignan. Tinignan ko ang paligid madilim na at agaw pansin ang malakas na ilaw sa loob ng iRisk University. Hindi ko alam kung bakit at paanong nasa liblib na lugar nakatayo itong iRisk University. Maraming pasikot sikot na daan pa kaming dinaanan ni daddy bago makarating dito. Wala ding bahay na nakatayo malapit sa unibersidad na ito. At kung tutuusin ay hindi mo aakalaing may nakatayo palang unibersidad sa lugar na ito.
Yung Guidnace Office pala ng IU ay sa may bayan lang, doon i-nienterview at nag-eexam ang mga estudyanteng gustong pumasok sa unibersidad na ito. Hindi ko alam kung sa paanong dahilan at pinag-hiwalay pa nila ang guidance office sa mismong paaralan at nilagay ito sa may bayan. Weird.
"Miss Azreah." Nabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ng isang lalaking naka-itim na suit, ito ata ang maghahatid saakin sa room na titirhan ko.
"Yes po." Magalang na sagot ko.
"Ihahatid na kita sa room. Follow me."
Buhat buhat niya ang dalawang maletang dala ko na naglalaman ng mga gamit ko. Halos dinala ko na lahat ng gamit ko sa bahay, kasi ang sabi ay every 3 months palang kami pwedeng umuwi sa mga bahay namin. Hindi pwedeng tumawag o kahit man lang magtext sa kung sino mang nasa labas ng unibersidad, dahil naka-blocked daw ang signal dito sa loob ng campus palabas. Ang weird diba? Pero ang sabi saakin ni Daddy ay siguro daw paraan lamang ito ng school upang matuto kaming tumayo sa aming sarili paa, at matutong maging independent sa mga magulang namin.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mistero / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...