HR Sixteen - Pain

51 4 1
                                    

Chapter Sixteen - Pain

Azreah

Nagising ako at naramdaman ko ang hindi isang pamilay na bagay sa may kamay ko. Dahan dahan kong ipinunta doon paningin ko at doon ko nakita na nakatali pala ang mga kamay ko sa may upuan na kinauupuan ko. Nilibot ko ang paligid kung saan ako naroon, mukha itong abandonadong building. Wala mga gamit rito maliban ang mga malalaking kahoy, at mga hallo-blocks.

Madilim ang paligid at tanging ang ilaw sa may uluhan ko lang ang nagpapaliwanag sa lugar na ito.

Nasaan ako? Paano ako napunta rito?

Ina-lala ko ang lahat lahat ng pangyayari at ang tanging natatandaan ko lahat ay nasa loob pa kami ng event hall at hawak hawak ako ni Nygel noon nang biglang may humila saakin! ---wait!

Sino ang humila saakin?

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Malakas na sigaw ko, umaasang may makakarinig saakin at tutulungan akong makalabas dito.

Pero malakas ang kutob ko na walang makakarinig saakin dahil may kung anong nagsasabi saakin na nasa malayong lugar nakatayo ang lugar na kinalalagyan ko ngayon.

"May tao ba diyan! Tulong!" Kahit alam kong walang pag-asang na may makarinig saakin ay sinunukan ko pa rin. Mga kalahating oras na rin akong walang humpay sa kasisigaw at paghingi ng tulong na kulang na lang ay maubusan na ako ng boses.

May kakaibang kaba akong nararamdaman ngayon. Masama ang kutob ko na ang nagdala saakin dito ay ang killer. Ang pumapatay sa mga gaya kong low type.

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Natigil ako sa pagsigaw ng makarinig ako ng mga yapak at mga bulungan ng mga lalaki. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba habang palapit ng palapit ang tunog ng mga yapak na iyon. Unti-unti kong naaninag mula sa madilim na bahagi ng lugar na ito na mayroong paparating na bulto ng mga lalaki. Ngunit hindi ko maaninag ang mukha nila dahil sa kadiliman ng paligid.

Mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang kaba ng tuluyan na silang lumapit saakin. Nasa may pito silang tao, at hindi ko mawari ang mukha nila dahil nakasuot sila ng itim na maskara.

"Masyadong kang maingay!" Nagulat ako ng biglang lumapit saakin ang isang lalaki at sinampal ako sa mukha. Masakit! Sobrang sakit nun!

Gusto ko nang umiyak sa mga oras na iyon pero hindi ko magawa dahil sa sobrang galit. Sino ba ang mga ito?! At ano ang ginawa ko sakanila para gawin nila saakin ito.

"Sino kayo? Anong ginawa ko sainyo?" Pilit kong pinatapang ang tono ng boses ko.

Narinig ko ang tawanan nila na nakdagdag ng galit na nararamdaman ko.

"Tintanong mo kung sino kami? Kami lang naman ang papatay sayo." May pagbabanta sa boses na iyon ng lalaking sumampal saakin, tila siya ang boss at mga kamiyembro niya lang ang nakasunod sakanya. Ngayon ko lang napansin na may mga hawak silang mga kahoy na tila pamalo.

"Pero bakit?" Ang tanging lumabas na tanon sa bibig ko.

"Wala lang gusto lang namin. Masaya kasing pumatay ng mga taong walang kalaban laban." Matapos niyang sabihin iyon ay nagtawanan na naman sila.

Pumatay ng walang kalaban laban?! Biro nalang ba sakanila ang pagpatay. Ano sila demonyo? Mga halang ang bituka!

"Mga demonyo!" Hindi ko na napigilan ang galit ko at naisigaw ko na pala iyon sakanila. Matapos kong sabihin iyon ay natigil sila sa pagtawa nila.

Dahan-dahang lumapit ang lalaking iyon kanina at sinakal ako.

"--ahhhk." Hindi ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakasakal niya iyon. Walang hiya siya! Walang hiya sila! Huwag lang nilang hahayaang makawala ako dito dahil hindi nila gugustuhin ang gagawin ko!

"Ulitin mo ang sinabi mo!" Malakas na sigaw niya, bakas sa boses niya ang galit, matapos nun ay binitawan niya ang pagkakasakal saakin at tila hinihintay ang pagsagot ko. Habol hininga ako habang iniinda ang sakit na nararamdaman ko sa may bahaging leeg ko.

