Chapter 87

144 12 4
                                    

"Sakin, day trip is better. How about you?" I asked him while I'm busy fixing my good for one week things.

"I agree." He answered then helped me to close the luggage. Siya na rin ang nagdala 'nun sa labas.

Sa tantiya ko, aabutin kami ng sampung oras sa byahe. Idagdag pa kung magstop over, baka abutin kami ng dose oras. Nag-suggest ako na magdala ng driver, but Earl insist na wag na lang. He wanted to be my driver, iyon ang ipinipilit niya hanggang mapapayag ako. Hindi naman niya ako gaanong mamimiss niyan diba? I giggled. Napansin niya iyon kaya pasimple akong napakagat sa ibabang labi, tinaasan niya ako ng kilay.

"Don't miss me that much ha. Pag-uwi mo naman I'm still kicking and alive." Sinamaan niya ako ng tingin. He don't want my joke. Fine, ginawaran ko na lang siya ng ngiti. "Mag-iingat naman ako dun. And, obviously we will videocall always." Lumapit ako saka siya niyakap. Narinig ko ang marahan niyang pagbuntong-hininga.

"I'll be home, right after the operation."

"We talked about it na diba?. Two weeks Earl. Hihintayin mo ang pag-recover niya. That will take two weeks. Mabilis lang 'yun." Natahimik siya. Siguro ay pinag-isipan niya 'to ng maigi. Sabi niya, masamahan lang sa operasyon ni Stephanie at ipakita ang suporta ay ayos na. Hindi na kailangang hintayin ang recovery. Kaya lang iginiit ko talaga na hintayin na iyon.

"This is not a good idea. She'll probably think you're giving her chance. This will give her false hope, Marla." Umiling ako bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi niya. Wala lang siyang tiwala, siguro iniisip niya na may iba pang pakay si Stephanie .

"She won't." Kampante kong sinabi. I'm not selfish and I won't decide on this if it'll just destroy us. If I could help anyone in any means, I will. Stephanie is not kind, yet that won't matter anyway. May kaba at takot man, mas pinili kong manindigan sa naging pasya. Nandito lang naman ako Earl, hindi naman ako mawawala.

I wanted to assure him. To make him feel like I'm his home. Na kahit pa saan man siya magpunta, may uuwian siya. Wala naman nang iba, this is final. Ilang beses ko rin itong pinag-isapan at alam kong hindi ko ito pagsisisihan.

Hundred percent! I'll miss him. Kung pwede nga lang na itali siya sa tabi ko ay ginawa ko na. But then, there's a side of me that want to push it through. Gusto ko pa ring tulungan si Stephanie.

Stephanie won't be the reason for us to break. No one. Sa lahat ng pinagdaanan namin, iyon na yata ang pinakahuli kong iisipin na maging dahilan. We're in this together.

Alas syete ng umalis kami sa condo. Kumain muna kami sa malapit na restaurant saka kami bumiyahe. I keep myself busy, the next few hours I started telling him random stories. Madalas ay sumasagot siya, nagkukuwento na din. We did play some music on his playlist and mine. Nagkakasabay din kaming kumanta.

"Mamasyal tayo bukas. I heard Bicol is a good place. Maraming magagandang lugar na pwedeng puntahan." That sounds music to my ears! I shifted on my seat. Ngayon nakaharap na sa kanya.

"Talaga?" Hindi na maitanggi ang excitement ko dahil sa narinig, siguro kumikinang na rin ang mata ko ngayon. He looked at me then nodded. "Tayong dalawa lang?" Mas lalo kong pinokos ang atensiyon sa kanya. Tumango siya saka naman ako napanguso.

Napansin niya iyon kaya napabaling na rin siya sa akin.

"Why?" In his concerned tone.

"Mas maganda sana kung marami tayo. Namiss ko kasi talaga ang mamasyal. Lalo na kasama sila Mama, you know I've never done that for a while. Kababalik ko lang then sakto namang marami na kaming pinagkaabalan. I started working while they go there in Bicol. I think it would be the perfect time." I waited for his answer. I was thinking of spending this suppposed vacation with my parents. Sasamantalahin ko sana ang pananatili ko doon.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon