Chloe's POV
"Ikaw, ang pangit pangit mo tapos dumidikit ka pa kay Lucas at Andrew. Hind ka ba nahihiya sa pagmumukha mo?.." Si Angel. Again. Hinarang na naman ako ng grupo ni Angel. Gaya nung una, hawak ako ng dalawang babae sa braso ko. Kasalukuyan kami nasa gilid ng isang iskinita na malapit sa school namin.
You know the reason. Tumabi kasi ulit ako kay Andrew at pinaalis si Angel sa upuan ko. Kaya ayun, nagmamaktol si Angel.
Halos mamanhid yung pisngi ko dahil sa ginawang pagsampal ni Angel. Gigil na gigil ang bruha sakin. Kanina pa ko nito sinasaktan, pero wapakels ako. Kahit naman kasi magkasugat man ako, still pangit pa din ako. Kaya hinayaan ko na sila. Hinayaan ko na sila na saktan ako para naman mailabas nito yung sama ng loob nito sakin.
Dumudugo na din yung gilid ng bibig ko dahil sa ilang beses na pananampal ni Angel.
"Why don't you fight back us?."
Ngumisi lang ako at hindi ito sinagot. Kaya yun sinampal na naman ako. Aba't hindi pa ba sya nauubusan ng lakas kakasampal sakin.
"Masyado kang matapang Chloe. Hindi ko alam na sa pangit mong yan, may lakas ka ng loob. Maawa ka naman sa sarili mo. Pinagmumuka mo lang sarili mo na isang katulong sa harapan ni Andrew.."
Napailing na lang talaga ako. Ang laki ng problema nila no? Bakit ba pinoproblema nila ako? Sila na nga nagsabi na pangit ako di ba? So anong laban ko sa kanila?
Napatingin kami bigla ng may humintong motor sa tapat ng eskinita. Nagkatinginan yung tatlo. Panigurado, nagtataka ang mga ito dahil kahit late na may napapadpad pa din na mga estudyante sa lugar na yun.
Isang lalaki yung sakay ng motor. Nakahelmet ito kaya hindi ko masyadong maaninag kung sino ito. Medyo madilim na din kasi.
Biglang tumalon yung puso ko ng makita kung sino yung sakay ng motor. Si Killua. Deym! Sht. Ang gwapo talaga nya.
Bumaba ito sa motor at lumapit samin. Agad naman akong binitawan nung dalawang babae.
"Mga miss, may problema ba dito?.." Si Killua, buwisit. Ang gwapo ng boses nito. Bagay na bagay sa gwapo nitong mukha.
"Ah-eh, w-wala. Sige, Chloe, una na kami.."Agad akong binitawan ng dalawa at nagpaaalam na aalis na. Ramdam ko naman na kinabahan yun tatlo dahil sa biglang pagdating ni Killua.
Agad ko naman inayos yung itsura ko. Pinunasan ko yung dugo sa gilid ng bibig ko. Inayos ko yung buhok na pinagtripan nung tatlo na sambunutan. Tch.
"Miss, ayos ka lang ba?.." Si Killua.
Oo, ayos na ko. Nandito ka na kasi. Gustong-gusto ko ng magtatatalon dahil sa kilig. Kung mapapansin lang nya ako kapag nabugbog ako, aba, aa-aarawin ko talaga ang pagpapabugbog.
"Oo.." Pabebe kong sagot. Walanjoo. Is that me?
"Mukhang napagtripan ka ng tatlo a.."
"Hindi. We're just having fun.." Biro ko dito. Baka kasi maisip nito na palaaway ako. Mga ganun. Syempre, I should maintain a good image for him. Charot.
"Fun? Nasan ang fun dyan? E, halos masugatan na buong mukha mo e.."
"Hindi, normal yan. Dahil yan sa mga pimples ko.." Natatawa kong saad.
Natawa na din ito. Aba't may isang anghel na tumawa sa harapan ko sa katauhan ni Killua. Kaylamig pakinggan mga bes.
"Joker ka pala.."
"Medyo.." Hihi. The fudge. Ang landi ko sa part na to mga bes.
Tinulungan naman ako nito sa pagpupulot ng mga gamit ko. Sana naman pati puso ko, pulutin mo din, nafall na kasi sayo. Char. Ang landi ng lola nyo mga bes.
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.