CHAPTER 1

103 8 2
                                    

Chloe's Point of View

Sobrang init. Nakakainis lang na kahit hindi ako masyadong gumalaw ay pinagpapawisan ako. Badtrip.

"Chloe, ano ba? Ang tagal mo naman maghugas ng pinggan. Madami pa tayong customer dito.." Sigaw ni Tita. Kasalukuyan akong nasa part-time job ko sa karinderya ni Tita Sol.

Mahirap lamang kami. Pero mas mahirap pa din ang daga kesa samin. Wag kang ano dyan. Di to drama para magdrama ako sa buhay ko. Masaya ako sa buhay ko at kung anong meron ako. Meron akong mabait na magulang at isang kuya. Masaya kami. Sa sobrang saya namin sa pagiging mahirap, di na kami sinipag na magpayaman. Joke. Haha. Kdot na lang sa kakornihan ko. Tch.

"Andyan na po tita.." Mabilis ko naman tinapos yung ginagawa kong paghuhugas. Kailangan ko pang tumulong sa pagseserve ng order. Nakakahiya naman kung pabagal-bagal ako dito.

"Tita, ako na po. "Mabilis kong kinuha yung tray na may laman na order na hawak ni Tita Sol. "Anong table po?.."

"Table 3.."

Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagtakbo papunta sa table 3. Ngunit hindi ko maiwasan na mapasimangot dahil sa nakita ko kung sino ang customer na nakaupo sa may table 3. Si Andrew Freecs. Ang bestfriend ko na ubod ng kapogian at kayabangan din. Di ko nga alam kung bakit ko yun naging best friend. Famous ito at nobody ako. Gwapo ito at panget ako. Maraming peklat ng pimples ang mukha ko. Di rin ako kaputian at lalo hindi rin matangkad. 5flat lang ako. Samantala ito, 5'10".

"Aba. Ano na naman ginagawa mo dito at naligaw ka?.." Nasesense ko na. May hihingiin na naman itong pabor sakin. Aba naman kasi, naaalala lang ako nito kapag may kailangan ito sakin.

"Ang sama mo naman sakin, Chloe. Hindi ba pwedeng namiss kita?.." Nagbeautiful eyes pa ang wala.

"Gago ka ba? Wag ako Andrew. Baka hugutin ko yang mata mo.." Asik ko dito.

Bigla naman itong umayos ng upo. "Oo na. May hihingiin akong pabor sayo.."

Jackpot. Sabi na e. Bakit naman ako nito mamimiss? Samantala ang dami naman nagkakandarapa na makita ito. Kaya wag niya kong pinagloloko.

"Ano na naman yun?.." Sinimulan ko ng ilapag yung mga order nito.

"Pwede ka bang pumunta kay Andrea at ibigay ito.." Inabot naman nito yung teddy bear at isang sobre.

"Tapos?.." Alam ko na. Saulado ko na. Dating gawi lang kapag humihingi sya sakin ng ganitong pabor. Kung yung iba nakikipagbreak gamit ang text, iba si Andrew. Nagsusulat ito ng letter. Di nga lang love letter, break-up letter. Sad life. Tch.

"Alam mo na gagawin mo.." Kinuha na nito yung order na sisig at isang buko juice. "Kumain ka na ba? Sumabay ka na sakin.."

"Hindi pwede. Marami pa kong gagawin.."

"Saglit lang naman. Ayaw mo bang makatabi ang bestfriend mong famous?.." Nakangising saad nito.

Ngumisi din ako dito. "Gusto mo ko makatabi? Baka maeskandalo ka. May katabi kang pangit. Syempre, iisipin nila na baka girlfriend mo ko. Nakakahiya di ba?.."

Alam ko na sobra nitong pinangangalagaan yung image nito. At ayaw nga nito na makadikit sa pangit e.

"Hindi ka naman pangit e.." Saad nito sa pagitan ng pagnguya.

"Gago! Di ko na kailangan puriin mo ko. Gagawin ko talaga yung pabor. Bahala ka na nga dyan! Tandaan mo, magbayad ka hindi porque best friend mo ko, makakalibre ka na.."

Umalis na ko sa table nito. Malaki ang utang na loob ko dito dahil nakakapag-aral ako ngayon dahil sa tulong nito kaya wala akong reklamo kapag humihingi ito ng pabor.

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon