CHAPTER 7

41 8 0
                                    

Chloe's Point of View

Pumasok ako ng maaga para dumaan sa library para dagdagan pa sana yung data para sa assignment namin. Weyt a minute kapeng mainit. Nasabi ko na ba sa inyo kung anong year na ko? Ay. Di pa no? Sige. Hayaan nyo kong magkwento.

4th year college na ko, kami nila Andrew at Lucas. Civil Engineering ang kinukuha namin. Ayun, malapit na kong grumaduate mga bes, konting kembot na lang. Haha

Back to reality. Yun na nga, nasa library ako. Maghahanap ng datos. Siguro mga 8am palang. Sobrang aga kasi 10am pa talaga yung klase ko.

Hindi ko na din hinintay si Andrew para isabay ito sa pagpasok kasi alam kong puyat ito. Anong oras ba naman na kasi iton umuwi kagabi. Pero thanks to him at ginamot nito yung sugat ko. Hihi

Nagsimula na kong maghanap ng libro na makakatulong sakin para sa assignment ko. Hindi naman ako nabigo na makita yung libro na malaki yung maibibigay na data sakin kaya agad kong kinuha. Pero bago ko pa mahawakan yung libro, may isang kamay na kumuha nito.

Syempre, nainis ako mga bes. Ako kasi naunang makakuha e. Kaya yun, nilingon ko yung kumuha with matching killer look.

The fudge. Pagtingin ko kung sino ang damuhog na kumuha ng libro ay ganun na lang yung pagtumbling ng puso ko. Si Killua lang naman mga dre!

Nakatingin ito sakin at tila nakangiti yung mga mata nito sakin. Ayyy. Ang puso ko, nagwala na naman. Nagwrestling na naman yung puso at isip ko. Sabi ni Puso, okay lang. Bigay mo na kay Killua yung libro, malay mo dahil dyan sa libro, mas maging malapit kayo. Tapos ito naman si Isip. Oy. Malanding bruha, magtigil ka dyan. Tigilan mo yang kalandian mo at kailangan mo yung libro para sa ikakaganda ng assignment. Mag-aral ka muna bes. Di ba? Ang sama ni Isip. Tch.

"Hello, Chloe.." Ngumiti ito na parang may candy sa labi. Sobrang tamis. Shocks. Pasensya na isip, hindi na ko susunod. Kay heart muna ako susunod.

"H-hello, bey- est Killua.." Takte. Muntikan ko ng masabi na baby a. Kalandian 1.0 aketch.

"You need this book, too?.." He asked. Itinaas naman nito yung libro.

"Y-yeah.." Nauutal ako dahil hindi ko na makontrol yung pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako dahil baka marinig ni Killua kung paano magrambulan yung daga ko sa puso. Nakakahiya kasi. Super!

"Woah! Paano yan, I need this too.." Saad nito na tila ba nanghihinayang kung hindi nito makukuha yung libro. The fudge. Anong gagawin ko? Kailangan ko din yung book na yun e. Huhu.

Nagulat naman ako ng bigla itong pumitik sa hangin.

"Oh, I think, there is a way. What do you think if we're going to study together?.." Masayang saad nito.

Biglang nagningning ang aking mata ng marinig yung suggestions nito. Kasing ningning ng star. No, mas maningning pa sa star. Paano ko matatanggihan yung opportunity na makasama ko si Killua? Paano ba? He is my ultimate crush ever. The fudge.

Pabebe mode is on.

"Ahmm, kung okay lang sayo?.." Nagtatanong ako with pabebe tone pa mga bes.

"No problem. My pleasure is mine.." Model ba ito ng toothpaste, kay ganda ng ngiti e. Nagbibigay liwanag sa aking buhay. Waah.

"Edi sige.." Mahinhin ako kunwari.

"Edi tara.." Hinila ako nito. Kung hinila nya, ibig sabihin hinawakan nya sa kamay mga bes. Gosh. Hihimatayin na ko dahil parang inaatake ako ng high blood. Parang tumataas presyon ko dahil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Watta!

Best Friend, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon