Chapter Six - Devils Corner
Azreah
Masakit man ang pagbagsak ko ay pinilit ko parin tumayo, linapitan ako nila Yeng at Heena.
"Ayos ka lang ba Reah?" Nag-aalalang tanong ni Heena. Hindi ko ito pinansin at tumakbo ako palabas ng dining hall.
"Reah!" Narinig ko pa ang pagsigaw nila Heena at Yeng ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Nagmamadali ako at sobrang bilis ng pagtakbo ang ginawa ko upang maabutan ko si Dos.
Hindi ko siya makita maging ang anino niya, nilibot ko pa ang paningin ko sa paligid ngunit wala siya. Hindi pa masyadong nakakalayo yun at alam kong maabutan ko pa siya. Tumakbo ako sa hallway ngunit hindi siya ang naabutan ko don. Isang grupo ng mga estudyanteng babae, lima sila at nakaharang sa gitnan ng daan ng hallway.
Bigla akong kinabahan, masama ang pakiramdam ko sa mangyayari. Pero kailangan kong makita si Dos! Ewan ko ba pero mayroong parte sa utak ko na kailangan ko siya makausap. Dahan-dahan akong lumapit palapit sa mga grupo ng babae, mas minabuti kong tumingin ng diretso sa sahig at hindi nalamang sila pansinin dahil ayaw ko ng gulo.
Nang mahagip na ng mata kong nakatingin sa sahig na malapit na sila saakin ay nabigla ako nang lalo silang mas pumagitnan sa daan ng hallway na tila ba hinaharangan ako sa pagdaan ko.
'Not this time please.'
Huwag muna ngayon, hindi ko pa kaya. Wala na akong lakas, at baka ay hindi ko na kayanin.
Dahan-dahan akong lumihis ng daan at sa gilid nila ako dumaan. Nakahinga ako ng maluwag nang medyo makalampas na ako ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ng...
"Tama nga ang bali-balitang matapang ka nga." Maangas na sabi ng isang babae. Napahinto ako sa paglakad ngunit nanatili akong nakatalikod sakanila. Hindi ko ito sinagot.
"Para sa isang low type kakaiba ka. At ang lakas ng loob mong sampalin si Dos ? Sino ka ba sa akala mo? Superhero?, si Wonderwoman?! Gago!" Nagulat ako sa pagsigaw na iyon ng isa pang babae at napahawak nalang ako sa ulo ko ng may naramdaman akong tumama dito. Malakas, masakit! Parang kumalog ata ang utak ko dun.
Tinignan ko ang bumagsak sa sahig, isang sandals na may takong. Napayuko nalang ako at ininda ang sakit. Hindi ko sila papansinin, hindi ko sila papatulan dahil kapag ginawa ko yun, alam kong mas lalo lang silang hindi titigil. Dahan dahan akong naglakad muli palayo sakanila.
"Aba't bastos ka rin talaga e no! Kinakausap ka pa namin tapos tatalikod ka! Mukhang ang taas ata ng tingin mo sa sarili mo hah low type!" Hindi ko namalayan ang pagsugod ng isang babae sa likuran ko matapos sabihin iyon, sinipa ako nito sa may likuran kaya naman natumba ako sa floor. Dali-dali kong ininda ang sakit sa parte ng likod na sinipa niya, ramdam ko ang pagbaon ng takong ng sapatos niya.
"Pinaka-ayaw ko sa lahat yung bastos." Sigaw pa nung babaeng sumipa saakin at hinawakan ang panga ko. Nakita ko rin ang paglapit pa ng apat na babae sa amin, at ngayon napapalibutan na nila ako habang ang isa ay hawak ako sa panga ko.
"Ayaw ko ng gulo please." Malumanay na saad ko sakanila. Narinig ko ang bahagyang pagtawa nila, lalong lalo na ang babaeng may hawak saakin ngayon.
"Ayaw mo ng gulo pero ikaw mismo pinapasok mo ang sarili mo sa gulo. Hindi ko ba alam kung tanga kang talaga o baka naman nagtatanga-tangahan ka. Si Dos ang kinakalaban mo! Kaya kahit anong gawin mo mapapasok ka talaga sa gulo!" Sigaw pa nito sa mukha ko.
"Si Dos ang kinakalaban mo! Kaya kahit anong gawin mo mapapasok ka talaga sa gulo!"
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...