Chloe's Point of View
"Isa pa Chloe, gawin mo pa yun, malilintikan ka sakin.." Kanina pa dada ng dada si Andrew sakin. Akala mo naman isang malaking kasalanan yung ginawa kong pakikipagpalit ng upuan kay Angel. Parang gusto na ko nitong hatulan ng death penalty. Ka-OA na lalaking nito. Hindi ko magawang kiligin sa ginagawa nya dahil alam kong impossible na may ibang meaning yung ginagawa nya. Ayokong maging assuming.
"Oo nga Chloe, nakakamiss ka.." Si Lucas. Humawak pa ito sa braso ko na akala mo takot na takot na mawala ako.
"Para kayong mga abnormal no? Hindi bagay sa inyo.." Reklamo ko. Tinanggal ko naman yung pagkakahawak ni Lucas sa braso ko. Nakakairita kasi.
"Samahan mo ko. Makikipagkita tayo sa mga tropa ko.." Si Andrew. Bigla ko naman naalala yung lalaki na may kausap sa phone. Panigurado na ito yung kikitain ni Andrew.
"Ayoko. Ano naman gagawin ko dun?.." Todo-tanggi ko. For sure, maboboring lang ako dun.
"Edi sasamahan mo yung pogi mong bestfriend.."
Binatukan ko naman ito sa ulo. Ang yabang e. Para maalog man lang minsan yung ulo nito.
"Isa pa, Chloe. Hahalikan talaga kita dyan.." Daing nito. Hinimas pa nito yung parte ng ulo nito na binatukan ko. Ang OA naman. Akala mo mamamatay sya sa simpleng batok ko.
"Shut up!.." Asik ko dito. Inunahan ko na ito sa paglalakad. Ayokong makasabay yung sobrang hangin kong bestfriend. Nakakairita.
"Hintayin mo kami.." Sigaw ng dalawa.
Tch. Bahala kayo sa buhay nyo.
***
Ang ending ko din pala ang sasamahan ko pa din si Andrew na makipagkita sa mga tropa nya sa isang sikat na bar sa makati. Tch. Halos puro lalaki ang mga ito. Nakakairita.
Hindi ko na magawang mahindian si Andrew dahil nag-alok ito na ililibre nya ko ng 1 week na free lunch. Hindi kasi ako marunong tumanggi sa grasya. Muka kasi akong libre. Patay gutom ako sa libre. Waaa. Honesto ako e.
"Pre. Chimay mo?.." Tanong ng isang matangkad na lalaki na kulay gold ang buhok.
Hindi naman ako na-offend sa tinanong nito. Sanay na ko mga bes na pagkamalan na chimay ako ng bestfriend ko. Tae, hindi ko naman ikamamatay yun e. Tch.
"Girlfriend ko pre.." Si Andrew. Napatingin ako dito. Abnormal talaga ang lalaking ito. Girlfriend? Ako? Wahaha. Nakakahiya sya.
Malakas naman nagtawanan yung mga tropa ni Andrew. Aba, kung makatawa naman, wagas. Mga tol, may bukas pa.
Oo nga naman kasi. Isang malaking joke yung binitawan ni Andrew. Kaya sige. Tumawa na nga kayo. Nakakatawa naman kasi talaga. Sige. Okay lang talaga. Naiintindihan ko na. HAHAHA.
"Di mo naman sinabi samin pre na mukhang paa na yung mga tipo mo.."
Aray ha? Kanina pa. Makamukhang paa naman si Kuya. Masakit yun a. Gigil much ako sayo kuya. Pasalamat ka at good mood ako.
"Pre, ano yung sabi mo?.." Tila napipikon na tanong ni Andrew.
Ano Andrew? Ikaw pa napikon. Samantala ako itong nilait e wala naman epekto sakin.
"Na mukhang paa yung girlfriend mo?.." Aba naman talaga, inulit pa ng gungong. Nadouble dead ako dun a.
Sabay-sabay kaming nagulat ng biglang sugurin ni Andrew yung lalaki na nagsabi na mukha akong paa.
"You want me to kill you right now?.." Tila naghahamon na tanong ni Andrew. The horrific image of Andrew. Kaya ayokong nagagalit ito.
"P-pre, n-nagbibiro lang naman ako.." Nauutal na tugon ng lalaki.

BINABASA MO ANG
Best Friend, I love you
RomanceBest friend, mahal kita. Ito ang huling kataga na iniwan nya sakin bago sya biglang nawala sa aking piling. PLEASE FORGIVE ME FOR MY TYPO AND GRAMMAR ERROR. THANK YOU.