Chapter 63

775 37 5
                                    


"OH MY GOD! Is it true? is it true?" Parang tangang bungad sakin ni Ade. Pinuntahan niya pa talaga ako dito sa ginagawang shop which is may kalayuan sa bahay nila. Buti naman hindi siya naligaw.

"Kuya's right, Magtatayo ka nga ng sarili mong business. So ano naman 'to?" Nilapag ko ang piraso ng tiles na bitbit ko kanina bago siya dumating.

"Yes, Balak ko naman na talaga 'to noong isang buwan pa, ang original plan talaga dapat by August pa 'to uumpisahan, buti nga binigyan ako ni Papa ng dagdag na panggastos dito. Ayon mas napaaga tuloy ng isang buwan. Bake shop to be, para sa mga single." Sabi ko.

"Woah! Hindi nga? Di ka naman niyan bitter. Teka, may balak ka bang maging single for life kaya ka nagpatayo nito? A place for a lonely heart, tara na't mag cake! Arrrrgh! Whatever. Ano may balak ka din bang paasahin ang kuya ko?" Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Paranoid. I found it cute lang. Maraming mga single sa panahon ngayon. Marami na rin kasing mga nag iingat maloko at masaktan ulit." Itinuro ko sa kanya ang upuang nasa katabi ng mesa.

"Baka naman gusto mong sabihin, Bake Shop? Ateng, laos na Hugot, baka mas okay Fliptop na lang?"

"Tsk. Magsusuggest ka na lang hindi ko pa gusto." Tinalikuran ko nga saka pumasok sa loob ng baking area. Mabilis na lang matatapos na rin 'to.

"Namove ng isang buwan yung uwi ni Kuya from Korea, nagkaaberya na naman sa Company ni Dad kaya ayun, maghihintay ka na naman." Inirapan ko nga. Naglabas ako ng dala kong meryenda at ipinatong yun sa mesa.

"Alam ko. As if naman hindi ko nakakausap ang kuya mo. Kaya nga sana matapos na agad 'to para naman sa opening sakto namang nakauwi na siya." Sabi ko.

"Until now, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang M.U na kayo ni Kuya. Pwede ba ikwento mo na kung paanong nangyari yun?" May halong pagtatakang tanong niya.

"Pareho din pala kayo ni Breena. Tsk." Umiling ako saka sinulyapan ang baso ko.

"Sige naaa~ Please... Yun talaga yung pinunta ko dito e.. Please?" Nagpacute pa ito sa harap ko. Argh! Ang sarap din nito minsan kurutin e! Kung di ko lang talaga vinavalue ang friendship namin baka pinagtulakan ko na to.

"Okay fine. Magkukuwento na ko." Pagsuko ko.

"We met in province last year. I'm not sure if that was just a coincidence or a destiny." Bahagya pa akong natawa matapos kong banggitin ang destiny. "Corny right? Alam mo naman ang Kuya mo, well, ang sabi niya hindi niya daw talaga ako hinanap, it just that mahina lang daw talaga akong magtago kaya ayun nasundan niya pa rin ako, right after naging okay na si Papa, bumalik din agad ako sa province, and that's it, dun niya na ako kinulit, syempre ako taray-tarayan that time dahil nga sa broken ang ateng mo, pero dahil may patience ang Kuya mo, ayun bumigay din, naging special na rin siya sakin, I fell, and this time alam kong may sasalo na sakin." Mahaba kong kwento sa kanya. Pero habang nagkukuwento ako sa kanya I wasn't looking at her kaya naman nung paglingon ko, I was expecting that she's smiling like an idiot dahil sa kinikilig but I was wrong. Nakangiwi siya habang nakakunot ang noo na para bang it was the lamest story ever that she heard.

"Ano namang reaksiyon yan Ade?" Parang inis na tanong ko sa kanya.

"Yun lang? Yun na yun? As in?"

"Hmm-mmm" tatango tango pang sagot ko.

"Really?"

"Tsk, ano ka ba, don't tell me you wanna hear the whole story? Oh come on Ade." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Oh yeah you're right."

"You must be kidding, haha. Ano you want the detailed one? Baka matapos tayong magkuwentuhan niyan e bukas pa."

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon