Chapter 60

745 30 2
                                    

"Narining ko po tinawag siyang Stephanie... Opo, si Ms. Stephanie Rivero."

Magkahalong inis, galit, poot at paghihinagpis ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko, gusto ko siyang sugurin at this very moment. Gusto ko siyang paghahampasin. Gusto ko siyang sabunutan. Tinutotoo niya na ba yung banta niya sakin? Huh! How dare she go to Earl's house? Ang kapal ng mukha! And wow! Just wow! salubong na salubong ang kilay ko ng bumalik ako sa bahay. Hindi nakita ni Mama ang pagdating ko kaya hindi niya rin napansin ang black aura na nakapaligid sakin ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko saka dinial ang number ni Earl. Ilang ring na pero hindi niya pa rin sinasagot.

"The subrscriber's cannot be reached-"

Mariin akong napamura sa utak ko. Ayokong mainis. Ayokong magalit. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko. Did he cheat on me? May relasyon kaya sila ni Stephanie? Bakit siya bumisita!? Bakit wala man lang sinabi si Earl? Ghaaad! What the hell Marla! Ano 'tong iniisip ko. Sh*t! Eaaaaaarl! Mababaliw na ko. Knowing that ang bitch na yun pa. Sa babaeng yun na kitang kita mo ang determinasyon niyang manira ng relasyon. Hindi ako mapanatag! Earl please, gusto kitang makausap asan ka ba kasi? Napaiyak na ako sa sobrang frustration. Na parang pakiramdam ko niloloko na ko ng mundo.

Biglang nagring ang cellphone ko at agad na sinagot iyon. Bigla akong suminghot, huminga ng malalim saka ngumiti..

"Ea-"

"Hello, Marla umiiyak ka ba?" Nakilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses sa kabilang linya. Napawi ang ngiti sa labi ko.

"Alben..." mahina kong banggit sa kabilang linya.

"Okay ka lang ba? Umiyak ka ba? Ano?" bakas sa boses niya ang pag-aalala. Akala ko siya. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa dibdib ko. It's not him. Akala ko naalala niya na ko. Akala ko... Tumuloy ang paglandas ng luha ko. Hindi ko na kinaya. Pakiramdam ko sobrang sakit na hindi siya yung tao na nagtatanong sakin kung okay lang ba ako. Kanina ko pa siya kailangan, bakit ganun? Napahagulhol na ko. Sumabay pa ang naging pagtatalo namin ni Papa kanina. bakit Earl? Kailangan kita ngayon. Gusto kong malaman mo na handa akong suwayin si Papa pero hindi ko pa man nasasabi sa'yo bakit hindi din kita mahagilap. Bakit ganito? Binibigyan mo ko ng rason para salungatin ang gusto ng puso ko. It hurts. when someone you needed the most is not there.

Para akong tangang umiiyak na nakatapat sa tenga ko ang cellphone, not minding that Alben is there. Hindi siya nagsalita. Hinayaan niya akong umiyak lang ng umiyak.

"I'm sorry.. Hindi ko na napigilan." Hinging paumanhin ko ng matapos akong umiyak.

"It's okay. Ano bang nangyari? Where are you?" Bakas pa rin sa boses niya na nag-aalala siya.

"Gusto ko ng makakausap. Pwede ka ba?" Wow! How come ako na ang nakikiusap ngayon sa isang lalaki.

"Pwede ako ngayon. Nasaan ka? Susunduin kita." tama, kailangan ko ng makakausap.

"Nasa bahay."

"Okay, I'll be there."

"Okay, bye.." Binaba ko agad iyon. Tumayo ako saka dumiretso sa CR. Naghilamos saka nag-ayos ng sarili.

"Ay tanga!" Hindi niya nga pala alam ang address ng bahay pano nga ba siya makakapunta? Magdadial na sana ako ng number ni Alben ng marinig ko ang humintong sasakyan sa labas. Sinilip ko ito sa bintana at nakilala ko kaagad kung kaninong sasakyan. Napangisi ako. Mautak din ang isang to.

Agad akong bumaba saka nagpaalam kay Mama hindi na ako nagtagal pa saka lumabas din.. pinayagan ako ni Mama pero kailangan daw umuwi ako ng walang galos, natawa pa ako ng bahagya sa sinabi niya. Kahit gustong gusto ko nang maiyak dahil sa nangyayari ngayon nagawa ko pa rin ngumiti.

Ang Suplado kong Crush [BOOK 2] Having You (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon