The next day, Pinuntahan ako ni Ade at Breena sa shop na ipinapagawa ko.
"So, anong plano mo niyan ngayon?" I already told them about the business at syempre hindi doon makaiwas ang katotohanang involve doon si Earl Peras.
"I should prepare." kalmado kong sabi.
"Tama, you should act professional. Your goal is just to get the business, no more no less." Nakataas ang kilay ni Ade sa sinabi.
"You can't make iwas to Earl, Marla.. maybe I think it's the right time. Ayusin niyo na kung anong hindi niyo pagkakaunawan." Si Breena.
"Babawiin mo lang yung dapat para sayo, I mean, kukunin mo lang or hihingin. Bakit kailangan pang pati yung issue sa inyo aayusin?" ani Ade.
"Dahil mas mapapadali kung aayusin muna nila yung issue."
"Tapos naman na sila. Wala ng dapat ayusin."
"I know, mag-aagainst ka dahil baka masaktan ang Kuya mo. But this is the only way para makuha iyon agad kay Earl. Make friends with him Marla."
"Breena, hindi sa iniisip ko kung masasaktan si Kuya. Iniisip ko kung ano ang mararamdaman ng kaibigan natin."
"Kaibigan din natin si Earl." Mariing sinabi ni Breena.
"But that was before, noong hindi niya pa sinaktan si Marla."
"Pero hindi iyon rason para baliwalain din natin ang nararamdaman ni Earl. Nasaktan din siya."
"Oh come on! Si Earl? Sanay siyang manakit, malamang hindi siya marunong masaktan. Si Marla ang higit na nasaktan dito."
"Nasasabi mo yan kasi hindi naman natin nakakasama si Earl. Hindi natin alam kung anong side niya."
"It's because, wala siyang balak mag-explain. Isa lang ang ibig sabihin nun. Sinadya niya talaga."
"I know well my cousin, He won't do that on purpose. I know he has a reason."
"Yes, dahil cousin mo siya, iintindihin mo siya. Pero Breena, malinaw na si Earl ang dahilan ng lahat."
"Well, now masasabi nga natin na siya ang may kasalanan. Pero sana naman kahit nagawa niya yun ng hindi sinasadya o sinadya man, bibigyan din natin siya ng pagkakataong magpaliwanag."
"I don't know." Sabay na napabuntong hininga ang dalawa. "Na kay Marla pa rin naman ang desisyon." Sabay silang napatingin saakin.
I frowned at them.
"Ano tapos na ba kayong magdebate? Ang husay e, feeling niyo wala ako dito no?" Sabay silang nagpeace sign saka ngumisi. Ang sarap pag-uuuntugin.
"I already made up my mind. Magdedemand ako ng Closure samin and then ayun, kukunin ko na ang business. Breena is right, aayusin ko ang hindi namin pagkakaunawaan, but Ade that doesn't mean na continuation na ng relationship namin. Hindi yun ganun, para din to sa ikagagaan ng loob namin."
"W-wow! Nakapagpasya ka na rin naman pala, so ano pang papel namin dito?" sarcastic na pagkakasabi ni Breena.
"Ipinamukha niyo lang naman sakin kung gano kasakit ang ginawa ni Earl. Yun lang naman. Oh well Salamat!" I answer in a sarcastic way.
"Well, at least malaking tulong iyon na dapat ngang hindi ka ulit mahulog sa kanya. Tandaan mo ha, business lang ang dapat mong makuha hindi pati siya. Hm?" si Ade.
"That was funny Ade!" Humalakhak si Breena. Hindi na ako magtataka kung mamaya bigla na lang itong batukan ni Ade. Ang lakas mang asar ng halakhak niya e.
"Breena shut up!"
"Parang ikaw pa 'tong iniwan ni Earl. Dami mong dama!"
"Isa pa, kanina ka pa nambabara a. Hindi na ako natutuwa. Saka wag mo sabihing iniisip mo na pwede pa silang magkabalikan ni Earl. 'Wag mong ipareho sa relasyon niyo ni Jick. Sobrang common!"
![](https://img.wattpad.com/cover/29021890-288-k88986.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)
Novela JuvenilMarla And Earl - Love Story begins.. here.