Marla's Point of View
"Good Morning Ma'am, Good Morning Sir." Nakangiting bati samin ni manong guard. Gumanti rin ako ng ngiti. Nakasunod lang ako kay Papa habang mataman kong tinitingnan ang buong paligid ng gusali. Ang sarap sigurong magtrabaho sa ganitong lugar, nagsusumigaw sa kayaman bes!
Oo nga pala, nandito kami ngayon sa kompanyang pag-aari ng isa sa kaibigan ni Tito Felix. Nagtataka nga ako kung bakit pinasama pa ako ni Papa e kaibigan naman 'to ng Papa ni Earl. Napapaisip tuloy ako kung bakit, parang may kinalaman din kasi ako sa mga pag-uusapan nila. Hays! Whatever.
"This way Sir." tumango naman si Papa at tinungo na nga namin ang opisina. Tahimik akong nakasunod lang kay Papa. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
"Take your sit." Nakayuko akong sumunod kay Papa at naupo sa katabi niyang upuan. Hindi ako nag-angat ng tingin. All I know is, hindi lang kami tatlong nandito. May iba pang nandito at nakaupo rin.
"This must be your daughter Mr. San Juan. Kung sana may anak akong lalaki, Right this moment I will set the date of their wedding. She's beautiful." Sabi nito na halata namang pinupuri ako, Sinabayan din iyon ng halakhak nilang nandito. That moment napatingin ako sa nagsalitang iyon at nahihiyang ngumiti. He must be the friend of Tito Felix.
"H-hello sir, Salamat po." Nahihiyang sagot ko.
"Call me Tito Ferdinand." Nakangiting sabi nito. I can sense that he's kind. The way he talk. He's full of sense humor. Kung siguro kaidad ko si Tito Ferdinand baka nagkacrush na ko sa lagay na to. Haha joke. Kung sana nga may anak itong lalaki malamang marami ang magkakagusto dun kung sakali mang mamana nito ang kabaitang taglay ni Mr. Rivero. I wonder if he has a child, baka kasing bait niya rin.
"Namana niya iyon sa Mama niya. Well I'm also glad na may anak akong kagaya niya, We're too blessed to have her." Dugtong ni Papa. Nakakataba ng puso. Marinig ko lang yun galing kay Papa masaya na ko.
"Mabait na bata si Marla, That's why my wife really like her, she's close to our family." Napatingin ako sa nagsalitang iyon, Woah! Nandito din pala si Tito Felix. Well, di ko nga naman mapapansin nakayuko lang ako kanina pagpasok ko dito.
"Oh Hi Tito Felix, hindi ko po kayo napansin, nandito din po pala kay-" Napatigil ako sa pagsasalita ng mapadako ang tingin ko sa katabi niya. "N-nandito ka rin pala.." Mahinang sabi ko. Matiim siyang nakatingin sakin. Sa mukha niya parang expected na magkikita kami dito. Malamang alam niya to. Ako lang ata ang walang alam. Tsk. Too bad..
"Mukha atang mas magandang tingnan kung magiging malapit na magkaibigan ang mga anak natin, ano sa tingin niyo?" Tanong ni Tito Ferdinand. Napalipat ang tingin ko sa kanya. I knew it, may anak nga siya. Pero base sa sinabi niya kanina, kung sana may anak siyang lalaki, kaya sigurado babae ang anak niya. Sana kasing bait niya din. Sumang-ayon si Papa at Tito Felix sa sinabi niya. As expected.
"Oh well, Don't be shock hija if you find her attitude a bit.. hmm alam mo na, she's a spoiled brat." ahh! Oo alam ko na, opposite attitude niya ang anak. Baka nga mahihirapan kaming magkasundo. Well. Let's see.
"Any minute paparating na rin yun." Spoiled nga. PaVIP. Haha. Pinaghintay niya talaga ang Papa niya, isali na rin natin kaming nandito. Mukha ngang gusto nilang maging magkakaibigan ang pamilya namin, not just for business.
Kasunod noon ang pagbukas ng pinto at ang papalakas na tunog ng mga hakbang.
"Speaking of, She's here, my only daughter Stephanie Rivero.. bla bla bla"
What!?
Nga-nga.
What the hell!
Pwede bang magmura?

BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)
Novela JuvenilMarla And Earl - Love Story begins.. here.