Bakit ayaw niya bang matawag na demonyo? Nasasaktan ba siya marinig  yun? Pwes nararapat lang sakanila yun dahil yun sila.

Sa puntong ito ay ako naman ang tumawa ng malakas. Tumawa ako dahil sa naisip ko. Ang mga demonyo na ayaw matawag na demonyo. Nakakatawa sila! Sobrang nakakatawa sila!

"Gusto mong ulitin ko? Demonyo. Demonyo kayo, mga halang ang bitu----" natigil ako sa pagsasalita ng bigla nito kunin ang kahoy na hawak ng kasamahan niya at malakas na ihampas ito saakin, tumama ito sa may pisngi ko. At naramdaman ko ang pag-manhid nito at unti-unting pagtulo ng dugo mula sa may paa ko na hindi ko alam kung saang bahagi ng mukha ko nanggaling. Maya maya pa ay naramdaman ko na ang kakaibang sakit!

"Inulit mo pa talaga! Tang*na ka, huwag mo kaming matawag tawag na demonyo dahil baka gusto mong maranasan ang pakiramdam ng impyerno." Nakakatakot na saad ng lalaki.

Biglang pumasok sa isip ko si Dos ng marinig ko ang turan na iyon ng lalaki.

"Tutal sinabi mo naring demonyo ako hayaan mong ipatikim at ipakita ko sayo ang tunay na kahulugan ng impyerno."

"Tutal matapang ka at masyadong matalim yang bunganga mo. Hindi na namin papatagalin yang buhay mo! Kung nagmakaawa ka nalang sana e di sana baka nagdalawang isip pa kaming patayin ang gaya mo!" Malakas na sigaw niya saakin.

"---Kahit mamatay ako dito ay hindi ko gagawing magmakaawa sa mga demonyong katulad niyo!" Kahit hirap man ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa mukha ko ay pinilit ko parin ang sarili ko para masabi iyon sa harap nila. Hindi na ako natatakot ngayon. Kung ngayon na ang oras na sinasabi nila para mamatay ang low type na tulad ko tatanggapin ko ito. Pero gaya nga ng sabi ko noon mas maganda ng mamatay ng lumalaban kaysa mamatay ng walang ibang ginawa para mabuhay.

"Kung yan ang gusto mo, sige pagbibigyan kita." Bigla niya na namang winagiway ang hawak niyang kahoy sa pormang hahampasin ako. Napapikit nalang ako at hinintay na dumapi muli iyon sa mukha ko.

"--ahhh!" Napasigaw ako ng malakas ng muli na naman itong tumama sa may pisngi ko. Pakiramdam ko pumutok na iyon dahil sa malakas na pagkakahampas na iyon. Kakaibang sakit ang naramdaman ko at kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa sakit at galit na nararamdaman ko. Pero hindi ako makalaban, wala akong magawa dahil nakatali ako.

Narinig ko na naman ang malakas na tawa nila na nakapagpakulo ng dugo ko.

"Ganyan nga umiyak ka! Mamatay ka ngayon may luha sa mga mata at kaawa awa!" Galit niyang turan at biglang tinulak ng malakas ang upuan kaya tumumba ito at malakas na tumama ang likod ko sa may upuan na tumama sa simento.

"--ahhhh" mahinang usal ko na naman ng maramdaman ang hindi pamilyar na sakit mula sa likod ko.

"Tuluyan niyo na yan! Huwag niyong hahayaang mabuhay pa ang gagong iyan!" May otoridad sa boses nito. At ngayon ko lang napansin na parang narinig ko na ang boses nito. Pamilyar ang boses nito.

Nakahandusay ako sa sahig habang natali parin sa may upuan ng unti-unti kong makita ang mga yapak ng lalaking iyon na paalis na sa lugar na kinalalagyan ko ngayon.

Ngayon ko lang rin naramdaman ang kakaibang sakit na tila unti-unti akong pinapatay. Naramdam ko nalang ang mga mata ko na unti-unti ng nagsasara at sa mga oras na yun ay gusto ko nalang pumikit na at magpahinga para hindi na muli pang maramdaman ang kakaibang sakit na iyon.

'Sana... Sana.. sana lang ay may dumating na kung sino man at tumulong saakin.'

Unti-unti nang nagdilim ang paligid at hindi ko na alam ang sunod pang nangyari.

Itutuloy...

iRisk University: Highest RankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon