Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin para sumabay sa kanyang kumain. Akala ko ay kung saan pang mamahaling kainan pupunta, hindi ko makumbinsi ang sarili kong kumakain din pala siya dito sa mismong canteen, kung saan kumakain ang mga empleyado niya.
Kahit tapos na ang break time, may mangilan-ngilan pa rin ang nandun, ang iba ay napapadaan lang din. Hindi makatakas ang mga nagtataka at mapanuring matang nakatingin sa amin. May nakakagulat bang kasama ako ng boss nila? O baka naman katulad ko ay nagtataka din sila kung bakit dito kakain ang boss nila. Baka nagpapasikat na naman lang 'to. Hindi ko tuloy napigilan ang kati ng dila kong magtanong.
"Ngayon ka lang ba kakain dito?" Tumitig lang muna ito sakin saka marahang tumango. Ahh, kaya naman pala may halong pagtataka pa sa mukha ng ilan, ngayon lang naman pala kasi napunta dito.
"Yung mga empleyado mo, mukhang gulat na gulat. Masyadong big deal na dito ka lang kakain. You kow, You can go to the nearrest restaurant." Dahil kung ako ang tatanungin mananatili ako dito. Siya? Bahala na siya kung saan siya kakain, ayos na ako dito.
"No, Dito tayo kakain. It will take fifteen minutes bago ang pinakamalapit na restaurant."
"Pwede ka naman pumunta, kung hindi ka pa naman gutom na gutom." sabi ko. Tumayo ako saka pumunta sa mga pagkaing nakahanda doon. Kumuha ako ng tray saka pinggan. Nilingon ko siya, nakasunod din pala ito saakin, kagaya ko may hawak-hawak din itong tray na may nakapatong na pinggan.
"Anong ginagawa mo?" hindi ko na naman napigilan ang bibig ko.
"Can't you see, I'm here to eat." umirap ako dahil sa sagot niya. Oo nga't alam kong kakain siya. 'Wag niya sabihing dito pa rin? Nagpapasikat na naman lang talaga siya.
"Don't let your employer get's confused. Baka hindi sila makatulog sa gulat."
"What the hell! Can't we just eat? Gusto ko lang kasabay kang kumain, May problema ba dun?" Umigting ang panga nito saka ito nanatiling nakatitig sakin. Napakurap-kurap ako. I was stunned. Hindi ko inisip na maging ganito ang sasabihin niya. Ano ba talaga ang gustong iparating ng lalaking 'to? Sa huli, ako na ang naunang umiwas ng tingin saka ito tinalikuran. Bahala ka nga diyan.
Sabihin niya na kahit ano wag lang yung mga banat na ganyan. Can he just stay cold? Yung parang hindi niya ako nakikita? Yung parang hindi niya ako kilala. Mas preffered ako sa ganun. Ayoko ng ganitong kabulgar! Hayop, di ako prepared!
Hindi ko alam kung nakain ko ba ng maayos ang pagkaing kinuha ko. To tell you honestly, buong oras na nasa harap ko siya habang kumakain parang ang hirap huminga lalo na ang lumunok. Nanatili akong tahimik na nakikiramdam lang. I caught him staring at me but then he's avoiding my stares, ayaw niya pa ring magpahuli kahit pa huli naman na.
The next day, I prepared my things for the three days trip. Kahit ayoko man, wala na akong magagawa. If there would be any other way around, Bakit pa ako magtiyatiyagang sumama sa trip na iyon. Kung may choice nga lang ako. But this time, alam naman nating mas kailangan kong sumunod at makisama. Sana lang may iba kaming makakasama dahil kung kami lang dalawa di ko alam kung matatagalan ko nga nga ba ang tatlong araw na iyon. Baka makapagdisisyon ako ng wala sa oras iwanan ko siya doon at umuwi ng mag-isa. I won't last a day with him kung puro bangayan lang ang mangyayari. We always end up shouting at each other.
Bahala na. All I just need for now is patience.
Ipinaalam ko kila Mama ang naging kasunduan namin, guess what they said? Tuwang-tuwa daw sila dahil sa wakas ay may napagkasunduan na kami. As if naman ginawa ko iyon for our relationship, na ang totoo naman it just for my own benefits. Malay ko nga lang ba kay Earl kung may makukuha siya dito sa pagpayag niya. At wala naman na akong pake kung meron ba.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)
Teen FictionMarla And Earl - Love Story begins.. here.