Chloe's Point of View
"Mauna ka na, Andrew.." Saad ko dito. Nasa tapat na kami ng gate ng school. Kapag ganitong papasok kami ng school ay madalas hindi ako sumasabay papasok dahil ayokong mapagkamalan na chimay nito kahit medyo parang chimay na ko pag kasama ako nito.
"Ayos ka lang dyan?.." Tila alanganin na tanong nito.
"Ano ba drew? Matagal na natin itong ginagawa a?.." Natatawa kong saad.
"I know. I was just thinking na baka magbago isip mo at sumabay na sakin.."
"Nah! Hindi no.."
"Sige, I'll go ahead.." Pumasok na nga ito ng school. Narinig ko agad yung tilian ng mga babae sa campus. Grabe ang mga babaeng ito. Hindi na nahiyang tumili. Oy mga bruha! Tao lang din yang nakikita nyo. Badtrip tong mga to.
Nang mapansin ko na medyo malayo na si Andrew, pumasok na ko sa loob ng campus.
"Chloe!.."
Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Si Lucas.
"Yow Lucas!.." Bati ko dito.
"Si Andrew?.."
"Nauna na sa loob.." Nagsimula na kaming maglakad patungo sa room namin. Sa buong campus, wala masyadong nakakaalam na magbest friend kami ni Andrew. Hindi naman sa nahihiya akong ipakilala ito bilang best friend ko, pero nakokonsensya ako na baka dahil sakin ay pagtawanan si Andrew. Kahit naman kasi marahas ako dito, bestfriend ko pa din ito.
Pagpasok namin sa loob ay napansin namin na pinagkakaguluhan pa din si Andrew. Ang daming babaeng nakapalibot sa kanya. Tumingin ito sakin at tumango lang.
"Andrew! Balita ko single ka na.." Tili ng isang babae namin.
Napakamot naman sa ulo si Andrew. "Ang bilis talagang kumalat ng balita.."
"Yes! May pag-asa na tayo kay Andrew.." Masayang nagsisigawan yung mga babae sa loob ng room namin.
Guatamela naman. Hindi na talaga sila nahiya.
"Pre, dami mo talagang chix.." Bati dito ni Lucas.
"Gago ka pre!.." Nagsimula na itong mag-ayos ng gamit ng mawala ang pagkukumpulan ng mga babae sa paligid nito.
Magkakatabi kaming tatlo. Ako yung nasa gitna nila Lucas at Andrew. Kaya ang awkward dahil napapagitnaan ako ng mga gwapo. Kainis.
Nagulat ako ng may kumalabit sakin sa likuran ko.
"Oy panget! Palit tayo ng upuan.." Sabi ni Angel. Napasimangot ako bigla ng tawagin ako nitong pangit. Whatta! Oo na pangit ako. Pero, wag mo naman ipangalandakan. Ang sakit kasi e. Tch.
"Bilis pangit.." Tumayo na ito at inihanda yung paglipat.
Pinagbigyan ko na ito. Nauumay na din ako sa mukha ng dalawa e. Kaya lilipat na din muna ako.
Inayos ko yung gamit ko at tumayo. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ng dalawa.
"Makikipagpalit muna ako ng upuan kay Angel.." Sabi ko.
"At bakit?.." Sabay na tanong nung dalawa.
"Ang iingay nyo kasi.."
"Di naman kami maingay a.." Reklamo ni Lucas.
"Basta. Dyan lang naman ako sa,likuran nyo e..."
Lilipat na sana ako ng biglang hawakan ni Andrew yung kamay ko.
"Pumayag na ba ako?.." Seryosong saad nito.
The fudge. Who cares kung papayagan niya kong lumipat. Aba.
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.