Chapter Seventeen - He is Back
Azreah
Months have passed. Pero hanggang ngayon ay palaisipan parin saakin kung sino ang nagligtas saakin sa gabing iyon. Pagkagising ko nung araw na iyon ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nakahiga na sa kama sa kwarto ng dorm namin dito sa loob ng IU. Napag-alaman ko rin kila Heena at Yeng na dalawang araw daw akong nawalan ng malay dahil narin siguro sa mga tama ko sa mga hampas na natamo ko sa lalaking dumukot saakin. Pero ngayon maayos na ang itsura ko at wala na ang mga pasang dulot nito. Pero isa lang ang palaisipang gumugulo sa isip ko. Sino ang nagligtas saakin sa gabing iyon? Dahil hanggang ngayon ay wala parin akong ideya dahil tulad ng nangyari nung unang araw ko dito sa IU ay iniwan lang rin daw ako ng taong nagligtas saakin sa harap ng pintuan ng kwarto namin nila Heena at Yeng.
Posible kayang? Iisang tao lang ang nagligtas saakin nung unang araw ko dito at nung araw na halos mamatay na ako? Hindi ko alam kung paano ko masasagot ang tanong kong ito.
Sa loob ng lampas isang buwan na panantili ko dito sa IU ay unti-unti ko ng nakakasanayan ang mga pangyayari. Sa umaga ay kakain sa dining hall kasama ang mga estudyante at pagkatapos nito ay didiretso ako sa Highest Section, at pagpasok ko palang sa kwartong iyon ay bubungad na saakin ang mga mapangutyang mata ni Stephane at Ency. Hindi rin mawawala ang paimpit na bulong at panlalait nila saakin.
Ngunit matapos ang insedenteng nangyari nung gabing iyon sa event hall ay napansin koang pagbabago ng pakikitungo saakin ni Nygel at Dos.
Si Nygel na dating makulet at lagi akong inaasar at kinakausap ay naging tahimik na at kakausapin lang ako pag may kailangan ito. Hindi ko alam kung anong dahilan o kung bakit siya ganun makitungo saakin, dahil tanda ko nung gabing iyon ay ayos ang lahat. Mabuti ang pakikitungo namin sa isa't isa at para bang ang tagal na naming magkakilala. Inisip ko nalang na siguro ngayon niya lang napagtanto ang lahat, ngayon niya lang narealized kung sino talaga ako. Na isa lamang akong low type.
Isa pa sa pinaka-pinagtataka ko ang biglang pagbabago din ni Dos matapos ang gabing iyon. Hindi gaya ng dati na pagkakita niya palang saakin ay makikita mo na ang nakamamatay niyang tingin at ang mga mata niyang sumisimbolo sa kamatayan pero ngayon hindi na siya ganun. Ewan ko ba kung mas mabuti ito o mas masama dahil ngayon ay tinuturing niya na lang ako na tila isang bula. Na tila hindi ako nag-eexist sa paligid niya. Hindi niya na rin ako ginagawan ng mga bagay na ikasasakit ko pero wala na rin siyang paki-alam sa mga bagay na ginagawa ko.
"Reah tara na dali." Nagmamadaling aya ni Yeng.
"--Teka saan tayo pupunta e diba saturday ngayon at walang pasok?" Nagtatakang tanong ko. Kakagising ko lang kasi at nakita ko sila Heena at Yeng na nakaayos na at nakasuot ng uniform. Wala naman kaming napag-usapan kagabi na may gagawin kami ngayon kaya naman puno ng pagtataka ako ngayon.
"May biglaan kasing announcement e. May darating daw na malaking bisita ngayon at kailangan lahat ng estudyante ay nandoon at nakasuot ng uniform." Paliwanag ni Heena.
Dali-dali akong tumayo at inihanda ang uniform na susuotin ko at dumiretso na sa banyo para maligo. Matapos kung makapag-ayos ay sabay sabay kaming nagtungo ulit sa event hall dahil dun daw gaganapin ang pagtitipon.
"Sino kaya ang bisitang darating? Bakit kaya biglaan at kailangan pa na nakasuot tayo ng uniform?"
Napa-isip din ako sa tanong na iyon ni Heena.
"Yun din ang kanina ko pang iniisip e. Sino nga kaya iyon?" Nag-iisip din na tanong ni Yeng.
Nakarating na kami sa event hall at halos nandun na ang lahat ng estudyante at gaya namin ay nakasuot din sila ng uniform.
BINABASA MO ANG
iRisk University: Highest Rank
Mystery / ThrillerGenre: Mystery/Thriller, Action and Romance. iRisk University Isang prestihiyosong unibersidad na nakatayo sa isang liblib na lugar. Isang normal na estudyante lamang si Azreah na walang kaalam-alam tungkol sa unibersidad na ito, pumasok siya sa u...