Chapter 75

679 27 4
                                    


"Tama na Earl. Ang sakit-sakit pa rin e. Ayoko na. Hindi ko na kaya." Yumuko ako saka patuloy na umiyak.

Dahan-dahang inangat ni Earl ang mukha ko na napupuno na ng luha. Hindi ko alam na ganun lang ako kabilis maiiyak sa ginawa niya. Ayoko na ulit maranasang paglaruan. For the second time around ayoko na ulit maniwala sa kanya.

Tinitigan ako nito habang marahang pinupunasan ang luha ng kanyang daliri. Ingat na ingat ito na para bang isang mamahaling bagay ang hawak niya ngayon.

"I'm sorry. I'm sorry.." Walang tigil na sinasabi niya. Sa bawat pagbigkas niya ng mga katagang iyon parang pinipiga din ang puso ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong sabihin niya iyon, Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Gusto ko siyang sumbatan. Gustong-gusto kong ipamukha sa kanya kung gano kalaki ang kasalanang ginawa niya, kung ganu kasakit ang maiwang mag-isa, kung pano ko nagawang kayanin iyon sa loob ng halos tatlong taon. Tatlong taon na nasasaktan, tatlong taong nagmukmok at pinilit na buuhin ang sarili.

"I'm sorry for everything..." Iyon lang ang sasabihin niya?

"Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo Earl."

"I know..." Mariin akong napapikit saka ko siya tinitigan.

"Hindi. Wala kang alam. Dahil kung alam mo yun hindi ka magkakaroon ng lakas ng loob para harapin ako. But you see? Kayang-kaya mo akong harapin at kausapin. Kayang-kaya mong gawin ang kahit anong gusto mong gawin out of my will. Minsan ba naisip mo kung ano ang nararamdaman ko habang kausap at kaharap kita? Earl, para akong nasa isang bangin, parang sa isang kalabit lang katapusan ko na. But hell! Yes, Hindi ko kayang magtago na lang. I need closure Earl. Please, 'wag mo ng isipin na magiging ayos ang lahat, well I'mtelling you this, hinding-hindi na yun mangyayari. Let's just live our own life. Let's.... Let's just forget everything. Let's start our new life. Ayoko na ulit masaktan Earl. Hindi pa ako tuluyang nakabangon, 'wag mo namang gawing mas mahirap 'to sakin. I just want to be happy. At hinding-hindi ko 'yun mararanasan kung patuloy tayong ganito." Hindi ko alam kung totoong sakit ang nakita kong biglang gumuhit sa mata ni Earl. No, hindi totoo ang nakikita mo sa kanya Marla! Niloloko ka lang ng mga tingin niya.

"Is that really what you want?" Halos pabulong na sabi niya, guni-guni ko lang ba ang mga napapansin ko? Pero hindi, niloloko ko lang ang sarili ko kapag pinaniwala ko ang sarili, hindi siya nasasaktan. Tama, iyon naman talaga ang gusto ko kaya marahan akong tumango.

Napayuko siya saka nanatili lang na nakatingin sa sahig. Para bang piproseso niya pa ata ang gusto kong mangyari.

Tama ba ang nakikita kong nasasaktan din siya? Sh*t! Hindi ako dapat magpadala sa mga ipinapakita niyang emosyon. That's impossible. Kung hahayaan kong maniwala sa mga ipinapakita niya, sa huli ako lang din ang masasaktan. Ayoko na ulit sumugal. Dahil natatandaan ko ng huli ko iyong ginawa, ako ang talo.

Sinalubong ko ang tingin niya sa akin. Walang halong pagsisisi sa naging desisyon. Gusto ko na lang din itigil ito, dahil kung

hahayaan ko lang mapalapit pa sa kanya baka kung ano na ang magawa ko, baka hindi na ako makapagpigil sa nararamdaman ko.

Hindi ako bumalik ng maynila para ipagpatuloy ang relasyon naming nasira. Nandito ako para ayusin na ito- a closure, para makapag-umpisa na rin ako ng panibago. Kung saan wala ng Earl Peras.

"Okay, One month Marla. As I promise you, I'll help you first in running the business, Once you're capable of handling it well, I will let you own it. Hayaan mo lang muna akong tulungan ka sa loob ng isang buwan. I promise, ako na ang iiwas at hinding-hindi na magpapakita sayo." Puno ng determinasyong sabi niya.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon