HR Four - Revelation

49 9 0
                                    

Chapter Four - Revelation

Azreah

Hindi ko ininda ang sakit ng katawan na nararamdaman ko. Dali-dali kong inayang umakyat sa second flood sila Yeng at Heena, maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko at hindi ako mapapakali hanggat hindi nakikita ng dalawang mata ko ang katotohanan -na may nagaganap ngang patayan sa loob ng IU.

Maraming mga estudyante ang nakapalibot sa isang bahagi ng second flood, sa isang restroom sila nakapalibot ngayon.

'Sa loob ba ng restroom pinatay ang biktima?' tanong ko sa sarili ko.

Hindi pwede to. Hindi totoo 'to. Paanong mangyayaring may ganito sa loob ng unibersidad? I can't believed it. Dahil sa kuryosidad inipon ko lahat ng lakas ko at dali-daling tumakbo palapit sa lipon ng mga estudyante.

"Reah!" Narinig ko pa ang sigaw ni Heena, ngunit hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pakikipag-sisikan sa maraming estudyante para makapunta sa unahan.

"What the hell." Mahinang usal ko.

Halos manlambot ang mga tuhod ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Demonyo ang gumawa nito. Isang babaeng estudyante may hiwa sa leeg! Putlang putla na ito na tila may katagalan narin na nawalan ng buhay. Kalat na kalat ang dugo sa paligid at may kakaunting mabahong amo'y naring umaalingasaw mula sa bangkay nito.

'Sino ang may kagagawan nito?'

Halos hindi ko na magawang tignan ang babaeng iyon.  Nakaramdam ako ng kakaibang awa at ng kakaibang galit sa pumatay noon. Demonyo ang may gawa nito, wala siyang puso.

Malakas ang bulungan sa paligid mababakas ang pagkagulat sa kanilang mukha ngunit parang normal na ito sakanila. Ano pa ba ang hindi ko alam sa unibersidad na ito? Bakit parang andaming misteryong bumabalat sa IU?

Isa pa ang napansin ko ngayon, wala kahit na isa mang opisyal na nandito ngayon sa lugar na pinangyarihan ng insidente. Diba dapat mabilis ang aksiyon na gawin nila? Nasaan na ang security system ng paaralan na ito? Prestihiyoso ang paaralan na ito, pang mayaman ang eskwelahan na ito pero bakit may nakakalusot na ganitong pangyayari? I'm damn curious!

"Rank 100, she is the new transfered student." Narinig kong bulong ng isang lalaki habang kausap ang isa pang babae sa tabi ko.

Dali-dali kong tinignan ang ID ng babaeng naka-handusay sa flood.

Erin Astellero. Grade 11 IU-STEM. Rank 100.

"This is early than I've expected. Unang araw niya palang dito at ganito na ang sinapit niya. Hindi ko inaakala, na ganito kabilis. I pity her." Mahinang bulong rin ng babae.

Napuno na naman ng tanong at pagtataka ang isip ko. Balak ko sanang tanungin ang dalawang estudyante kanina ang kaso nga lang ay nakaalis na ang mga ito.

"This is early than I've expected."

"This is early than I've expected."

'This is early than I've expected."

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ng babae. So, tama nga ako. Expected na ang ganitong pangyayari. Kung tama ako, hindi ito ang unang beses na may nangyaring ganitong insidente at patayan sa loob ng iRisk University.

This is crazy! Damn crazy! Hindi ko inakala na ganito pala ang eskwelahang pinasukan ko.

"Reah." Bumalik ako sa wisyo nang maranig ko ang sigaw ni Heenan sa pangalan ko at ang paghawak niya sa braso ko. Hinila niya ako paalis sa kumpol ng mga estudyante, habang hinihila niya ako ay hindi ko maalis ang tingin ko sa bangkay ng babae.

iRisk University: Highest RankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon