Chapter 56

51 2 0
                                    

Hirap na hirap akong bumangon habang nakatingin sa kanya. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng kontrol sa sarili ko. Pero hinang hina pa ako dahil sa mga nakikita kong nagawa ko. Hindi ko inintindi ang naririnig ko mula sa kanya. Ang alam ko lang ngayon ay gusto ko syang lapitan. Nakatingin lang din sya sa akin habang may dugo akong nakikita sa gilid ng labi nya. What have I done?!

Naramdaman ko ang hawak sa akin ni Mom and Dad. Hinawi ko lang muna iyon at pinilit ang sarili ko na itayo. Hindi ito ang oras para magpakahina ako. Pero hindi pa ako nagtatagumpay ng naramdaman ko ang isang malakas na sipa sa tiyan ko na nagpatalsik sa 'kin. Napapikit ako sa sakit ng pagtama ko sa isang upuan. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa gilid ng labi ko. Agad kong pinunas yun at iniangat ang sarili ko.

Kitang-kita ko ang pulang-pula niyang mata habang naglalakad palapit sa akin.

"What? You're just gonna stare while I'm taking your life?" Nanunuya nyang tanong sa akin.

I smirked. Take my life? Really?

"That is... if you can." Mapang-asar ko ring sagot sa kanya.

At bigla ko na lang naramdaman ang pagsabunot nya sa akin.

Muli kong nakita ang pagmumuka nya. Why does it have to be you Mama Suzy?

Unti unti na kaming lumulutang sa ere.

"You're doubting me?!" May talim sa boses nya. Alam kong sa kanya lumipat si Helena. Wala lang akong kontrol ngunit naririnig ko ang lahat. Kaya alam ko ang dahilan sa mga nangyari sa akin..

"Yes." May diin kong sabi kaya mas nag-alab ang galit nya. Inihagis nya ako sa pader at hindi ko naman napigilan yun. Masyado pa akong nanghihina dahil sa paggamit nya sa lakas ko. Nakita kong gumalaw na sila Mom and Dad. Humarang sila sa akin.

"Stop this right now, Suzzanne!" Sigaw ni Dad.

Humalakhak lang sya.

"And why will I? After everything that you've done. You really think I'll just let this go?"

"I'll not let you hurt our daughter again." Malamig na sabi ni Mom at agad syang inatake.

Mabilis ang mga naging atake ni Mom pero mas naging mabilis si Mama. And with just one lose move agad nyang nasipa si Mommy at tumalsik sya.

"MOMMY/ ELEINA!" Sabay naming sigaw ni Dad.

At sa isang iglap lang ay nakita ko na ring sumugod si Dad pati ang mga kaibigan ko at mga alagad.

Naging magulo na at isa lang ang malinaw. Kaya nyang talunin silang lahat. Isa-isa ko silang nakitang tumalsik at hirap na hirap. Napapikit agad ako ng mariin. Damn! Bakit nakatingin lang ako? Bat di ko sya talunin? Ano bang nangyayari sakin?

Nang nawala na silang lahat sa harapan nya ay humalakhak sya ng malademonyo.

"Weak creatures." At muli'y itinuon nya ang tingin sa akin.

Kahit nahihirapan ako ay nagsalita ako.

"Mama, stop this." Sinubukan kong magmakaawa.

Ngumisi sya at agad na inilibot ang tingin. Maya-maya'y tumigil ito sa isang katana. Dahan dahan nyang nilapitan yun at pinulot. She chuckled before she decided to speak.

"Well. I'm sorry. But your Mama is already gone."

At parang nag slow motion sa akin ang lahat. Tumatakbo sya papunta sa akin habang nakatutok ang katana.

Damn!

At sa kabilang banda'y nakita ko syang tumatakbo rin.

Lumaki ang mata ko. No! Lance!

The Ice Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon