Chapter 5

281 9 0
                                    

~WHO ARE YOU?~

I'm here at the locker room,kapapalit ko lang ng uniform, and you know the reason why. I remembered that we have research work in Physics so I decided to go to our school's library. Kinuha ko na yung bag ko sa locker ko at naglakad na 'ko papunta dun.

After a while nakarating na ako dun and I started doing what I should do.

Natapos ko rin naman yun agad and coincidentally nag-bell na rin kaya I made my way to my next class. Wala pa yung teacher namin nung dumating ako. I heard may sakit daw. I just took my Chemistry book out and I started reading. Pero habang nagbabasa ako.....

"Hi!",sabi nung lalaki na tumabi sa akin.

I just ignored him.

"Ang snob mo naman.Nakikipagkilala lang naman ako."

Tiningnan ko lang sya sandali pagkatapos bumalik na ako sa binabasa ko. He's a transferee. And that explains his action right now.

"Hello,Miss. Nakikita mo ba ako o baka...naman...BULAG KA?!"

Nanlaki yung mata nya at iwinagayway pa talaga yung kamay nya sa tapat ng mukha ko. Really? Is he thinking? How come na magbabasa ako kung bulag ako? Ngayon lang ako nakaencounter ng ganyan mag-isip next to Nidyl and it irritates the whole out of me.

I blankly looked at him at isinara ko ng pabagsak yung libro ko. What I need right now is silence at sinisira nya yun. Horror crossed his face. What's his problem? Naglakad na lang ako palabas ng classroom. I need to concentrate. I have a quiz later. But then nung nasa labas na ako ng classroom, I heard someone called.

"MISS!!!"

Hindi nya ba ako titigilan?! Wala ako sa mood na magpagulo sa kung sino man. Humarap ako to stop him from pestering me but I was stopped when I discovered that it wasn't him. I felt my blood rushed to my face. Pumikit na lang ako to ease my emotion. I'm really so embarrased. I decided to go back on my way and...

"WAA!!"

I just closed my eyes and waited for my body to touch the floor. Ano ba kasing ginagawa nya sa likuran ko?! It's been seconds but I still felt nothing. What happened? I slowly opened my eyes and they literally got big when I saw the situation I am right now.

That boy who came to be the reason of all this supported me. Hawak-hawak nya ako ngayon sa bewang para hindi ako matumba and realizing na sobrang lapit ng muka nya sa muka ko made my blood rushed to my face. Ang haba ng pilik-mata nya at ang kinis pa ng muka nya. Artista ba sya? O model? May itsura kasi sya. And I wonder kung bakit nya ba 'ko pinag-iinitan. I was busy with my thoughts when he smiled sweetly.

"I'm Lance Zey. And you are?"

Bigla akong nabalik sa katinuan sa tanong nya.Umiwas ako ng tingin. Ano ba 'tong ginagawa ko?

"Bitawan mo 'ko,"malamig na sabi ko saka kinalas ang pagkakahawak nya sakin. I started to walk away from him.

Nakita ko pang napakunot pa sya ng noo. After five steps, I felt someone grabbed my hand to face him.

"Hindi ko maintindihan.Wala namang masama sa pakikipagkilala sayo,di'ba? Pero bakit parang pakiramdam ko pati pangalan ipinagdadamot mo."

I stared at him coldly. And for the first time, I talked.

"Ano bang kailangan mo sa 'kin?"

"Grabe naman. Look, I'm a transferee. Wala akong kaibigan. I need someone to talk to and I'm choosing you. Masama ba yun? Hindi naman ako masamang tao."

Napakunot ako ng noo.

"Of all the people here, you're choosing me? Ok ka lang?"

"Oo ok lang ako. Ikaw ok ka lang? Hindi mo na ipagdadamot pangalan mo?"

I looked at him seriously.

"I'm someone you don't need to know."

And I grabbed my arm away from him saka ako naglakad palayo.

"And you think I'll give up that easy Ms. Len Cruz?"

Napatigil ako at napaharap sa kanya.

Tumingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo. I know that you know kung anong gusto kong malaman.

He smirked and took my ID from his pocket.

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Ano talagang gusto mo?"

"Makikipagkaibigan lang naman ako."

"Hindi ko alam kung manhid ka o nagbubulag bulagan para hindi makitang hindi kita gusto. I don't like you. If you still don't get it, it's not my business anymore. Well of course, you're never a part of my business anyway. And you'll never be. Tatapatin na rin kita para tumatak na dyan sa isip mo. Wala kang mapapala sakin. Don't go near me again!"

At tuluyan na 'kong umalis leaving him there dumbfounded. Hindi na ako lumingon ulit sa kanya.

Medyo malayo-layo na 'ko nung may naulinigan ako.

"I will not give up Len. Trust me."

Patuloy lang ako sa paglalakad.

Let's see.

The Ice Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon