Chapter 89

159 11 2
                                    

AN: Next Chapters are solely Earl's Point of View up until the Epilogue. Thank you for coming this far!

Enjoy reading!

Earl Peras

It's been a week... or is it now months? I'm here for how many months? I don't know, I lost count.

Simula nang lumipad ako sa America kasama ang anak ni Mr. Rivero ay hindi na alintana sa akin ang mga lumilipas na oras at araw.

Kung pwede nga lang ay hilahin na lang ang mga araw para matapos na ito.

Isang taon. Isang taong pagtitiis lang, kaya ko 'to. Makakabalik na ako. Mababalikan ko din siya. Mariin akong napapikit.

Ang tanong may mababalikan pa ba ako?

Kahit ako hindi ko na rin pinag-isipan pa ang dapat na irason sa kanya. Basta ang alam ko lang ay iiwan ko siya, kailangan siya ang tumalikod sa akin, kailangan siya ang bumitaw. Masakit. Sobra. Hindi ko alam kung anong dapat gawin sa mga oras na iyon. Matapos kong makausap ang Papa niya. Ang alam ko hindi maayos ang lagay ng family business nila kaya naman isang lapit lang sa akin ni Tito Roger ay nakapagdesisyon kaagad ako.

Maybe pressured.

Iyon lang ang tangi kong naisip na nagtulak sa akin. That's bullshit pero iyon ang totoo. Masyado akong nagpadala. Sa kagustuhan kong matanggap ako kaagad at maging karapat-dapat sa kanya sumugal kaagad ako.

Isang pakiusap lang nagpatianod na ako. That's her father. Iyon lang ang paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili. And I know her, she loves her father so much. He was begging. It hurts seeing him that way. Mahina, at ayokong makita ni Marla na ganoon ang Papa niya. Damn, I could aways take a bullet for her!

Ngayon bumuhos lahat ng tanong sa akin. Worth it ba lahat ngsakripisyo ko?

Nasaktan ko siya. Nalayo ako sa kanya. At may posibilidad pang wala na akong mababalikan pa. I left her. I made her cry.

Halos sabunutan ko ang sarili habang naaalala ang mukha ni Marla sa mga oras na iyon. F*ck you self. Such a jerk for saying that to her.

"F*ck you Earl! Asshole!" isang malutong na mura ang sumalubong sa akin galing sa mga kaibigan ko. When they heard about us sinugod nila ako sa bahay. Jick was fumming mad, si Marco ay masama ang tingin sa akin at si Vince ay pumipigil kay Jick.

Wala akong sinabi sa kanila. Walang nakakaalam sa dahilan ko at wala akong balak na ipagsabi iyon. I should keep that to myself. I guess I deserve whatever they call me. Iyon naman ang gusto kong maging tingin ni Marla maging sila, damay-damay na. I'm not powerful enough to fight. I needed time. I needed this.

"Earl, we heard about the engagement. Totoo ba 'yun?" my cousin ask me. Pinuntahan niya na ako sa bahay makalipas ang dalawang araw. Hindi na ako lumalabas dahil busy na rin akong aralin ang business namin. Pero hindi ko akalain na may ganoong bali-balita na. F*ck the fake news.

"No comment." Ilang beses niya pa akong kinulit pero wala pa rin akong sinabi. Kung ano man ang binabalak nila sa amin ni Stephanie, wala na akong pake. Dahil hindi ko naman hahayaang umabot pa doon.

"Pag-usapan niyo 'to Earl. Hindi ko kayang makitang parang walang buhay si Marla. Nasasaktan akong tingnan siya. Ganitong-ganito ka noong nasaktan ka rin ni Riri. Please Earl, explain to her. I know there's any other way. Hindi ganito, pwede ka naman magpunta sa America para masamahan whoever that Stephanie bitch is, nang kayo pa rin ni Marla, hindi ba?" Breena tried to convince me. Gusto niya kaming mag-usap. Para ano mas malito pa si Marla? Ayoko.

Mariin akong napapikit. I could imagine her face now. Sumasakit ang dibdib ko.
"Let her move on. Kaya niya 'yun." walang emosyon kong sinabi. Mas lalo pang napaiyak ang pinsan ko.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon