Chapter 77

589 21 3
                                    

I prepared myself, Sinuot ko ang kulay pulang two piece bikini ko saka ko ito pinatungan ng short. Good thing dahil nakadala naman pala ako. I take a glance at my reflection in the mirror, Hindi naman na nakakaasiwa ang suot ko, pero syempre hindi ako lalabas ng nakaganito lang, mamaya na ako magsusuot ng cover ups. Tsk. I won't be this concious kung sana kakilala ko ang mga kasama. May hiya pa naman ako.

Nanatili pa muna akong nakatitig lang sa sarili. Hinihintay ko pang pumatak ng alas tres dahil iyon ang oras na usapan namin ni Timothy. Inaya niya din muna kasi akong maglibot-libot sa buong resort bago kami pumunta sa mga kaibigan niya. Pumayag na rin ako, hindi naman ata masama diba? After all, gusto lang naman ng tao ng makakasama, at ganun din ako. I want to enjoy.

I stiffined the moment I saw the person standing behind my back, kita ko iyon sa repleksiyon sa salamin. Umahon ang hiya at siguradong pulang-pula na ngayon ang mukha ko. Para akong nakakita ng multo.

"HINDI KA BA MARUNONG KUMATOK!?" I feel like I was being humiliated. Titig na titig pa man din siya sa, wait! sa ano ko, Namilog ang mata ko doon. Ni hindi man lang natinag sa pasigaw kong tanong. Taranta kong inabot ang cover ups ko na nakapatong sa kama. Binalingan ko ulit siya ng masamang tingin.

Umangat lang ang gilid ng labi niya na unti-unting naging ngisi. Dahan-dahan pa itong nagalakad papalapit saakin, Inatake ako ng kaba. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko. Oh My God! Ano na namang trip niya!?

Tanging malakas na kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko. Pucha, sana naman hindi niya marinig!

Huminto siya sa harap ko saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa. Ilang beses niya iyong ginawa saka nanatiling nakatitig sa mukha ko. Huwag kang tumitig Marla! Hindi ko alam pero parang may humahatak sa akin para titigan din siya. Bakas sa mukha niyang may hindi siya magandang gagawin. What!? Hindi ako nag-eexpect ng kahit ano but rather, kinakabahan ako! Fine, nakakaintimidate nga naman ang presensiya niya.

"You don't need cover ups. There's nothing to cover anyway." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Again? What did he say? Ako!? Walang ano? Napakuyom ako ng kamao. So anong pinopoint niya, na wala akong hinaharap? Tangina niya! Napatayo na din ako saka siya tiningnan ng masama.

"What do you mean!?" Kahit alam ko naman ang gusto niyang iparating gusto ko pa ring itanong iyon. Shit! Pano niya naman nasabi iyon? Nahawakan niya na ba? Natitigan niya lang naman ah! Wait. Natigilan ako sa sariling iniisip, Kingina talaga!

Nagkibit balikat ito saka muling ibinalik ang tingin sa ano ko. Mas dumoble pa ata ang pagbilog ng mata ko dahil sa ginawa niya. Napahawak ito sa baba sabay umiiling. Niyakap ko ang sarili ko, pakiramdam ko sa mga oras na ito dinumihan niya ang pagkatao ko! What the hell!

"W-What is that look Earl!?" hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa ano ko. "Y-You pervert!!!" I shouted. Itinulak ko siya dahilan para makaalis ako sa harap niya at padabog na tinungo ang pintuan. Narinig ko pa ang paghalakhak niya na mas lalong nagpainis sa akin.

Kinatok ko ng isa ang sarili kong noo, Kasalanan ko ata kung bakit nakapasok agad siya kanina kasi nakalimutan ko din atang mailock. Hays, pano na lang kaya kung iba ang nakapasok doon? Next time, sasanayin ko na talaga ang sarili ko na laging maglock. Nawala din kasi sa isip ko na sa iisang kwarto pa din naman pala ang mga gamit namin, kaya hindi ko naisip na baka bigla siyang pumasok. Pero kahit pagbalibaliktarin, may mali pa rin siya! Bakit nga ba kasi hindi man lang siya kumatok!?

Seriously, Nanggigigil talaga ako. 'yung mga tipo pa naman ng tingin niya parang may gagawing kung ano! Nakakakilabot!

Napakamanyakis! How dare he!? Ang lakas ng loob niyang titigan at sabihing wala akong ano. Hindi ako pader!

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon