Chapter 26

56 3 0
                                    

~THE RELEASE~

  Cin's POV

Isang linggo na ang nakalipas. At isang linggo na ring hindi pumapasok sina Len, Lance at Brian. Ako at si Ina lang ang pumapasok. Ano kayang nangyari sa kanila? Hindi man lang nagpaparamdam. Ito namang isang 'to laging lutang. Parang laging ang lalim ng iniisip. Ano bang nangyayari sa kanila?

"Cin."

Nagulat ako ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali.

"Lance?"

Napatawa sya sa tanong ko.

"The one and only," at kumindat pa sya.

Napaiwas ako ng tingin para maitago ang nanginit kong pisngi. That's the first time that he did that. Maya-maya tumawa sya. Tinatawanan nya ba ako?! Hinampas ko nga.

"Grabe naman. Masakit yun a. Na-miss mo lang ako e."

Aba!!! Hinampas ko sya ulit. Feeling to!

"Aray naman! Mapanakit ka," at nagpout pa sya.

Umirap na lang ako.

"So...anong nangyari sayo? Sa inyo? Si Len? Si Brian? Di pa ba sila papasok ngayon?"

Biglang nawala ang ngiti nya habang nagsasalita ako.

"A-ahm ewan ko."

Biglang napadako ang tingin ko kay Ina. Did I just saw her smirked?

Maya-maya napapitlag ako ng bigla nyang itinapon sa tapat ko yung phone nya saka sya umalis. Anong problema nya?

Tiningnan ko agad yun at text ni Len ang bumungad sa 'kin.

From: Len

I still can't go to school today. I'm out of the country.

Kaya pala.

"O Lance nagtext si Len. Out of the country pala sya. Di mo ba alam?" At inabot ko kay Lance yung cellphone. Pagkatapos nyang basahin, nag-shrug lang sya at...

"Hindi." At inabot sa 'kin yung phone.

Kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Magkaaway ba kayo?"tanong ko sa kanya.

Kunot noo rin syang tumingin sa 'kin.

"Hindi. Ba't naman kami mag-aaway?"

Natauhan naman ako.

"Sabagay. Nakakapagtaka lang kasing di sya nagsabi sayo."

"Wala naman akong magagawa kung hindi sya nagsabi,"sagot nya.

I shrugged. Oo nga naman.

"Ikaw? Ba't antagal mong nawala?" Then I looked at him. Umiwas naman sya ng tingin.

"A-ahm...may pinagawa lang sa 'kin si Dad."

Tumango na lang ako.

"Tara na. Pasok na tayo," aya ko sa kanya.

Tumango naman sya.

  Len's POV

I just texted Ina. I faced my whole body mirror. Tinitigan ko ang sarili ko. I have a cut on the lips. Sira-sira at puro dugo ang damit ko. Sobrang dungis ko rin. I touched my head. Nararamdaman ko pa rin ang sakit dun dahil sa pagpalo sa 'kin. Tiningnan ko ang kamay ko at may nakita akong pulang likido. Hindi kaagad makapaghilom ang mga sugat ko, dahil bukod sa nanghihina ako, hindi ako purong bampira. I'm half ice. I gritted my teeth at tiningnan ko ng matalim ang salamin.

The Ice Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon