Chapter 50

4.6K 117 22
                                    

Precious Marla San Juan

Pagkatapos nang gabing 'yun nagbago at naging makulay na ang mundo ko. Nagkaroon ng rainbow color, parang yung bra ko.

Pakiramdam ko nga kahit tulog ako nakangiti pa rin sa sobrang saya. Pakiramdam ko rin sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Earl.

Hindi ako makapaniwalang sa wakas! May boyfriend na akong sobrang gwapo kahit suplado. Hindi ko naman akalain na ang taong mahal ko eh mahal din pala ako. Biruin niyo 'yun sa pagkatagal-tagal na panahon na pagkagusto ko sa kanya ni hindi man lang pansinin, bagkos, sinusupladuhan pa, ngayon may kapalit na-Boyfriend ko na siya at Mahal niya ako.

Ito na nga ba ang sinasabi eh, Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Kasi kung kayo talaga, Kayo. Bilib na ako sa'yo kupido, talagang pinaiyak mo pa ako bago ko nalamang mahal niya rin pala ako.

Panigurado pinagtatawanan niyo ako ni Destiny noong mukha akong tanga sa kaiiyak, tapos alam ko naman ngayon na kinikilig kayo. Oh! Aminin~ kinikilig kayo samin ni Earl. Masyadong masaya ang mga sumunod pang araw, habang kasama ko siya, mas lalo ko pa siyang nakikilala.

"Mahal kita." Ang best word na kahit ata ilang milyong beses niyang ulit ulitin sakin hindi ako magsasawang pakinggan iyon. At lalo na ang sabihan din siya ng "Mahal rin kita." Oh diba? May love life na ako, at isipin pang si Earl iyon, ang taong pinangarap ko, iniyakan minsan pero ngayon naipaparamdam niya na ring Mahal niya ako.

Ang sarap sa feeling. Imaginin niyo, lumilipad ngayon ang buhok ko habang ninanamnam ang sarap sa pakiramdam ng may minamahal at nagmamahal.. At dahil iyon sa electricfan. Chos! Joke lang.

Then the next day, aba nagkaroon nang biglaang pangyayari. Well, agad agad ba namang nag asikaso para sa kasal nila si Kenjay. Lahat ng barkada nadawit eh, gusto daw kasi ni Hailey makasal na bago pa lumabas ang Baby nila, hindi pa inalam kung Girl ba or Boy or Half boy-Half Girl.

Kaya ngayon papunta kami sa Simbahang pagkakasalan kila Hailey at Kenjay, Rehearsal daw eh. Buti na lang hindi malayo.

Well, may kasama ako, malamang. Ang tahimik niya nga lang. Ewan ko ba dito, okay pa kami kahapon, nagmall pa nga kami saka nanood ng sine, pero simula nang malaman niyang ako ang maid of honor sa kasal, biglang nagbago, ang tahimik, super. Nakakabagot kahit kelan ang biyaheng wala man lang nagsasalita.

"Deh.. May problema ba?"

"Wala." As simple as that ang sagot niya?

"Mukhang meron eh."

"I said.. Nothing." Sagot niyang hindi pa rin nakatingin sakin. Ganyan ba ang itsura ng walang problema?

"Tell me. Wala ba talaga? You're acting weird. Kahapon lang ang saya natin eh." Hinawakan ko siya sa braso. Narinig ko namang nagbuntong hininga siya. Saka hindi na kumibo. Is he really okay?

"Galit ka ba? Ano bang nagawa ko?" I said habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Mukhang naiinis siya, pero ayokong sumabay. Baka mas lalo pang mabadtrip. Alam niyo 'yun, kahit kami na, may times na inaabot siyang magsuplado. Wala naman akong magawa. Tss. Tapos wala namang sinasabi.

Pero kasi... Kahit anong iwas ko sa simpleng tampo may ganito pa ring eksena. Normal naman 'to diba?

Hindi ako komportable na ganito siya ngayon. Lalo na 'nung nakatutok na ako sa cellphone tapos siya nakatingin ng masama. Hindi ko na talaga alam. Ano na naman bang problema nito?

Arrrrgh! Kanina pa siya eh! Ayoko mang mainis pero ang hirap magpigil ah. Huminto iyon sa parking lot ng simbahan. Agad ko 'yung binuksan, hindi ko na siya hinintay pa makababa.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon