Epilogue

114 8 0
                                    

"Dace!" Tawag ko pagkauwi ko ng bahay.

Kagagaling ko lang sa Trent's.

"Dace." Tawag ko ulit at nagsimula na akong hanapin sya.

Nasaan na ang batang yun?

Dumiretso ako sa kwarto nya pero hindi ko sya nakita doon.

Kumunot na ang noo ko. Asan ba sya?

"Dace!" Tawag ko ulit.

Pumunta muna ako sa kwarto namin para ilapag ang gamit ko. Pero pagkarating ko doon ay may narinig akong tawa ng bata.

Napalingon ako sa veranda. Agad akong pumunta dun at nakita ko kaagad ang garden kung saan ko sya nakita.

Napangiti ako habang tinitingnan sya. Kinakausap nya yung alaga nyang mga aso. And when I say kinakausap. That's literal. Animalinguist ang anak namin at maaga namin yung nalaman. May kakayahan syang makipagcommunicate sa mga hayop.

"Mommy!" Napalingon ako ng tinawag nya ako. Napangiti ako at kinawayan sya. Akala ko kung nasaan na sya.

Patalikod na sana ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko.

Sinulyapan ko ang wristwatch ko at nagtaka.

"Parang ang aga mo ata ngayon." Sambit ko.

Ngumiti sya before he kissed me on the cheeks.

"Happy 4th anniversary!" At may ibinigay sya sa aking box.

Napangiti ako. Akala ko mamaya pa sya makakauwi.

"Happy anniversary!" Bati ko rin sa kanya pabalik saka ko sya nginitian.

"Hey Dad!" Narinig kong sigaw ni Dace sa baba at ngiting ngiti sa amin.

Agad naman nyang tiningnan ang anak nya at kinawayan rin.

"Hey son. Enjoying the day?" Tanong nya.

Tumango-tango naman si Dace at maya-maya'y napalingon sa may sala namin at tumakbo doon. Kumunot naman ang noo ko.

Maya-maya bumalik sya.

"Hey Mom, Dad. Get down. Tita Ina and Tita Cin are here." At tumakbo na sya ulit sa sala.

Napatawa naman ako at tiningnan ang asawa ko.

"Heard that Ice? May bisita na naman tayo."

He just chuckled at hinawakan na ang kamay ko.

"That's why we need to go." Sabi nya pa.

Nagpalit lang kami ng damit bago bumaba. At habang bumababa kami ay binibigyan nila kami ng mapang-asar na ngiti.

"You two are so tagal. Baka magkaroon ka na kaagad ng kapatid Dace." Asar ni Ina sa amin at bumaling pa sa anak ko.

Aba talaga 'tong babaeng 'to!

Tumawa lang si Cin.

"Hay nako. Pinag-iinitan nyo na naman kami. Asan ba mga asawa nyo?" Tanong ko at umupo rin sa sofa.

Agad naman akong tinabihan ni Ice.

"Parking the cars." Sagot nya.

Maya-maya ay dumating na sila.

"Hey Dace."

"Hi Tito Brian and Tito Tristan!" At ngiting ngiti syang tumakbo palapit sa kanila.

The Ice Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon