Chapter 70

601 27 0
                                    


Nararamdaman kong may papalapit ng kapahamakan sa akin. Ramdam ko kung paanong pagtitig ang ginagawa niya habang naglalakad papunta sakin. Lakad na parang sa model. Oh crap! This is not the right time to joke around Marla!

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatayo ba ako at pasimpleng makiki-Cr o magkukunwaring busy?

What the hell! Mapapasubo pa ata ako sa maling expectation ni Mabel. I'm not his current Girlfriend for Pete's sake!

Tumikhim siya pagkatapat sakin. Wala akong ibang magawa kundi ang tingalain siya at kunwaring nagtataka ako sa paglapit niya. Ang totoo nagtataka naman talaga ako kung bakit iyon ang sinabi ni Mabel.

"Mabel asks about you. Would you mind talking her?" Muntik ko na siyang paningkitan ng mata. Of course! Hindi pa kaya ako nakakabati sa kanya. Balak pa atang sulitin yung free time niya.

"Of course." Kabado man, nagawa ko pa ring parang normal lang na kinausap niya ako at nilapitan kahit pa ang totoo, kahit boses o hininga lang ng Earl na ito naiintimidate na ko! I'm not okay when he's around. Realtalk.

Inalalayan ako nito palapit sa kinaroroonan ni Mabel. Naaasiwa man hindi ko na lang iyon pinahalata. May idea na ako sa pwedeng maging takbo ng usapan namin.

"Hi Mabel, Happy Birthday.." Kahit pa hindi niya makita ang ngiti ko itinodo ko pa rin.

"A-Ate D-Dyosa? N-naaalala niyo pa po ba ako?" mukhang nahihiya pa si Mabel na kausapin ako. Hinawakan ko siya sa balikat saka ginawaran ng isang yakap.

"Makakalimutan ko ba naman ikaw? Ikaw lang ang naaalala kong nagpauso ng tawag na yan sakin. Hindi ko nga lang alam kung ilan kaming tinatawag mo ng ganyan." Pagbibiro ko. Sinadya ko iyon to confirm what I've heard a while ago. Ano ba kasi talagang ibinabalita ni Earl sa ibang tao? Tss.

"Ay nako Ate Dyosa, ikaw lang po ang tinatawag ko niyan." May pangungumbinsing sabi niya. Confirmed, ako nga ang tinutukoy kanina. Tsk. What am I again? Earl's Girlfriend!?

"Seryoso ba yan?"

"Oo naman po Ate, malinaw pa rin po sa ala-ala ko ang mukha mo pong pang Dyosa." Senserong sabi niya. Napangiti ako ng bahagya. Earl is just standing beside me, hindi ko alam kung nakikinig ba siya o kasalukuyang naririndi na sa paulit ulit na sinasabi ni Mabel, isa akong Dyosa.

"You have a sharp memory huh." Tinapik-tapik ko ang balikat niya. Sinuklian naman ako nito ng ngiti. "I'm sorry, I have no gift for you."

"Naku Ate Dyosa, ayos lang po, masaya na po akong nakapunta ka at kasama mo po si Kuya. Masaya akong malamang kayo pa rin hanggang ngayon, na magkasama na ulit kayo." Para akong nabilaukan ng sariling laway sa naging pahayag ni Mabel. I don't know what to say! For Gods sake hindi ko naman alam na may avid fan pala ang noong love team namin ni Earl!

"May forever nga po talaga." Dagdag pa niya. Ngiting ngiti ito na para bang napapanood din ang isang love story na may forever kuno. P*nyeta! That was a false hope, and I won't tolerate it. I was about to change what's in her mind. Nang bigla na naman itong magsalita.

"Ako po ata ang pinakauna't huling malulungkot kapag nagkahiwalay o kahit nagkaroon lang kayo ng simpleng away." Oh sh*t This is embarassing. What the hell Earl bakit di niya ieexplain kung ano ang talagang meron kami! Pwes ako na lang ang mag-eexplain!

"Mabel-"

"We promised that we won't fail you, Mabel." Isang nakakamatay na tingin ang itinuon ko kay Earl na grabe ang lakas ng loob magsinungaling sa harap ng inosenteng si Mabel.

"Ayieeeee..." Hindi ko inalis ang tingin ko kay Earl, mamatay sana siya sa tingin! He's such a great liar. Whatever. A liar is always a liar. Magtutuos tayo mamaya Peras!

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon