Chloe's Point of View
Kakatapos lang namin kumuha ng exam kaya naisipan namin muna pumunta ng cafeteria para bumili ng makakain. Nakakaubos kaya ng lakas ang pagkuha ng exam.
Umorder lang ako ng isang sandwich at chuckie. Samantala yung dalawa kong kasama ay umorder na ng meal. Mga lalaki talaga, ang lalakas kumain.
Wala akong planong sumabay magmerienda sa mga ito kaya nagpaalam ako sa mga ito.
"San ka naman pupunta?.." Si Andrew. Itong lalaki na ito parang hindi mabubuhay na wala ako sa tabi nito. Tch.
"Pupuntahan ko lang naman si Sophie.." Matagal na kaming hindi nakakapag-usap ni Sohie. Napakabusy kasi nito sa pagiging secretary ng student council.
"Bakit hindi na lang sya yung pumunta dito?.."Reklamo ni Andrew. Like a boss talaga. May rason naman kasi si Sophie kaya hindi na ito sumasabay samin. Pero syempre, mamaya ko na sasabihin para may thrill yung istorya na ito. Char!
"Marami syang inaasikaso sa office nya kaya wag ka ng magreklamo.." Asik ko dito.
Hindi ko na hinintay yung sasabihin nito. Nagsimula na kong maglakad palabas ng cafeteria. Nakakamiss din kasing makipagchikahan kay Sophie. Halos palagi ko na kasing kasama si Andrew at Lucas sa loob ng university kaya nauumay na ako.
Habang tinatahak ko yung daan patungo sa office ni Sophie ay sinimulan ko ng lantakan yung sandwich. Nakakagutom talaga.
Habang enjoy na enjoy akong lumamon ay biglang may humarang sakin. Agad ko naman tiningnan kung sino. Si Angel. Hindi ko maiwasan magtaka dahil hindi naman kami close nito kaya hindi ko alam kung ano yung kailangan nito sakin.
Hindi lang si Angel yung nakaharang sa daraanan ko. Tatlo sila at hindi ko kilala yung dalawa.
"Sya yung katabi ni Andrew sa classroom.." Tinuro naman ako ni Angel. Hindi ko alam kung ano yung big deal doon kung magkaseatmate kami ni Andrew. Anong pakialam ng mga ito.
"And not only Andrew, also with Lucas. They are seatmates.." Ow? And so what naman? I almost forgot, famous din pala si Lucas. Mas famous nga lang si Andrew.
Nagulat ako ng bigla akong hawakan ng dalawa sa magkabilang braso. What now? Mapapaaway na naman ba ko?
"Girl, look at yourself. You're so ugly. And so ewww.." Diring-diri na turan ng isa sa mga babae. The fudge. Who cares kung pangit ako? Duh! Ako nga, wala ng magawa sa kapangitan ko, hindi naman ako nagrereklamo, pero sila na wala naman kaugnayan, kung mangialam, napakawagas. Tch.
"Yeah, and look at her face. So dami ng pimples.." Hays. Naawa na lang talaga ako sa mga pimples ko. Lagi na lang napapaaway. Wala naman ginagawang masama. Hays talaga.
"Starting tomorrow, don't you dare to sit with Lucas and Andrew. You look so kawawa.." Maarteng saad ni Angel.
Kdot. Kfine. Palamon ko pa sayo yung upuan ko. Duh.
"Understood?.." Mataray na tanong nung isang babae.
"Oo na, oo na. Sayong sayo na yung upuan ko.." Matabang kong sagot. Wala akong interes na patulan ang mga ito. Ayoko sa mga talunan.
Agad naman natuwa yung tatlo. Aba naman. Napakababaw ng kaligayahan ng mga ito. Kawawa sila. They don't know the true happiness.
"Bye pangit.." Sabay-sabay nilang paalam. At least nagawa pa nilang makapagpaalam sakin di ba?
Napa-duck face na lang ako sa kanila. Pinagpatuloy ko na din yung paglalakad.
Pag-akyat ko sa office ay agad kong natanaw si Sophie na busy sa mga paper works. Kawawa naman yung kaibigan ko. Wala na yatang time kumain.
BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.