CHAPTER 17

104 2 5
                                    

Choe's Point of View

"Andrew?.." Tawag ko dito. Kasalukuyan kaming nasa library at nagrereview para sa aming exam sa major. Halos magdadalawang-oras kaming nagrereview. Nakaramdam naman ako ng pagkagutom kaya tinawag ko si Andrew na seryosong seryoso sa pagbabasa ng notes nito.

"Hmmm.." Sagot nito na hindi man lang ako nililingon.

"Hindi ka pa ba nagugutom?.."

Doon lamang ito lumingon sakin. "Nagugutom ka na ba?.."

"Oo.."

"Sige. Ligpitin ko lang to.."

Niligpit ko na din yung gamit ko. Isang linggo na ang lumipas noong mangyari yung pananaksan kay Andrew pero hanggang ngayon, wala pa din kaming ideya kung sino ang may sala nito.

"Saan mo gustong kumain, Chloe?.." Tanong nito habang naglalakad kami palabas ng library.

"Sa canteen na lang. Para mas malapit.."

"Sige.."

"Parang seryosong-seryoso ka sa pagrereview, Andrew?.."

"Oo. Alam mo na. Graduating na tayo. Hindi na pwedeng pachill-chill.."

"Sabagay.."

Biglang huminto si Andrew kaya napahinto ako. "Chloe, maglaro tayo.."

"Anong laro?.." Kahit kailan talaga, bumabalik sa pagkabata si Andrew.

"Pataasan tayo ng score sa exam natin ngayon sa major.."

"Bakit?.."

"Para naman may thrill..."

"Tapos? Anong mangyayari.."

"Kapag natalo ako, pwede mo hingiin sakin kahit anong gusto mong hingiin. Tapos pag ako nanalo, sasamahan mo kong pumunta ng laguna sa sembreak..."

"Nye. Bakit? Anong meron sa laguna?.."

"Pinapunta kasi ako doon nila Dad. May family reunion kami.."

"Bakit kailangan ko pang sumama? Eh family reunion nyo yun?.."

"Para maging masaya naman yung sembreak ko.."

"Bahala ka.." Nagsimula na ulit akong maglakad. Hinabol naman ako nito.

"Oy ano?.."

"Bahala ka nga.."

"Edi yes yan a.."

Wala naman kasi akong magagawa. Kahit tumanggi ako dito, pipilitin pa din nito yung gusto nito.

Habang tinatahak namin ang daan papunta sa canteen ay nakasalubong namin si Lucas.

"Mga tropapits! San kayo pupunta?.." Masiglang bati nito sa amin ng makalapit ito.

Ngumiti ako dito. "Sa canteen. Sama ka?.."

"Sige ba.." Kumapit pa ito sa braso ko. Pero hindi ko maiwasan magtaka kung bakit hindi man lang binati ni Andrew si Lucas.

***

Sobrang tahimik. Lahat kami ay nakapokus sa exam namin. Lahat kami ay gustong makapasa. Hindi ko naman maiwasan lingunin yung dalawa kong katabi. Sila Andrew at Lucas ay parehas seryoso. Sht.

Aminado ako na medyo mahirap yung exam namin. Kaya kinakabahan ako dahil baka matalo ako ni Andrew sa pustahan namin. Alam ko naman na kailangan kong tumupad sa usapan namin ni Andrew dahil kung hindi, kukulitin lang ako nito hanggang sa mapikon ako. Tch.

"Sineryoso mo ba, Chloe yung exam mo?.." Tanong ni Andrew ng makalabas kami ng klase. Napatingin naman ako dito. Alam kong confident ito sa mga sagot nito. Kasi hindi naman bakas dito na alanganin itong matatalo sa pustahan. Tch.

"Oo. Lagi naman akong seryoso sa exam. Alam mo na para sa scholarship.." Mataray kong saad dito.

"Dapat, hindi mo na lang sineryoso kasi sayang effort mo.." Mayabang talaga ang best friend ko. Pagpasensyahan nyo na lang. Tch.

Nauna na kong maglakad dito.

Sa di kalayuan naman ay nakita ko si Killua habang kasama si Sophie. Napangiti ako. Ang swerte ni Sophie dahil sya ang secretary ni Killua kaya lagi itong magkasama.

Nang mapansin kami ni Sophie ay agad itong kumaway. Dahil sa ginawa ni Sophie ay lumingon na din samin si Killua. Ngumiti ito ng ubod na tamis ng magtama ang tingin namin.

"Chloe!.." Tawag nito sakin.

Halos tumalon na ko dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Killua! Sophie!.."

Tumakbo naman palapit sakin yung dalawa. Dahil sa sobrang kilig na naramdaman ko, nakalimutan ko na kasama ko pala si Andrew ngayon. Kaya panigurado na maiilang si Sophie.

"Where are you going?.." Si Killua.

"Pauwi na.. Kayo ba?.."

Napansin ko naman na napatingin yung dalawa ko sa likuran. Alam kong nasa likuran ko na si Andrew base sa naging reaksyon ni Sophie.

"Pupunta sana sa canteen. Bibili ng merienda. Sama ka, Chloe.." Aya ni Killua.

"Ako ba pre? Di mo yayayain?.." Singit ni Andrew.

"Syempre kasama ka pre.."

"Ayun.."

"Ah. Killua, may pupuntahan pa kasi ako. Baka hindi ako makasama.." Si Sophie.

Ang bruha, bitter pa din kay Andrew.

"Sumama ka na, Sophie.." Si Andrew.

Sabay sabay kaming napatingin dito. Ngayon lang kasi nagpansinan yung dalawa matapos yung break up nila.
"Mas marami, mas masaya.." Dugtong pa nito.

"O-okay.." Alanganing tugon ni Sophie.

"Let's go guys?.." Si Killua.

"Tara.."

Kami ni Killua yung magkasabay. Ang daldal pala ni Killua. Napaka-bubbly. Ayaaaa. Nahuhulog na ko ng sobra sa kanya.

Yung dalawa sa likod ay hindi nag-uusap. Hindi ko nga alam kung humihinga pa yung dalawa dahil sa sobrang tahimik nila.

Nang makapasok kami sa canteen ay yung dalawang lalaki yung umorder ng makakain namin. Tapos kami ni Sophie yung humanap ng table.

"Ayos ka lang Sophie?.."

"Yeah. I'm fine.."

Hindi na ko nagtanong pa. Kasi parang hindi pa din itong makapaniwala na magkakasama ulit ito pati si Andrew.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon