Chapter 91

337 16 37
                                    

A'N: This is the final Chapter. Enjoy!

Earl Peras

Gaya ng kasunduan, she'll stay with me. Sasama siya sa kung saan ang punta ko na may kinalaman naman sa trabaho, patungo kami ngayon sa Timbra warehouse. Well, this is enough for me. Ang pagbigyan niya ako sa bagay na ito ay malaking bagay na.

Hindi ko pa rin maproseso, still, this is a dream come true. Ang makasama siya sa byahe, kahit pa nga ba tinulugan niya lang naman buong oras. May pagkakataong gising naman siya pero mas pinipili niya lang talagang maenjoy ang tanawin sa labas.

When we arrived at the resort I let her enjoy first the place. Ako na ang nagpahatid sa mga gamit niya sa kanyang kwarto at hinayaan na siyang maglibot. Napansin ko kasing parang kanina pa siya hindi makahinga sa byahe so I let her enjoy some time alone.

Tinanaw ko siya habang papalayo. Hindi masyadong matao kaya kampante akong hayaan siyang mag-isa sa ngayon.

I stayed at the villa. Sa pwesto ko ay bahagya ko paring natatanaw ang kinaruruonan ni Marla. Memories with her flashed in my memories.

The first encounter I had with her. Those happy moments. Enjoying the beach while enjoying her company. Simpleng mga pagkakataon na sinasariwa ko pa rin sa ala-ala.

"Earl! Surprise!" I gritted my teeth. Almost dragging her out of the place. Pinigilan ko lang ang sarili nang maalala ang huling usapan. Oo nga pala at pumayag naman ako na sumunod siya dito.

It's Clara. I talk with his father and he already gave me heads up on this. Pursigido talaga ang babaeng ito sa planong pagsunod-sunod sa akin.

I agree on this just for work. Bahala siya sa kung anong binabalak niya ngayon. I wonder if Marla would be happy about this. Probably not?

Dahil sa nakikita ko ngayong naiinis na mukha ni Marla. Mukha siyang ilag kay Clara dahil na rin sa paglihis niya ng dinadaanan kanina. As if I'm not watching her, my eyes were all over her.

She looks awkward while Clara introduced herself. Para pang napilitang makipagkamay. Typical Marla. Binabantayan ko pa rin ang kilos niya. Nababaliw na ako sa iniisip. Naisip ko kasing baka bigla na lang manabunot!

 "Tama na Earl. Ang sakit-sakit pa rin e. Ayoko na. Hindi ko na kaya." Ramdam ko ang sakit sa mga katagang sinabi niya. F*ck. This hurt me too.

Umiiyak siya habang nakayuko. Unti-unting nadadala sa iyak niya. Pinipigilan ko lang ang sarili.

Ang makitang harap-harapang nasasaktan pa rin siya dahil sa akin ay mas lalong masakit sa parte ko.

Pakiramdam ko basta para sa kanya gagawin ko ang lahat. Sa pagkakataong ito parang gusto ko na lang siyang pakawalan. I hate seeing her cry na hanggang ngayon ay ako pa rin ang dahilan.

Naisip ko na hindi ngayon ang tamang oras para malaman niya ang totoo kong rason sa pang-iiwan. Gaya ng plano ko, uunti-untiin ko lang. Alam kong hindi siya 'yung tipong kayang tanggapin sa isang pagkakataon lang ang lahat. Kailangan maintindihan niya ng paunti-unti hindi iyong sa paraang biglaan.

All I could say is to say sorry. I want her to know how sorry I am. Iyon lang muna sa ngayon.

Tama nga na ang kahit anong sugat ay hindi madaling maghilom, it takes time to heal. At ang sugat na ibinigay ko kay Marla ay hindi nalalayo sa sugat na matagal magamot. She's still broke.

Kailangan niya pa ba ng oras para maghilom? Ngayon ko naisip na parang hindi pa nga sapat ang dalawang taong paglayo. Hindi nawala ang galit niya parang mas tumindi pa nga.

Siguro nga hahayaan ko muna siya ngayon? More so, I'll be around her for the meantime. Pagkakasyahin ko muna ang sarili sa pagtanaw sa kanya baka sakaling humupa ang tensiyon sa pagitan naming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon