HR Ten - Exit

33 7 0
                                    

Chapter 10 - Exit

Azreah

Matapos kong sabihin ang mga katagang iyon kay Dos ay lumabas sa kwartong iyon, hindi ko na naisip kung nandun man si miss o ang mga highest rank. Hindi ko lang maatim at matanggap ang sinabing iyong ni Dos.

'Ang laitin ako at saktan ako ay ayos pa pero ang murahin niya ako sobra na.'

Ni minsan sa buhay ko ay hindi pa ako minura. Kaya para saakin masakit ito lalo na't nanggaling ito sa taong hindi ko ganun lubos ka kilala.

Humahangos na nagtungo ako papunta sa elevator at pumasok doon. Pinunasan ko ang mga luha ko.

'Desidido na ako lilisanin ko na ang paaralan na ito.'

Pagkabukas ng elevator ay dali-dali muli akong nagtungo pabalik sa councelor office. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto at naabutan ko si Dean na may kausap na isang lalaki.

Mukhang nagulat pa si Dean sa biglaang pagpasok ko.

"What are you doing here Azreah?" Tanong ni dean.

Hindi ako nakasagot agad. Ewan ko pero parang nabasa ni dean ang sinasabi ko at pinaalis niya na ang lalaking kausap niya.

"Let's have a talk some other time Cliff."

Tumayo na ang lalaking kausap ni dean, hindi ko nalang ito pinansin at narinig ko nalang muli ang pagsara ng pinto. Kaming dalawa nalang ni dean ang nasa councilor office ngayon.

"Anong problema Azreah? Kung tungkol sa section ang sasabihin mo ulit sorry pero wala na talaga akong magagawa para dun."

"No. Dean. Hindi tungkol doon ang pinunta ko dito."

"Kung gayon ay para saan?"

"Desidido na ako dean..."

Inipon ko lahat ng lakas ko bago sabihin iyon.

"I want to be transfer to another school dean. Hindi ko na kayang mag-aral sa impyernong paaralan na ito at hindi ko na kayang makisalamuha sa mga demonyong naririto." Puno nang galit mga salitang binibitawan ko. Ngunit bahagya atang nagulat si dean sa sinabi ko at natagalan pa bago siya magsalitang muli.

"Pag-isipan mong mabuti Azreah. Sigurado ka na ba talaga diyan sa desisyon mo?" Pagkukumpirma ni dean.

"Desidido na po ako dean. Ayoko na po talaga." Diretsong sagot ko.

Namutami ang katahimikan sa pagitan namin ni dean.

"Hindi pwede Azreah."

Halos mapatayo ako sa upuan ko ng sabihin iyon ni dean. Anong hindi pwede?

"Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit.

"Kapag pumasok ka na dito ay hindi ka na makakapalabas pa. Because that is part of the rule." Seryosong usal ni dean.

Halos mapamura ako dahil sa sinabing iyon ni dean.

'Because that is part of the rule!'

Anong klaseng rule iyon?! Ano ang sinasabi ni dean na hindi na pwedeng umalis ang gaya ko dito.

"Anong hindi na pwede dean? Hindi ko maintindihan." Reklamo ko kay dean.

"Mahirap intindihin Azreah pero kailangan mong unawain. Ang umibersidad na ito ay hindi gaya ng iniisip mo. Mataas man ang antas ng edukasyon sa paaralan na ito, nagtataasan man ang mga building dito, at kapansin pansin man ang karangyaan ng paaralan na ito pero sa likod nito ay maraming sikreto ang nakakubli. Maraming pangyayaring hindi makatao. At maraming patakaran ang tumatakbo." Diretso at seryoso ang mga tingin ni dean ng sabihin niya saakin iyon.

"Kung gayon din naman dean hayaan niyo na akong makaalis dito. Akala ko po ba ay maaari kaming lumabas dito sa loob ng tatlong buwan? Maghihintay at magtitiis nalang ako dito ng tatlong buwan, at maari na akong makalabas hindi po ba dean?" Sunod-sunod na tanong ko kay dean.

"Yun ang akala mo Azreah, namali ka ng akala. Hindi totoo na makakalabas ka sa loob ng unibersidad sa ikatlong buwan mo dito, dahil nung oras na in-interview ka at nagmatigas ka kahit na binalaan kapa yun ang araw na isinangla mo na ang buhay mo sa isang demonyo. Yun ang araw na napagpasyahan mong pasukin ang impyerno." Halos mabingi ako dahil sa turan na iyon ni dean.

