Chapter 31

46 2 0
                                    

~THE EFFECT~

I was walking along the hallway. The moment I passed through the gate, I already found this day strange. Really strange. At halatang halata ko yun sa bawat paghakbang ko. What's happening here? I felt every eyes of every student here in the corridor. Then I'll hear them whisper. Whispers that are too audible for my ears.

"Ang kapal ng muka nya!"

"Walang hiya!"

"Ang sama ng ugali!"

"Manggagamit!"

"Sinungaling!"

"Mapagpanggap!"

"Weird talaga!"

Kumunot ang noo ko sa mga narinig ko. Ano?

I just kept on walking hanggang sa may makita akong kumpol ng tao. Anong meron dito?

Nang makarating ako dun ay napatingin sila sa 'kin. Tinapunan nila ako ng nandidiring mga tingin saka tuluyang nahawi para makita ko ang bagay na pinagkakaguluhan nila. Why are my pictures here? Inilibot ko yung tingin ko dun sa bulletin board.

Here are my pictures. Entering my house, entering my car, sitting with Lance, and with Brian. There's also a picture of what happened yesterday between me, Cin, Ina and Lance.

"It's a long time when we talk each other."

I never bothered to look at the person behind me because I already knew who she is. Sa paraan pa lang ng pananalita at sa construction ng statement, kilalang kilala ko na sya.

"Hindi mo ba ako haharapin?!"

Hindi pa rin ako humarap. Then I felt my hair being strangled from the back. Sinabunutan nya ako para mapaharap sa kanya.

Then she slapped me.

"Bastos!!! Pag sinabi kong humarap ka, humarap ka dapat!"

Tss...Hindi nya naman ako sinabihang humarap, tinanong nya kung hindi ko ba sya haharapin.

Tiningnan ko sya ng malamig.

"Sya nga pala, nagustuhan mo ba ang munti kong sorpresa."

At itinuro nya pa yung bulletin. Sya ang may gawa nito?

"Medyo matagal rin kasi tayong hindi nagkita. May mga sagabal kasi. Pero wag kang mag-alala, nandito na ako ulit at hindi na kita patatahimikin pa."

And she gripped my chin saka itinuloy yung sinasabi nya.

"Lalo na ngayon na wala ng magtatanggol sayo."

Saka nya pabalyang binitawan yung baba ko at lumapit dun sa bulletin board. Pinapanood lang kami nung ibang estudyante. Tiningnan ko ulit sya. Nakatingin lang sya dun sa mga pictures na nakadikit dun habang nakahawak sa baba nya. Then, she took some.

"Ang kapal ng muka mo no? Talagang pinagsabay mo yung dalawang lalaki. Di ka man lang nahiya. Akala mo ang ganda ganda mo!"

At narinig kong sumang-ayon yung mga nasa paligid namin. Then I felt a sudden force na tumama sa likod ko. Parami yun ng parami. They're throwing balloons filled with paint at me. And then, a balloon reached my face and I heard a crack. Nabasag na ang salamin ko. I did not bother to took it off. Then I saw her laughing. She threw me another glance.

"Na-miss mo ba 'to? Sabagay, tama lang namang mangyari yan sayo."

Then she played something.

" Oh that! I used you. Can't you see? Naging tahimik ang buhay ko dito simula nung dumikit kayo sa 'kin. So I did that. Pero nagsasawa na kasi ako. I think wala na akong kailangan pa sa inyo. So what's the sense para lumapit pa ako sa inyo? Mali. Para hayaan ko na lumapit kayo sa 'kin. O baka naman kayo yung hindi pa tapos sa kailangan nyo sa 'kin? Naniniwala kasi ako dun sa statement na 'Friendships are built by needs.' Hindi naman kayo lalapit sa 'kin kung wala kayong kailangan. Atsaka ano pa bang kailangan nyo? Pera? I can deposit it on your account para tigilan nyo lang ako."

I'm just listening to my own voice. I really got a bad mouth. I really did it yesterday.

"Napakamanggagamit mo! Sinungaling ka pa! Grabe ka!"

Sinabi nya yun ng nakangisi.

"Napakaweird mo pa. Mag-isa kang nakatira sa bahay na yan. Ano? Pamana? At bakit kailangan mong itago? Ano bang maruming lihim ang nasa likod nyang yaman mo?"

At sinampal nya ako ulit.

She's about to say something when we felt someone coming. Napatingin ako sa kanila. Patuloy lang silang naglakad. Kumunot pa ang noo ko dahil wala na ang salamin ni Cin. Nagtawanan pa sila, parang may pinag-uusapan. They didn't even threw me a glance hanggang sa tuluyan na silang nakaalis. Umiwas na lang ako ng tingin.

Now I think this is the effect. Ito na ang epekto ng naging desisyon ko.

The Ice Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon