Chapter 73

653 26 4
                                    


"What the hell!" sabay pa ang pagmumura ng tatlong babaeng kasama ko. Ade, Breena and Hilary. We're all together in a coffee shop.

Medyo napalakas pa ang pagkakasabi ng tatlo kaya hindi malayong hindi kami lingunin ng ibang costumer. Sa hiya ko pasimple na lang akong uminom ng kape ko.

"He's a pain in the ass." ani Ade. Breena hissed, probably she doesn't agree on that statement.

"Oh wag ka nang kumontra Breena kasi totoo naman. Kahit pa pinsan mo 'yang si Earl, jerk is always a jerk. Playboy is always a playboy." Napairap na lang si Breena sa sinabi ni Hilary. I know, Breena will always disagree.

Obviously kaya ganun ang naging reaksiyon ng tatlo dahil kagaya ko nagulat din sila. Naikuwento ko sa kanila ang nangyari nung huli naming pagkikita ni Earl.

"So what's with the marry thing? Ano sukob lang?" si Breena. Bahagya pa akong napairap sa sinabi niya. Alalang-alala naman na baka masukob sa kasal nila ni Jick. Si Breena naniniwala sa pamahiin? Nagpapatawa ba siya?

"Sinagot mo ba?" sunod na tanong ni Hilary.

"Probably no." Ade's own conclusion. I stared at them for a moment. I look so problematic. All I want is just to get the business.

"No Ade, I didn't answer him that's why he give me time to think about it within just a week." At ang araw na iyon nga ay ang mismong araw na ito. Buwesit, ang bilis ng araw.

"You're silly. You can always say no, You have kuya. You don't have to think for almost a week? Ano 'yan totohanan? You know this is just some kind of game for him."

"What if this is the way of Earl saying sorry and he's making up with Marla, Ade, You can't always say that. You're always mentioning your Kuya, do you think siya lang ang apektado? Marla and Earl is affected too. We're not sure also if your Kuya is the one, Who would know?" sabi ni Breena. Nanatili lang muna akong nakinig sa dalawa, mukha naman kasing gustong-gusto nilang pag-usapan diba?

"This is not just about business. Pati damdamin ng ibang tao dito madadamay." Halata nang naiinis si Ade sa nagiging takbo ng usapan. Bakit ba kasi everytime na lang na nag-uusap kami ng tungkol dito hindi niya maiwassang hindi maisali ang kuya niya. Kahit ako naiinis na din, kaya minabuti kong magsalita na lang din.

"Ade, hindi ko intinsiyong madamay ang kuya mo. Ayokong may masaktan na tao. I know na may nadadamay, but this is not just a simple problem. Look, I'm going to convince him na huwag naman sa ganoong paraan. I'm also looking for a possible solution, meron pa namang ibang paraan. Sinabi ko lang 'to, to let you know kung anong mga pinaggagagawa ni Earl. Ayokong basta-basta na lang magdesisyon. Siguro nga kaya hindi agad ako nakahindi dahil sa nagulat talaga ako, pero hindi agad ibig sabihin nun may kaonting pagpayag na ako. Kung gusto mo ngayon mismo supalpalin ko na siya ng salitang 'Hindi ako magpapakasal sayo' Ano?" mahaba kong paliwanag kay Ade.

"Nakakapagbiro ka pa rin kahit may ganyang kang problema? How could you do that?" Napangisi ako.

"You're always serious, ano ka ba Ade? Hindi naman ako tanga na basta na lang papayag sa kasal na inaalok niya. Edi parang naghukay lang ako noon ng sarili kong libingan. Come on, hindi kailangang may kampihan kayo sa dalawang lalaki. Ikaw na nga mismo ang nagsabi, may Alben na ako ngayon." Pilit kong pinapakalma kung ano mang nasa isip niya ngayon. Iniisip niya ata na baka makalimutan ko na ang kuya niya.

"E pano kung bumalik ang feelings mo kay Earl? Hindi biro 'yung halos limang taon na pagpantasya mo sa kanya ha." Napahinto ako sa sinabi ni Hilary. This is why sometimes ayokong kausapin 'tong babae na 'to e. Ang galing magsalita, palaging may dating.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon