I stayed quiet after the talk with Stephanie, hindi na rin muna nagtanong si Earl kahit pa noong nagdinner kami. He waited for me to bring it up pero I remained silent the whole time. He looks worried anyway.
Pagkauwi namin sa condo, agad akong pumasok sa kwarto niya. Alam kong nakasunod lang ang tingin niya sa akin. Maya-maya lang din pumasok na siya sa kwarto, watching me from behind.
Agad kong kinuha ang bag na pinaglagyan ko ng ilang gamit na nadala. Naramdaman ko rin ang paglapit ni Earl sa tabi ko saka marahan akong pinaharap. Napatikhim ako dahil pakiramdam ko may kung ano na namang nakabara sa lalamunan ko. I hate doing this.
That's the time, hindi na napigilan ni Earl ang magtanong, maybe he can't bear to watch how bother I am.
"What are you doing?" Nakita ko ang pag-aalala niya bahagya ring naalarma. I heaved a sigh.
"I've come up with my decision Earl. Siguro mainam na samahan ko muna sila Mama sa Bicol--" He cut me off.
"Wait.. you what? You're leaving? Why?" Naguguluhan niyang tanong. Napabuntong-hininga ako. Umiiwas ako sa tingin niya, takot na makitang nasasaktan siya. I know this is selfishness on his side but I was just trying to help her. Masama ba 'yun? "Is it because of Stephanie? Ano bang sinabi niya sayo para magdesisyon kang umalis?" Dagdag niya pa. I know he's now confused. Hindi na ako magtataka dahil hindi pa nga lumilipas ang isang linggo simula nang maging maayos kami at ngayon nga may ganitong eksena na naman sa pagitan namin.
"I'm just... giving her a favor." Itinuloy ko ang pagpapaliwanag ko "She ask for it. Hanggang sa araw ng operasyon niya lang naman." Dagdag ko pa, I tried to sound more convincing. Marahan siyang pumikit dahil dun, nagpipigil sa inis.
"Hintayin lang natin na pumayag siya okay. I'm convincing her to get the operation as soon as possible. Siya lang talaga itong nagmamatigas at pinapatagal pa. She always want to move the date of her operation, that brat." Napahilamos ito, siguro ay naf-frustrate na rin sa inaasal ni Stephanie. Two months already? Ibig sabihin matagal na siyang nagmamatigas?
"You mean, wala pang schedule?" I ask. Inisip ko kasi nang maigi kung ano ang pwede niyang maging dahilan. It's almost two months already when I came home. Baka dahil sakin? Well, hindi malayong ako nga ang dahilan niya.
Tumango siya saka ako niyakap ng mahigpit. I shifted on that. Ramdam ko ang malalim niyang paghinga. Kagaya ko, punong-puno rin ng emosyon.
"We should talk about it first Marla. Pakiramdam ko, wala lang ako sayo. It's as if you just decide all for yourself. For once Marla..." He paused, I could feel how hard it is for him to say this. He swallowed hard "Isipin mo naman ako. I just can't let you go. Not this time." He sound hurt and so determined at the same time. Para akong binuhusan nang tubig sa sinabi niyang iyon. That's true. He just hit me with that reality. All I could think is my self. I'm being selfish again.
"I'm sorry, for being impulsive, for being selfish again. I'm sorry." I stare at him. He looks so down. Mas lalo akong nahihirapang tingnan siya. I reached for his face. Pinunasan ang luhang naglandas doon. I kissed his forehead and give him a hug. Hindi man mabura nun ang lahat ng nagawa kong mali sa kanya, maybe this one can calm him.
Can I just hurt my self for doing it to Earl? Hindi ko siya deserve. He's just too good for me. At ako? Isang babaeng hindi man lang naisip ang ikakabuti niya.
"Hindi ka aalis. At kung aalis ka man, sasama ako sa'yo." I know he's serious on that.
"You have your work Earl. Hindi mo pwedeng iwan 'yun." Bumitaw ako sa pagkakayakap saka bahagyang lumayo sa kanya. Masyado kasing malapit, hindi tuloy ako makapag-isip ng maayos. Masyado akong distracted, parang gusto ko na lang yakapin buong oras.
BINABASA MO ANG
Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)
Fiksi RemajaMarla And Earl - Love Story begins.. here.