"Are you ready?" Tanong ni Earl pagkapasok sa loob ng kwarto namin. Ngayon na kasi ang balik namin sa manila. Ang dapat na 9:00 am na alis namin ay nauwi sa 10:30. Humirit pa kasi akong lulusong saglit sa dagat. Nakatuwaan ko ding makisali sa mga batang naroon na namumulot ng mga sea shell. I missed being kid that's why. Habang siya naman ay busy sa kung anong bagay, palagi kasi siyang may kausap. Maya't-maya may tumatawag sa kanya, I think it's about business dahil seryoso naman ang mukha niya. Naririnig ko din na about reports ng kung ano ang pinag-uusapan nila. I always caught him looking at me lalo na noong bahagya kaming napalayo ng mga batang kasama ko. Sa huli nakisali na rin siya, siguro noong tapos na ang mga tawag sa kanya. Kaya tuloy inabot din kami ng halos isang oras.
"Yes. Let's go?" Aya ko sakanya. Nauna na akong naglakad palabas ng kwarto bitbit ang mga gamit ko. Pilit niyang inaabot ang gamit ko pero hindi ko siya pinayagan.
"You're my boss. So let me handle this, magaan lang ito." sabi ko. Inangat ko pa iyon ng bahagya para ipakitang magaan lang talaga.
"No, give me that, ako na ang magdadala." Giit niya.
"Ikaw ang magdadala o uuwi akong mag-isa, which one?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"You're really stubborn." bulong niya. "Okay fine." pagsuko niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Nauuna akong maglakad sa kanya papunta sa parking area. Medyo lumakas ang hangin kaya medyo naisayaw nito ang buhok ko na tumama sa mukha ko. Hinawi ko iyon saka tumingala ng bahagya. I smiled when I saw Timothy and his other friends coming.
"Pauwi ka na? Hindi ka na ba mageextend?" salubong ni Timothy.
"Yup, We're going back to work, but still dahil din naman sa trabaho kaya kami nandito." sagot ko. Walang anu-ano'y kinuha ni Timothy ang bag ko.
"Ako na ang magdadala nito, saan ba ang sasakyan mo?" Hindi na ako makapagprotesta kaya hinayaan ko na lang. Nilingon ko si Earl na ngayon ay madilim na ang mukha, nasa likod ko na pala. He looked annoyed. Binati siya nila Timothy, nagtaas lang ito ng kilay saka walang imik na naglakad papunta sa sasakyan niyang nakaparada.
"Kasabay ko si Earl." Sabi ko na nagpangiti ng bahagya kay Timothy. Gusto ko pa sana siyang makausap kahit sandali pero mukhang nagmamadali na si Earl, pinaandar kasi nito agad ang engine ng sasakyan. Giving sign to Timothy na paalis na kami. Timothy laughed at that. Napapangiti na din ako dahil alam ko kung anong naiisip niya sa inaasal ni Earl.
"He's really teritorial huh." Biro pa ni Timothy. "Okay, try to visit here some other time, there's a lot of beautiful places here na for sure you'll love to visit. I'll visit you in manila too, If that's okay with you." Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Sure, Thank's anyway, I enjoyed my stay here because of you guys." Nagpaalam na din ako sa kanila saka ako sumakay ng sasakyan ni Earl. Nagpaalam din sila dito, tumango lang ito saka niya pinaandar ang sasakyan ng walang kaimik-imik.
"You made some friends here in a short period of time." Walang kaemo-emosyon niyang sinabi.
"Well, yeah? Timothy's a nice person, of course. And his circle of friends are fun to be with. Some other time I'll bring our friends here too para makilala din nila." Wala siyang isinagot doon. Nanatiling nakakunot ang noo niya habang nagmamaneho.
"By the way nakasama mo na ba sila Jick, simula noong nakabalik ka dito? Wala kasi silang nababanggit e. I wonder if you were the same as before kapag nagkakasama." Sabi ko ng may halong amusement. I like seeing them together way back when we were in college. They were always together na para bang laging binabantayan ang isa't-isa. Na bawal kalabanin ang isa dahil malalagot sila sa dalawa.
"We don't talk since I left." Natigilan ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya nakita kong bahagya siyang tumingin sa kaliwa niya saka bumalik ang tingin sa unahan ng sasakyan. Tiim ang bagang nito na parang may pinipigilang kung ano.

BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)
Teen FictionMarla And Earl - Love Story begins.. here.