"Bakit mo gugustuhing lumabas kung sa una palang ikaw naman ang may gusto nito." Biglang nag-iba ang tono ni dean ngayon, sa tonong iyon ay bakas ang panunumbat sa mga salitang binibitawan niya.

Hindi ako nakasagot dahil tinamaan ako sa sinabing iyon ni dean. Ako ang may gustong pumasok dito at binalaan na ako ng matandang babae na nag-interview saakin nung araw na iyon. Totoo nga ang sinabi niya noon hindi ito ang paaralan na inaakala ko. At hindi ako qualified dito. Dapat naniwala ako sakanya. Dapat hindi na ako nagmatigas pa. Ngayon ay pag-sisisi na ang naramdaman ko.

Hindi na ako muling nakasagot pa kay dean dahil tama ang lahat ng itinuran niya. Siguro nga ay wala na akong magagawa pa dahil sa una palang ginusto ko na ito. Nasa huli nga talaga ang pag-sisisi.

"Naiintindihan ko po dean. Pasensya na po." Mahinang usal ko, hinang hina ako ngayon na tila nawawalan na nang pag-asang makaalis sa impyernong paaralan na ito. Hindi ko matatakasan ang mga demonyong unti-unting sisira sa buhay ko.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa pinto. Hinawakan kona ang pihitan ng pinto ng...

"Pero may isang paraan pa Azreah."

Napatigil ako sa pagpihit ng pinto at dahan-dahang humarap sakanya.

"Paki-ulit nga po ang sinabi niyo dean."

Gusto kong ulitin niya iyon dahil baka mali lang ako ng pagkakarinig. May isang paraan pa? May pag-asa pa akong makalabas sa paaralang ito. Muli akong nabuhayan ng loob. Akala ko ay mananatili na ako habang buhay sa loob ng impyernong ito ngunit mali pala ako, may pag-asa pa.

"May isang paraan pa para makalabas ka dito Azreah." Seryoso ang mukha ni dean ng sabihin niya iyon.

"Ngunit paano dean? Anong klaseng paraan iyon? Sabihin niyo dean dahil kahit anong klase pa iyon at gano pa kahirap yun ay gagawin ko para makalabas lamang dito." Desidiong saad ko.

Buhay na buhay na ang loob ko ngayon at nakakakita na ako ng malaking pag-asa na makakalabas pa ako dito.

"Kailangan mong maging parte ng highest rank Azreah."

Hindi ko inaasahan ang sinabing iyon ni dean. Hindi ko akalaing yun pala ang isang paraan na tinutukoy niya. Hindi ko pa man alam ngunit ramdam ko na kung gaano kahirap gawin ito. Bigla na naman akong nakaramdam ng kawalan ng pag-asa.

"Dapat kang mapabilang sa kanila, kailangan mong maging isang highest rank Azreah. Dahil sa oras na maging highest rank ka ay magkakaroon ka na ng otoridad at posisyon na maging paglabas ng unibersidad ay magagawa mo."

"Ngunit paano dean? I mean paano ako mapapabilang sa highest rank? Ano ang dapat kong gawin dean?" Seryosong tanong ko kay dean.

"Hindi ko na trabaho iyan Azreah. Wala na sa posisyon ang sabihin ko kung paano ka mapapabilang sa kanila. Nasa saiyo na ang trabahong iyan Azreah, ikaw mismo ang dapat umalam kung sa paano at anong paraan ang dapat mong gawin para maging isa ka sakanila. Pero uunahan na kita Azreah, hindi magiging madali ito." Babala saakin ni dean.

"Kung gayon dean dapat kong alamin ito, at kahit ganoo man kahirap ang mapabilang sa pwestong iyon ay gagawin ko. Desidido na ako dean magiging parte ako ng highest rank at oras na maging parte ako nun ay lilisanin ko na ang impyernong ito dean. Makikita mo dean, magiging highest rank ako." Buong loob na sabi ko kay dean.

"I'm looking forward for that to happen Azreah."

Hindi ko alam kung bakit sa sinabing iyon ni dean ay mas lalong tumaas ang determinasyon ko. Napalakas ni dean ang loob ko ng sabihin niya iyon.

"Salamat dean." nginitian ko si dean at tuluyan ng lumabas ng pinto.

Itutuloy...

iRisk University: Highest RankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon