"Kung patuloy kang magpapaapekto, malamang ikaw din 'tong iiyak sa huli." Kenjay words stays on my mind.
It's been past 12 in the midnight but hell I can't sleep.
This is really frustrating. Kaya ayoko masyadong makaranas ng problema. It always makes me hard to sleep. Kahit gustong-gusto ko nang matulog minsan talaga hindi ko magawa.
Bakit ba kasi may mga taong gustong-gusto maghatid ng problema sa ibang tao? Can they just mind their own life!? Can they just do what they need to do and don't cause any up-side-down feeling to other?
Marla! It is not him, It was totally you! Can't you see? He's not affected at all after what happened, unlike you, You can just ignore, but obviously you're too willing to entertain everything. That's why you're affected!
Ipinilig ko ang ulo dahil sa mumunting boses na naririnig ko, alam ko namang tama iyon, pero damn, hindi ganun kadali balewalain ang nararamdaman mo sa ibang tao, galit man ito o pagkagusto.
Tahimik na ang buong paligid at alam kung sa mga oras na ito karamihan ay mga payapa ng natutulog. Tanging tunog na lang ng pagpitik ng kamay ng orasan ang naririnig ko.
Nanatili akong dilat na nakatitig sa ceiling. This is not healthy. This is not good. I need to be more used to this feeling right?
Bukas na bukas din, pipilitin ko na ang hindi maapektuhan, kung pwede nga ay ngayon ko na agad simulan. Ayokong maunang mag open ng topic tungkol sa nangyari sa nakaraan, ipagdadasal kong siya na lang. Dapat ay handa ako kung sakali mang mapag-usapan namin iyon.
Isang paraan para tuluyan ng makamove-on ay ang pagkakaroon niyo ng closure. Paano?
Hindi ko na namalayan na nakatulugan ko na ang pag-iisip ng kung ano-ano. It's already 11 in the morning. Masyadong napasarap ang tulog ko.
Nag-umpisa na akong gawin ang daily routine ko. Dahil wala naman akong kasama sa apartment, ako lang ang tagalinis, tagalaba ng mga damit ko at tagaluto ng makakain ko. You know what, kapag ganito talagang buhay ang nakasanayan mo na mas gugustuhin mong manatili sa ganito na lang, tahimik, makapag-isip ng maayos, makakagawa ng kahit na ano. This is the life what I'm dreaming of, sana hindi umabot sa puntong kasasawaan ko din ang buhay na ganito, I hope I won't.
Matapos lahat ng gawain ko napagdesisyunan ko ang pumunta muna sa bangko at icheck ang laman ng bank account ko.
"Sh*t" Napahawak ako sa noo ko ng mapansing malaki na rin ang nabawas dito. Hindi ko alam kung aabot pa nga ba ito bago ko ulit mabawi ang Furniture Business.
Paano nga ba madadagdagan ang laman nito kung wala pa naman akong kasalukuyang business na pinapatakbo?
Kung hindi lang kasi talaga napunta sa kamay ni Earl ang negosyo ni Papa hindi ako ganito ngayon, wala sana akong problema hindi ko sana pinapakialaman ang negosyong iyon. But d*mn this is not just for me! Alam kong mahalaga iyon kila Papa, Hindi ko hahayaang tuluyang mapasakamay iyon ni Earl!
Maybe I need to spend wisely my money now. Kailangan kong magtipid.
Tumuloy ako sa shop na pinapagawa ko. Tumulong ako ng kaunti sa pagpipintura sa loob. Ito ang makakatulong sa akin sa ngayon kaya kailangan ko na rin itong matapos at mabuksan na sa madaling panahon.
"Mang Edgar, how long will be the remaining days to finish this?" Tanong ko sa isa sa mga nagtatrabaho.
"Next week ho Ma'am, matatapos na ito panigurado." Nakahinga ako ng maluwang. That next week is quite near, Huwebes na ngayon, at ilang araw na lang ay matatapos na rin ito. Makakapagbukas na ako ng sarili kong negosyo. Napagiti ako ng malapad. I'm excited.

BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)
Fiksi RemajaMarla And Earl - Love Story begins.. here.