Chapter 12 - Announcement
Azreah
Friday ngayon, mabilis na lumipas ang mga araw ng pananatili ko sa loob ng IU, gaya ng pinangako ko kila Heena at Yeng ay ako na mismo ang umiwas kay Dos, hindi na kami nagkaroon ng pagtatalo at pagkakataong makapag-usap pa, hindi niya na rin ako ginagawan ng kung ano mang mga hindi magandang bagay at pananakit mg pisikal. Naging tila isang anino sa dilim ang turingan namin sa isa't isa. Unti-unti na ring gumaling ang aking pasa sa mukha na dahilan nang pagsapak saakin ni Dos nung unang araw ko dito sa unibersidad.
Ngunit sila Stephane at Ency ay lagi parin akong pinagsasabihan ng hindi magagandang bagay at lagi parin nila akong tinitignan ng masama na animo'y pinapatay na nila ako sa mga tingin nilang iyon ngunit bukod dun ay wala na silang ginagawang pananakit na pisikal. Hinahayaan ko nalang sila at hindi na pinapatulan pa, animo'y pumapasok sa isang tenga ko ang sinasabi nila at lalabas ito sa kabila.
Si Nygel naman ay madalas pa rin akong kinukulit pero ngayon ay kinakausap ko na siya ngunit madalang lang ito.
Nagulat din ako sa pagkausap saakin ng iba pang mga highest rank. Bukod kay Dos, Stephane, at Ency masasabi kong maayos naman ang pakikitungo saakin ng iba pa.
Sa loob ng tatlong araw ay unti-unti ko nang nakikilala ang mga highest rank at nalaman ko na rin ang pwesto ng bawat isa.
Ngayon ko lang nalaman ang buong pangalan ni Dos. Sebastian pala ang apilyido niya hindi maipag-kakailang bagay na bagay ito sa pangalan niya. Dos Sebastian ulit ko pa.
Dos Sebastian - Ang pangalawa sa highest rank.
Ash Nygel Ignacio - Ang ikatlo sa highest rank. Gaya ng kay Dos ay hindi ko rin akailaing Ash Nygel Ignacio pala ang buong pangalan ni Nygel.
Brint Gonzales - Ang ikaapat highest rank. Siya ang kasama ni Dos nung minsang makita ko sila sa kagubatan malapit sa Devils Corner.
Stephane Marquez - Ang ikalima na highest rank. Hindi ko akalaing ganun pala kataas ang posisyon ni Stephane.
Cali Ocampo - Ang ikaanim highest rank. Gaya ni Stephane ay maganda din si Cali ang pinagkaiba lang nila ay ang kanilang ugali. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Cali binase ko ito nung kinausap niya ako noong isang araw.
Addison Navarro- Ang ikapitong highest rank. Hindi ko masyadong masabi kung ano ang ugali ni Addison dahil tahimik lang ito at madalang lang kung magsalita. Daig niya pa ang yelo sa pakikitungo sa ibang highest rank. Magsasalita lang siya kapag impotante ito at kailangan, cold.
Clark Morales - Ang ikawalong highest rank. Gaya ni Nygel ay may kakulitan din ito, ito ang pansin komg madalas na maingay sa room at kinukulit si Rance.
Rance Romeo - Ang ikasiyam na highest rank. Gaya ni Addison ay tahimik ito at minsan lang magsalita. Natatawa nga ako dahil siya ang laging kinukulit ni Clark kaya laging salubong ang kilay nito.
At ang panghuli ay si Ency.
Ency Diaz - ang ikasampung highest rank.
Kahit ikaapat na araw palang ito simula ng mapabilang ako sa highest rank na ito ay masasabi kong kahit paano ay nakilala ko na din ang bawat isang highest rank na nandito. Pero tila may napansin ako. Bakit ibang iba yung nakikita ngayon sa mga kwento nila Heena at Yeng, bakit bukod kay Dos ay hindi ako makaramdam ng takot sa iba pang highest rank.
'Akala ko ba ay dapat kong katakutan ang mga highest rank? Pero bakit ngayon ay wala akong makitang dahilan para katakutan sila.'
Ngunit may isang tanong na gumugulo saakin sa loob ng pananatili ko sa klaseng ito. Ni minsan ay hindi ko nakita o kahit man lang narinig nang bagay tungkol sakanya.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...